Episode 45

2.4K 211 277
                                    

Episode 45: Kiss

--
An: Namiss ko kayo! Pasensya na at matagal ako nakakaupdate. May mga adjustment lang sa personal na buhay at struggle is real din sa fangirling life pero kinakaya naman! Dapat lang! Maraming salamat dahil nandito pa rin kayo, Tayo! ❤️

Don't forget to comment, vote, and share the story! Love lots!

ps. this unedited

***

Kinabukasan, walang pasok si EL sa umaga dahil na rin sa binigyan sila ng rest day ng school pero sa hapon naman ay may pasok siya kaya heto, lunch time pa lang, nakaabang na siya sa akin sa labas ng classroom ko. Iba din.

Halos lahat naman siguro wala nang pakialam sa tuwing maraming nakakakita sa amin. I mean, napapatingin sila sa amin, at minsan pa ay masama pa ang mga titig nila ay ewan ko, nawalan ako nang pakialam sa iisipin nila. Sadyang, iyong mga malalapit sa amin lang naman talaga ang inaalala ko. Pero ayun nga, aamin naman kami ni EL kapag nakapag puwede na. I mean, kapag okay na sa parents ko at kapag sa tingin namin okay na.

Oo nga naman.

Nang mtapos ang klase namin ay saktong paglabas ko'y agad kong nakita si EL at...

may kausap siyang mga babae. Ngising-ngisi sila dahil ngising ngisi rin naman siyang nakikipag-usap sa kanila.

"Uy, B! Saan ka pupunta?" si EL at saktong nakasunod na siya sa akin ngayon.

Umiwas kasi ako sa direksyong kinaroonan ni EL kanina pero nakita pala niya ako. Okay.

"A—andiyan ka pala!" sabi ko pero agad akong nag-iwas tingin sa kanya.

Ewan ko. Nakakaramdam ako nang inis sa nakita ko kanina. Hindi naman sa nagseselos ako, sadyang nanumbalik lang bigla ang mga eksena sa utak ko sa tuwing nakikita ko dati si EL kasama ang mga babae niya. Nakakabuwisit kaya.


"Eh? Nagtext na ako sa 'yo na nasa labas na ako ng classroom mo ah! BB talaga!" natatawang sabi niya, "Saan mo nga pala gusto kumain? Name a place, order whatever you want!" aniya at good mood na good mood.

May vitamins na naman ata.

"Kahit saan," sabi ko at walang kagana-gana. Ayaw ko na muna siya makausap, naiirita lang talaga ako.

Siguro nga, selos ang tawag nito. Oo nga. Totoong selos. Oa sa pakiramdam pero totoong naiirita talaga ako, hindi ko kayang pigilan kahit na anong gawin ko!

"Ayan ka na naman sa kahit saan na 'yan, e! Balak mo ba ipangalan 'yan sa soon-to-be restaurant mo? Anywhere, it's okay! Mahaba pa naman oras natin!" anito.

Naiirita lang ako sa boses niya

"Ewan ko," sabi ko at napakibit-balikat pa ako.

Hindi ko alam pero tila kusang nasasabi ko ang mga bagay na ito nang basta-basta na lang. Napipikon ako kay EL! Gusto ko siyang awayin, talakan sa nakita kong pakikipag-usap niya sa mga clowns na iyon pero...

Nahihirapan ako at nahihiya rin ako.

"Ang sungit naman ng Baby ko! Sigaw ko ba dito na, girlfriend na kita?" aniya at may pabulong pa lalo na at nasa hallways pa kami, marami pang estyudante.

Bushak na Elliot! Sinamaan ko siya nang tingin. "Try mo lang!" mariin kong tugon at pinandilatan ko siya ng mata! Gigil ako ah.

"Try ko? Are you challenging me? Seryoso, B?" aniya at talagang parang naexcite pa!

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon