Episode 29

1.8K 217 348
                                    

Episode 29: Reality

--
No spoilers sa twitter, please 😁🙏

--

"B—Bakit I—ikaw?" nauutal na tanong ko.

Ewan ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman at gagawin ko sa puntong ito.

Si Eero, si Eero na kapatid ni EL—si Stalker?

Si Stalker na pinaglaanan ko ng oras at pinagkuwentuhan ko ng iilang mahalagang ganap sa aking buhay, si Eero?

Bakit siya? Hindi ko maintindihan.

"Bakit hindi?" tanong niya at bahagya siyang napangiti.

Hindi ko alam. Parang umikot lang ang sikmura sa aking nalaman. Gusto kong maiyak, gusto kong mainis, gusto kong manakit. Bakit nangyari 'to?!

Damang dama ko ang bawat paghampas ng hangin sa aking katawan. Hinihipan nito ang aking mataas na buhok. Hindi pa rin ako makapaniwala.

"What are you going to do now, Margareth?" tanong niya at bahagya siyang humakbang ng iilang lakad patungo sa kinatatayuan ko.

Ni hindi ko alam kung may lakas pa akong magsalita.

"Hindi mo ba ako gustong makita?" tanong niya.

Ang tonado ng kanyang pananalita ay tila naninigaw na bokya. Nadali niya 'ko sa laro niya.

Unti-unting dumadaloy sa aking pisngi ang mga luha mula sa aking mga mata. Parang ang tanga ko lang. Hindi man lang ako makapagsalita sa sobrang gulat.

"Babe!"

Tila may bumasag ng aking munting mundong pilit na binuo para sana'y maipagtanggol ang sarili ko sa akto ding iyon. A—anong, babe?!

"I'm sorry, did I keep you waiting? I'm sorry, babe!"

Ngayon ay nasa aking harapan si Eero at isang babaeng nakayapos sa kanya at parehas silang nakatingin sa akin.

"Who is she?" tanong ng babae kay Eero na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin at tila nakakaloko at may pangiti ngiti pa itong nakatingin sa akin, taas ng kilay. "Is this another pathetic confession of a certified loser, babe?"

Anong nangyayari?

"No. S—She's, my brother's... friend." sagot niya sa babae.

Gulat na gulat ako sa mga nangyayari. Wala akong maintindihan. Pakiramdam ko'y naeestatwa ako, hindi n ako tuluyang makagalaw. Hindi ako makapagsalita.

Ano ba talaga ang nangyayari?

Pansin kong  naglalakad si Eero upang mas mapalapit sa akin at mahina niyang tinapik ang balikat ko. "Hindi ata ako ang hinahanap mo but I think he's here." bahagyang bulong niya.

Ikinagulat ko na naman ang kanyang sinabi at anong he's here? Hindi si Eero ang stalker?

S—Sino?

"Geez, this is quite interesting." bahagya siyang natawa.

Dahan dahan akong napalingon at mas malala sa pakiramdam ko kanina ang nararamdaman ko dahil na rin sa nakikita ko ngayon.

Hindi nga ata ako nagmamalik mata kanina.

"Maggie..."

Bakit naman nas masakit 'to?

"B—Bakit, ikaw?" pagsambit ko at mas naiyak ako.

Bakit pakiramdam ko, napaglaruan ako?

"Teka, bakit ka umiiyak? O—Okay ka lang?" rinig kong tanong ni Eero. "Siya naman ang ipinunta mo dito 'di ba?"

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon