Episode 44

2.4K 214 321
                                    

Episode 44: Adjustments

--
AN: Thank you for patiently waiting. Don't forget to comment, vote, and spread the story. Salamat ulit. ❤️

---

Ang bigat nang pakiramdam ko ngayon. Parang ang hirap biglang buhatin ng ulo ko dahil sa bigat nito na kahit sa pagbangon ko'y nahirapan ako. Pakiramdam ko'y na magnet ako sa higaan ko't heto ako ngayon, antok na antok pa pero kailangan nang tuluyang gumising dahil anong oras na, mag aalas nuwebe na't nakahilatan pa rin ako sa kama ko. Mabuti na lang wala akong assignements o quiz today! Hay!
.

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil na rin sa bukod sa magkatext kami ni EL ay hindi rin ako makapaniwalang sinagot ko na siya at ayun, boyfriend ko na siya! Ang totoo'y nakapag-isip ako sa mga nangyari overnight at aminado akong parang nabigla ako! Alam niyo iyon? Naisip ko, ba't naman agad-agad, 'di ba? Hindi naman dapat ako nagmamadali kaso...ayun na nga.

Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung ano pumasok sa isip ko at humantong agad ako sa desisyon na 'yon! I mean, hindi ko pinagsisihan pero sana pala, kumalma na muna ako saglit at hinabaan ko na muna ang ligawan pero... the other side of me is saying, tama lang naman ang ginawa ko. Gusto ko si EL, sigurado akong mayroon akong nararamdaman para sa kanya—Oo naman! Sigurado ako pero hindi ba't parang...

Ah ewan. Nangyari na! Hindi ko na iyon mababawi pa't lalo na't heto, magbubukas na ako ng phone ko't bumungad nga naman sa akin ang message ni EL.

L❤️: Good morning my BB! See you later. I love you! 😘

L❤️: Nang magising ako, sinigurado kong hindi lang ako nananaginip kagabi at hindi nga! You are mine. Girlfriend ko na ang BB ko. Thank you naman. Hehe ❤️

Napabuntong hininga ako.

Wala na talagang bawian 'to. Paninindigan ko ang desisyon kong ito dahil hindi ko naman ito pinagsisisihan. Oo nga naman.

Ako: Good morning, L 🤗❤️

Pagreply ko at L na lang daw kasi para Love daw ang meaning! Tapos, Baby na daw dapat ang BB niya kaso mas pinili kong BB pa rin ang itawag niya sa akin dahil doon ako kumportable at bahala na kami sa meaning nun. Okay na rin naman. Mga kaartehan na nag-eexist nga naman sa realidad ng mga mag-jowa! Nararanasan ko na ngayon at alam kong marami pa akong dapat iadjust!

Nang natapos akong maligo at mag-ayos ay naglakad na ako palabas ng dorm at papunta na ako ng canteen mag-isa dahil nauna na sila Shielo at Alex dahil na rin sa inumaga na nga ako nang gising, nauna na sila.

"Couz! Papuntang canteen?" si Kathy nang makasalubong ko siya sa hallways ng dorm namin.

"Oo! Kakain na muna ako at gutom na ako! Ikaw ba? Sabay na tayo? Hindi ka na naman umuwi kagabi, ikaw talaga! Napapadalas ka na sa pag punta sa condo ni Joaquin ha! Sinasabi ko sa 'yo, Kathy!" babala ko dahil napapadalas na kasi talaga at doon siya nakikitulog. Nakakaloka!

Bahagyang natawa si Kathy. "Grabeh naman siya oh! Manang na manang, e! Try mo nga mag jowa nang ma try mo rin may katabi sa—char lang!" aniya at talagang may pahawak pa ito sa aking braso.

Kinilabutan ako bigla sa sinabi niya! Masasabunutan ko ata 'tong pinsan ko na 'to!

"A—anong try pinagsasabi mo diyan! Buang ka ba? Sinasabi ko lang na may dorm ka't sariling kama! Ba't nakikitulog ka? Tsaka, pinsan naman, baka kung anong mangyari sa 'yo, mapapagalitan ka na naman ni Tita, ikaw rin! Kargo kita kaya umayos ka!" sabi ko dahil hindi ko na rin talaga mapigilan pa ang sarili ko.

Napairap sa akin si Kathy. "Chill nga, couz! Ano bang iniisip mo? Nagmamahalan kami ng boyfriend ko at maharot man kami sa isa't-isa, iniisip naman namin ang future naming parehas no! Alam mo, share ko lang sa 'yo ha? P'wede naman kayong maging masaya ng jowa mo  basta ba alam niyo ang limitasyon niyo sa isa't-isa, e. H'wag oa, try niyo ni EL!" aniya at natawa siya bigla.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon