Episode 30

2K 208 488
                                    

Episode 30: Calm

---
Ps. unedited. Thank you for patiently waiting.

--

Today, expected ang uwi ni Nanay from Germany. Si Tatay Mario ang susundo sa kanya mamaya sa airport kasama ang isa naming driver kasi nga may klase na ako. Excited na ako and at the same time kinakabahan. For sure, walwal days for Eero and I are over—the Mother Dragon is back.

Hay!

Well, aside from that, mediyo kabado din ako sa fact na maraming baon si Nanay from Germany, and that maybe some updates about the business? I mean, Tatay recently took over grandpa's company and it's all over the business news outlets and ang big deal nun.

You see, Tatay taking over the whole company of grandpa gave so many feedbacks from everyone concerned. Sobrang naging late kasi, considering Tatay's age and most especially, grandpa. Opinions such as, kung si Tatay daw agad ang nag manage edi sana hindi aabot sa ganito ang kompanya, na hindi kailangang mawalan ng trabaho ang libu-libong mga trabahante dahil sa nangyari. But then again, there are also who are doubting Tatay's skills lalo na at naaalala ng iilan ang mga ginawa niyang scandal noon sa Business event.

Well, some knows the real reason, some knows nothing. As to how the main company is to survive? It will all be Tatay's effort now and his family's support. Ewan ko ba.

Ayaw ko na muna isipin. Saktohan na lang muna.

"I'm excited! Nanay's coming home! Later, when I got home, for sure Nanay's already home na!" si Meredith at talagang damang dama namin ang saya niya, "Still sad though, Tatay's left in Germany! Sana makauwi na rin siya soon!" dagdag niya. Shift agad ng emosyon si Bubwit.

Nasa sasakyan kami ngayon lahat magkakapatid at dating gawi, ihahatid ko ang mga bunso sa school nila and yes, Eero's with us.

"Tatay will be back right after everything's okay! He can be with us again after his work." si Emith.

"Matagal pa?" si Meredith na parang maiiyak na.

"After Kuya EL finishes his studies! Right, Kuys?" si Emeril at napatingin siya sa akin. "But that's going to take about 4 years! That long," pahabol niya.

"That long?!" reklamo ni Meredith na alam mo talagang nabigla siya. "Why do I need to wait for that long?! What's going to happen to us without Tatay! Si Nanay na lang naiwan!" at talagang dehadong dehado eh.

"Ingay mo, Meredith!" si Eero na ngayon lang nagsalita. Kanina pa siya tahimik. Sabagay, ang aga pa rin naman kasi. Obviously, inaantok pa siya.

"What?! I'm just telling the truth! Bawal ba? I miss Tatay! It's been so long!"

"Sabi nga ni Nanay, uuwi si Tatay next week! It's fine already!" iritang tugon ni Emith.

Finally. Dumating na rin kami sa eskuwelahan nila Meredith. Agad na silang bumaba at talaga pansin kong nakabusangot na ang bunso. She really is a very short tempered kid. One reason kaya hindi sila magkasundo ni Emith dahil nagka-clash ang mga ugali nila. Hay!

"Katahimikan sa wakas." Si Eero nang makaupo siya sa front seat dahil na rin sa umalis na si Meredith.

Bahagya akong napaismid. "Bakit ba ang tahimik mo? Wala ka pa rin ba sa mood? You still have a lot of time to sleep, tumambay ka na lang sa tambayan." sabi ko kasi tahimik talaga siya, salubong ang kilay.

Look, minsan talaga, maraming nag aassume na hindi kami tinotopak ni Eero pero ang totoo, we do too. Anak pa rin kami ng NayTay, you know.

"Ang aga naman kasi! Nanay talaga." aniya and see I'm right. Paano, hindi na nga siya pinadala ng sasakyan, kailangan niya pang gumising ng maaga para sumama sa akin. He hates that. "By the way, Kuys. Okay na ba si Maggie? I'm just asking. Classmate ko sa isang subject iyong ex jowa niya." he asked.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon