Episode 64

1.5K 150 227
                                    

Episode 64: Soon

----
Don't forget to comment, vote, and share the story! Happy reading ❤️

--
ps. unedited ulit. kayo na muna mag adjust. hihi. thank you! 😘

------

"Friend, ano, hindi pa rin makakadalo sa graduation natin si EL? Sayang naman kung ganoon! Kung kailan akala ko, magkakasama na kayong ulit, tsaka naman si EL ang napunta sa malayo!" si Shielo

Napabuntong hininga ako. "Oo nga, e! Pero, parang sobrang unpractical naman kung babyahe siya pauwi tapos kinabukasan babalik naman ng German! Sayang pera, jusko!" sagot ko kasi ito ang plano ni EL, ang umuwi sa graduation pero babalik din agad ng Germany! Hindi ako pumayag.


Nasa canteen kami ngayon ng school. Inaayos namin ang mga requirements namin sa mg subjects namin. After nito, magpapapirma pa kami ng clearance! Hay! Ang dami pa naming pagdadaanan pero okay na rin ito kesa magkaroon kami ng thesis! H'wag na!

Sa school kasi namin, kapag varsity ka, excempted ka sa thesis at feeling ko, isa iyon sa mga gusto kong benefits sa pagiging varsity! Ang hirap kaya gumawa ng thesis at ito ang example...

"Oh, bakit parang naiiyak ka na naman? Wala ka na naman bang tulog?" tanong ko kay Kathy nang dumating ito. Inabutan ko siya nang kakabukas ko pa lamang na inumin na agad rin niyang tinanggap.


"Mag rerevise na naman kami! Mag dedefense na kami next week, may revision pa talagan inihabol! Nakakaiyak! Kung may alam lang din akong sports sa buhay, edi sana naman hayahay buhay ko ngayon katulad niyo e! Sana kinonsider naman na sports ang cheerer, 'di ba? Solid ko kaya!Tatlong friends ko ang varsity tapos isama na natin ang jowa ko! Gigil!" bulalas niya.


Bahagya akong natawa. "Kaya mo 'yan! Ikaw pa ba? Isipin mo na lang, pagkatapos mong grumaduate, pwede ka na magpakasal kay Joaquin! Magiging legal na kayong nagsasama sa isang bubong!" sabi ko at hinaluan ko na nang kaunting sarkastiko.

Babaeng 'to ba naman kasi! Napunta lang ako sa Australia, aba! Tuluyan nang nag migrate sa condo ng boyfriend niya! Nagsasama na sila! Syempre, issue sa mama niya iyon at sa kanila papa noong una pero kahit papaano, natanggap na rin naman! Basta ba, unahin muna talaga ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho. Sa nangyari, magkabilang pangaral din talaga ang inabot namin ni EL sa parents ko at sa tatlong taon na pagsasama namin, hindi pa rin kami lumalagpas sa linya no! Hindi puwede.

Oo, madalas nakakairita ang mga hirit ni EL, na mayroong isang beses, napag-awayan namin pero kalaunan, tanggap ko rin naman na! Nangungulit at nagbibiro lang talaga siya pero hindi naman nag dedemand at namimilit! Sa buhay babae niya pa naman noon, 'di ba? Naiintindihan ko naman siya. Malas lang niya sa akin! Well, hindi naman niya pinaparamdam sa akin iyon. Mabuti na lang.


"Napaka-judger mo talaga, couz! Kung makapagsalita ka sa akin, at least naman—gagraduate na ako no! Tsaka, tanggap na rin naman nila Mama ang mga naging desisyon ko! May magandang trabaho na si Joaquin! Tsaka may mga plano rin naman kami na susundin! Mag iipon na muna then soon, gusto na namin magpakasal! Hindi naman kasi porket nagsasama na, naglalandian na agad at walang plano! Walang ganoon basta seryoso!" aniya at aba! Nangatwiran pa talaga!

"Ah basta, pag-isipan mo muna talaga ang mga plano mo sa buhay! Tsaka, Mag-ipon ka rin muna para sa sarili mo kamo! Mag tatravel goals pa tayong apat, 'di ba?" pagpapaalala ko

Napairap sa akin si Kathy. "Nakakaloka naman! Tutuparin naman natin 'yan no! Tsaka, puwede ba change topic na muna tayo? Hindi pa ako natatapos sa thesis ko, kaya kalma muna!" aniya at bahagya naman itong natawa. "Si EL, wala ba talaga siya sa graduation?" tanong nito

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon