Episode 13

1.8K 179 83
                                    

Episode 13: Sorry

--
Vote, comment, and share the story.
--

Stalker: Good evening. Musta araw? :)

Napaismid ako nang una kong mabasa ang mensaheng na received ko. Napakaconsistent naman nito at talagang simula nung nag text siya sa akin ay every night na siyang nagtetext sa akin. Actually, nasasanay na nga ako eh.

Ako: Okay lang. Nakakapagod, as usual.

Stalker: Ganun ba? Kumain ka na then pahinga ka na. :)

Ako: Tapos na akong kumain. Salamat.

Stalker: What are you doing now?

Ako: Nothing exactly. Why?

Stalker: Wala lang. Are you happy today?

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. Bago sa akin ang naging tanong niya.

Ako: Bat mo natanong?

Stalker: Walang maitopic eh hehe.

Ako: Edi matulog ka na.

Stalker: Kuwentohan muna sana tayo.

Ako: Sino ka muna?

Stalker: Good night na nga :(

Ako: Bakit, masaya ka ba?

Stalker: Oo. :))

Ako: Edi ikaw na. Ako, hindi.

Stalker: Aw :( Bakit?

Ngayon lang ata ako nakipag-usap sa kanya nang ganito. Sabagay, kahit hindi ko siya kilala ay mukhang matino naman. Tsaka, sure naman akong hindi ko talaga 'to kilala no! Chineck ko secretly ang phone ni Kathy kasi nga feeling close siya kay EL at sa mga kaibigan nito at wala naman akong nakitang kaperahas ng number sa kahit na sino.

Hay! Nabasa ko pa nga mga walang kuwentang pinag-uusapan nina EL at Kathy eh! May pa Ayaw ko sanang pumayag sa kondisyon ni Maggie pero wala akong choice, gusto kong mapatawad niya na ako. Napaka-drama! Like as if madadala ako no!

Anyways, this text mate is a complete stranger and stalker talaga!

Stalker: Tinulugan mo na naman ba ako? :(

Ako: Hindi ah.

Stalker: Ay :) So, bakit hindi ka happy today?

Napabuntong hininga ako bago ako mag reply...

Ako: Kasi kasama ko sa team iyong bakulaw na iyon! Nakakainis!

Stalker: Bakulaw?

Ako: Iyong akala kong ikaw dati. Si EL.

Stalker: Ay ganun? Anong ginawa niya?

Hindi ko bukod akalain na sa panahon ngayon ay nauuso pa ang text mate! Hindi ako makapaniwalang ikinukuwento ko sa kanya ang araw ko at aminado akong nagagamit ko madalas ang cellphone ko ngayon lalo na sa gabi. Anu na.

Ikinuwento ko kay Stalker ang nangyari, iyong pagiging leader ko for this sports festival na alam kong napagtripan lang naman ako, at ang pagkuha sa EL na iyon bilang assistant leader na parang sinadya lang rin. Well, may patakaran naman na kapag nasa swimming team ang leader ay dapat nasa basketball team ang assistant kaya ayun, mukhang naplano. Tsk. Ikinuwento ko kay stalker kung gaano ako napapanghihinaan ngayon sa mga nangyari lalo na at wala naman akong experience sa mga ganitong pag-lelead ng isang malakihang grupo. Kinakabahan ako.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon