Episode 3

1.7K 194 127
                                    

Episode 3: Coincidence

(Don't forget to comment, vote and promote the story! Thank you!)

--

"Oy, bangskie! Hindi mo na ba ako kilala?" natatawang tanong ko kay Bansgkie, naglalakad kasi siya nang mabilis matapos niya akong irapan. "Oy, bangs! Saglit naman! Si EL 'to!" paghahabol ko sa kanya hanggang sa mahawakan ko ang braso niya.

"Ano bang problema mo?!" pasigaw niyang tugon at talagang hinampas niya ako ng isang cellophane bag na bitbit niya, may mga noodles ata na laman at itlog ata, masakit eh. "Bushak ka! Nabasag tuloy iyong mga itlog!" reklamo niya ulit at hinampas niya na naman ako sa balikat.

Luh?

"Grabeh ha? Namiss mo ata ako bangks at talagang damang dama ko!" natawa ako sabay himas ko ng balikat ko. "Sakit!" natawa na lang ako.

"Oy, Maggie! Hindi mo na ba nakikilala si EL? Love team kayo nito dati sa Day care diba?" natawa si Makoy, "Nag Manila ka lang, kinalimutan mo na!"

"Oh baka naman gumaganti kasi na who-you ni Pareng EL kagabi sa sayawan! Oh ayan, it's a tie." singit ni Yong.

Napatingin ako kay Bangskie na mukhang palag na palag na sa mga pinagsasabi nila Yong.

"Gusto mo Bangks, palitan natin iyang itlog na nabasag? May itlog ako dito." sabay ngisi ko at syempre, inaasar ko lang siya at pandagdag pang napatawa ng malakas sina Makoy at Yong sa naging hirit ko, natawa na rin tuloy ako.

"Saksak mo iyan sa malapad mong noo ang itlog mo! Buwisit ka!" aniya sabay tapon niya sa akin ng bitbit na cellphane at tuluyan nang nag walk-out.

"Shuta suplada na nun eh! Grabeh naman!" si Makoy, suplada talaga.

"Problema nun? May itlog naman talaga akong maibibigay ah, ibili ko siya kamo." sabi ko, "Iniisip nun! Kahit kelan talaga!" natawa na lang ako at napailing. Pabebe eh.

"Ano ba problema nung Maggie, bakit naman galit sa'yo iyon?" si Yong. Nasa bahay kami ngayon at niluluto namin ang binigay sa akin ni Bangskie na noodles at itlog. Sayang 'to, alangan naman itapon, diba?

"Eh ikaw ba naman tinatawag na bangskie, sino di magagalit? Bangkay iyon, pinasosyal lang! Lakas mo rin mangasar EL, ayun tuloy!"

"Hay naku! Puro kayo reklamo! Magpasalamat na lang kayo at may kinakain tayo ngayon! Tsaka, ganun naman talaga tawag ko sa kanya simula pa noon ah! Unique kaya! Tsaka, bagay lang naman sa kanya iyon, ang payat payat! Walang pinagbago, eh ang tagal na nga nun! Tsaka, kahit pa lumubo siya, bangkay pa rin siya sa paningin ko!" sabi ko kasi totoo naman.

"Muling ibalik na ba?"

"Onga, love team of the past!"

"Mga siraulo! Tigilan niyo nga ako! Love team, pwe! Ang corny niyo, shuta kayo!" natawa na lang ako, "Sandali lang, tumatawag tatay ko!" pasintabi ko sa kanila at bahagya akong lumayo sa mga kaibigan kong kumakain na.

"Tay?" Pagsagot ko nang tawag.

"Kamusta diyan, nak? Baka mamaya panay pambababae mo na diyan, mag hunusdili ka nak!" aniya at nakakaasar ang boses ni Tatay na para bang nag-aalala talaga.

"Mga kyeme mo sa buhay, Tay!" Natawa ako, "Napatawag ka? Ano meron? May babae kana no?" biro ko.

"Siraulo! Napatawag lang ako kasi nga sabi ng Nanay mo pinag-iisapan mo pa magiging kurso mo sa college? Kasi naman nak, nandito iyong grandpa mo for a meeting, nagkita kami at napag-usapan namin iyong naging desisyon mo raw na kumuha ng business course, and that willing ka naman daw sa responsibilidad na kakaharapin mo kung sakaling..."

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon