Episode 40

2.1K 217 456
                                    

Episode 40: Sealed

--
You know the drill, BB Nation (HAHA) : Comment, Vote, and share! ❤️

Thank you in advance!

Ps: Kalma sa spoilers lalo na sa twitter. hehe.

pps: unedited
---

I'm all upset. Hindi ko maintindihan why on earth BB did that to me! I mean, alam niya naman na ayaw ko sa lalaking 'yon, alam niyang may bubog ako sa hayup na iyon tapos biglang dadalhin niya sa game namin?! Hanep! Okay na kami kagabi tapos biglang liko na naman siya.

Like, I care?!

"Hoy! Ano, ba't ang tahimik mo diyan?" si Tito Nikko, kasama rin namin si tito Mokya at Eero.

Nasa restaurant kami nila Tito Nikko at kumakain na muna ng dinner bago magwalwal.

"Nasaan na nga pala iyong crush mo ha? Akala ko pa naman, ipapakilala mo siya sa amin kanina? Andoon ba?" si tito Mokya.

Napatingin ako kanila Tito Mokya dahil wala naman akong naaalalang sinabi ko 'yon, luh?

Napatingin ako kay Eero, "Well, I thought it was the best occassion for the Titos to know her but I changed my mind, don't worry!" sabi niya.

I get it. Kaya pala tanong nang tanong 'tong Eero na 'to sa akin kung pupunta ang BB, may plano pala! Putek.

"Ah, so, bakit nga?" si Tito Nikko, "Ready na kaming maging lolo, okay na sa amin! Hayaan mo na Tatay mo! And, do you actually think na ikukulong kayo ng Tatay niyo sa fixed marriage na 'yan kapag may Monika ng buhay niyo na kayo? Sasapakin ko Tatay niyo kapag nagpatawa siya nang ganun!" aniya and he sounded angry na alam kong hindi naman talaga. He always acts this way at sanay ako sa mga ganitong drama niya.


"Tito, it's not like that." pag-alma ko, "She was there... just that..." damn, why is it even so hard to tell the truth now?

"She was with someone else! She's with the ex," ani Eero.

"Eero!" pagsita ko. Napaka-takleso ng loko, e.

Okay. Hearing that from Eero at the moment stings my heart and I hated that. Bumalik lang sa aking alalaa ang mga nangyari kanina habang naglalaro ako. What she did really upsets me, big time.

"Ex? Akala ko ba walang ex iyon? Akala ko ba, friend? Fake news ba? May ex talaga tapos nagkabalikan?" tito Mokya said and huh?

Napahawi ako ng aking buhok and really, I didn't knew my titos know all of these already. Grabe!

"The friend, is someone she used to have feelings with! Okay na, Eero?! Baka nahiya ka pa, sinabi mo na sana biography ni BB—ni Margareth!" sabi ko dahil nanggigil ako bigla sa mga nalaman ko. Hindi na ata ako dapat magtaka kung alam na ni Tatay ang tungkol kay Margareth! But, hindi pa naman ako tinawagan tho.

Ah, ewan.

"Huy! H'wag mo nga inaaway ang kapatid mo! Hindi na 'yan nakakatulog sa pag-aalala sa 'yo! He was only worried lalo na't nabubuang ka na! At hanep, akala ko talaga napasa ko sa 'yo lahat ng charms ko, hindi pa pala! Hindi mo namana ang pagiging mapagmahal ko sa kapwa! Hayup na 'yan! Anak ka nga ni King, torpe!" natatawang tugon ni Tito Nikko and what do I know?

I smirked in reaction.

"True. Kaya nga ata dapat masigurado kong napamana ko lahat kay Eero ang mga skills ko, e. Ayaw ko madisappoint at baka torpe din'to?! Kahiya sa magandang lahi natin!" ani Tito Mokya

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon