Episode 14

1.7K 178 103
                                    

Episode 14: Stay

---
Vote, comment, and spread the story. 🥀

---

Kahit papaano, naging mabilis at naging maayos naman ang meeting namin nung araw na iyon. Ngayon ay puspusan na ang aming paghahanda para sa Summer Sport's festival na gaganapin na next week.

Tulad nga nang nakagawian ay mga larong pinoy ang aming lalaruin kaya ito rin ang eneensayo nang aming team. To win, syempre, iyon ang motto namin!

"Boss Maggie, wala pa po ba iyong mga sakong gagamitin para sa sack race practice? Naghihintay po kasi ang mga players natin at kanina pa po iyon." anito, isa sa mga officers na incoming freshman pa.

Napabuntong hininga ako sa aking narinig. Hanggang ngayon, hindi ako sanay sa pa-boss na tawag sa akin ng halos team mates namin. Pauso ang EL na iyon, ayan tuloy, kahit sino na lang ang tumatawag sa akin ng ganun, nakakahiya.

"Sino ba ang nakatokang bumili ng mga iyon? 'di ba may mga designated persons na para doon?" tanong ko. Nakakastress!

"Opo at si EL po ang nakatalaga para doon! Hanggang ngayon wala pa po siya, kanina pa naman iyong umalis eh." anito.

Sakit sa ulo talaga.

"Ganun ba?"

"Opo, Boss! Nababagot na ang mga players natin. Baka mawalan sila ng gana katulad nung nangyari sa takyan players natin nung isang araw." Anito and well, nag walkout lang naman ang mga players namin dahil sa pagkabagot. Hay!

Napabuntong hininga ako. "Osige, ako na bahala! Paki sabi na lamang sa kanila na babalik agad ako, okay? Sige." sabi ko na lang.

Badtrip talaga ang hinayupak na iyon! Alam niyo iyon? Malamang, sinumpong na naman ng kakatihan sa katawan iyon at nakikipagharutan kung saan-saan! Ganun naman lagi! Simula nung nagsimula kami sa pageensayo para sa festival ay mas nakakasama ko ang buwisit na iyon! At dahil dun, mas nakilala ko siya! Oo, ginagawa niya naman ang trabaho niya bilang isa sa mga officers pero may mga pagkakataon talagang nawawala na lang siya't kung saan nagtatago! Ilang beses ko na siyang nakitang may kausap na mga babae sa gigilid, minsan tumatawa at madalas nakikita kong nagsisiiyakan sila sa harap ni EL na para bang nagmamakaawa! Jusko! At isa pa, hanggang ngayon, kapag naaalala ko iyong nakita ko sa gym hallways noong nakaraang linggo, kinikilabutan pa rin ako.

"El, nag promise ka sa akin kagabi! Sabi mo, hintayin kita sa exit gate! Doon tayo magkikita 'di ba? Pero ano? Inabot na ako ng tatlong oras sa paghihintay sa 'yo, wala man lang akong napala! Tawag pa ako ng tawag, hindi ka macontact!" rinig kong tugon ng isang babae.

Sure ako, si EL ang kausap niya. Kung tinamaan ka ba naman ng lintek! Ganitong usapan na naman ang nadatnan ko at yes, bagong babae na naman! Haliparot talaga! Hindi ko talaga ma gets kung bakit halos patayuan na nila ng rebulto ang Elliot na iyon eh wala namang ginawang matino iyon kundi ang saktan, paasahin, at paiyakin sila! Hay! Ewan ko sa kanila! Nakakabwisit din lalo eh!

"Nakatulog nga ako! I was too tired from last day. Kanina pa ako nagpapaliwanag, paulit-ulit na. I already said my piece, kung ayaw mong tanggapin then, it's not my problem anymore." si EL, boses ni EL ang narinig ko at tila seryoso siya.

"Alright. I believe you! But then, you promised me pa rin! You told me that we'll have a good night together! Umasa ako sa promise na iyon! Can we just at least do it? I don't mind if it's going to be right here, right now! You owe me this one! Bigyan mo man lang ng hustisya ang paghihintay ko sa 'yo kagabi!"

Napatabon ako sa aking bibig dahil na rin sa aking narinig mula sa babae! Hindi ko talaga kinakaya! Ang halay ng mga naririnig ko.

"Right now? Are you nuts?! Baka makita lang tayo and c'mon, this is ridiculous!"

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon