Episode 58

1.8K 153 271
                                    

Episode 58: Assumptions
--
Excited with your comments! Let me know what you think :) Saktohan lang spoiler sa twitter ha? :) Hehe.

Don't forget to vote, comment, and share the story!

---

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil na rin sa tinulungan ko si tita sa mga appliances sa condo. Magluluto raw kasi siya ng babaunin namin sa outing namin na sana'y hindi ko na dapat papayagan pa pero dahil sa nag insist si Tita, okay na rin. Eh 'di ba nga, dapat relax sila? Hays.

"EL, tumawag nga pala sa akin ang Tito Nikko mo, ang sabi, aayusin niya raw iyong seminar na dadaluhan namin ng Tita mo para sa business. Maraming salamat anak, naeexcite ako sa nangyayari! Malaking tulong ito! Hindi pala ganoon kadali magtayo ng restaurant, marami pang dapat patdaanan at masaya akong mapagdadaanan namin ang prosesong iyon!" Si tito.

Naghahanda kami ng mesa ngayon at kakain daw muna kami ng breakfast. Infairness, napapansin ko talaga ang tahimik na paligid kapag kasama ko sila BB at ang pamilya niya! I can really tell the differences! Kasi, kung sa bahay 'to ay malamang, riot na agad! Ang ingay kaya namin at si Nanay na rin maingay!

"No problem, Tito! Interesado rin talaga akong tumulong sa restaurant niyo! At syempre, maaasahan niyo po ako! Dapat lang!"

"Ikaw talaga! Basta naman masaya ang anak ko sa 'yo, wala naman akong problema e! Iyon lang naman ang importante sa akin bilang magulang!"

"Nah, okay lang po talaga! Iba rin po iyong maganda ang pagtanggap ng pamilya ng girlfriend ko sa akin! Sabi ko nga, masaya kapag solid ang bonding! Gusto ko rin ho talagang makilala niyo ang parents ko, pero next time po, for sure 'yan!" sabi ko.

"Walang problema, EL! Next time, for sure, marami pa namang pagkakataon! Onga pala, nasabi na ba sa iyo ng anak ko ang tungkol sa Australia? Nakatanggap siya ng sponsorship! Batang iyon! Unti-unti niya na ngang natutupad ang pangarap niyang maging swimmer at mabuti na lang, hindi siya sumuko!" si Tito.

Totally forgot about that pero heto, naalala ko nga naman. BB is soon going to Australia for a special training. I don't know when but usually, during summer vacation iyon at tatagal ng halos tatlong buwan, well, paano ko nalaman? Base sa experiences ng mga... ah nevermind. Damn. I was actually looking forward to summer vacay pa naman kasi nga summer sport's festival ulit pero iyon na nga, mukhang makakaabsent ang BB. Sayang.

"Opo tito! Ginalingan, e! Deserve niya naman kaya full support ako! Nakita ko talaga ang pagpupursige niya kahit banned ako sa mga event niya! Masyado daw kasi siyang kinikilig, 'di siya makapag-focus e!" biro ko kay Tito.

"Aw! No wonder! Mana sa Nanay niya 'yan! Madalas rin talaga kiligin sa akin noong kapanahunan namin!" si Tito at nagtawanan na lang kami.

Kaya vibes na vibes kami ng Papa ni BB e! Same wavelength and confidence din kami! Hays! I miss Tatay!

"B, gising na kaya? Get ready na then kumain na tayo! Breakfast is ready! Aalis na tayo in an hour, sa byahe ka na lang matulog, please?" I asked gently nang naisipan kong gisingin na ang mahimbing na natutulog na Margareth. Ang BB ko.

Sobrang himbing ng tulog niya na ayaw ko na siyang gisingin dapat kaso kailangan e! Alangan naman iwan namin siya sa trip na 'to, hindi puwede.

Napalapit ko kay BB at pinagmamasdan siyang matulog. Shit. I just really want to kiss her so bad kaya hindi na rin ako nakapagpigil. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya just like the first time I stole a kiss from her... "Aray naman!" reklamo ko nang itinulak niya ang mukha ko bigla.

She's awake.

"Akala mo, makakadalawa ka ha! Asa ka pa! Good morning, landi!" aniya at yeah, she was awake and at some point, pretended to be asleep. Sayang!

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon