Episode 10

1.4K 196 63
                                    

Episode 10: A Talk

--

Hingal na hingal ako sa paghahabol kay Bangskie! Kingna, ito lang ata ang babaeng hinabol ko ng literal!

"Bangks!" pagsigaw ko nang finally, maabutan ko na siya. Putek ang bilis maglakad. Kingina.

"Ano ba?!" pasigaw na tugon niya at agad niyang hinigit ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko kaya napabitaw ako sa kanya. Shuta! Parang nag transform siya sa paningin ko! I thought I even saw Nanay at that moment. The heck?!

"K-Kalma naman, Bangks! Wait lang! Kalma tayo, please?" sabi ko dahil Kingina talaga! Galit na galit siya at sa tingin ko mananapak na talaga siya!

Damn it. Hindi puwede itong kinasasangkutan ko! Masyadong pa-highlight ang offense na iyon at hindi puwede ito!

"Kalma?! Matapos mo akong ipahiya?! Kalma?!Eh kung sapakin na kaya kita diyan nang makita mo hinahanap mong bwiset ka!" aniya and she's like roaring like a tiger at the moment.

Fuck.

Kung hindi lang talaga ako nababahala sa magiging resulta nito baka naman siguro mapagtanggol ko pa ang sarili ko kaso hindi eh! Kapag pinalaki ko pa ang awayan na 'to, makakaabot 'to kay Nanay and that's it, lagot na ako!

"Bangks, hindi ko alam kung bakit ka galit! Binigyan kita ng cake, ayaw mo ba nung flavor?! Gusto mo ibili na lang kita? Alam mo kasi nasasayangan ako sa cake dahil sa hindi naman ako kumakain nun at kesa naman itapon ko edi nung makasalubong ko si Kathy, binigay ko na! Ibili na lang kita? Tara!" Pagpapaliwanag ko kahit na hindi ko alam kung nakikinig siya sa akin dahil talagang napapaismid siya sa mga paliwanag ko.

What's the whole freaking problem with that reason na talagang hindi siya mukhang satisfied?!

"Ang sabihin mo, gusto mong mapahiya ako! Na gusto mong mag feeling ako at talaga sinadya mong ibigay iyong cake na bigay sa 'yo ng iba para magmukha akong tanga! Alam mo ba kung anong nangyari ha?! Sinugod ako ng may-ari ng cake na binigay mo sa akin! Nahihiya ako para sa sarili ko dahil nagkaroon ng pagkakataon ang ibang tao na maliitin ako ng sa harap ng mas maraming tao! Deserve ko ba iyon, EL?! Masaya ka ba, ha!?! Bakit ba hindi mo na lang  ako tantanan at mawala ka na nang tuluyan sa buhay ko?! Okay na eh, halos limot na kita eh! Wala ka na ba talagang puwedeng gawin sa buhay mo kundi ang gawin akong katawatawa sa lahat at gawin akong tanga?! Puwede ba?---"

"Elliot! Margareth! In my office, now!"

And for god's sake, andito na si Miss Jenny...

This is the end.

Langya! Sobrang kinakabahan na ako bigla! Hindi ko alam kung anong ipapalusot ko kay Nanay kapag napatawag na siya nang dahil dito! At talaga naman, si Miss Jenny pa talaga eepal eh malalang alagad pa naman ni Nanay 'to! Hindi nangungunsinti, at talagang sumbong kung sumbong!

Damn.

"Bangks, b-baka puwede naman natin pag-usapan 'to! Hindi natin kailangan ipaabot sa Dean's office 'to! You don't know exactly what she's capable of! Napaka-terror ng Miss Jenny--este ni Dean! C'mon now! Pag-usapan natin lahat! You and me, let's clear things over--you have your upcoming swimming contest, right? Baka pag pinalaki pa natin ito'y baka hindi ka padaluhin dun or worst, she can summon us for eviction sa mga team natin! Dean's the worst school human being you'll ever know, kaya please?" I pleaded. Nagmumukha na akong gago kakasunod sa kanya na naglalakad na papuntang Dean's office and I hope this would even work! Dapat talaga mag work.

Ang bilis mag lakad ni Bangskie! Habol ako nang habol sa kanya and damn it! Kung hindi lang talaga ako nag-aalala sa basketball varsity slot ko edi wow na lang talaga!

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon