Episode 4

1.6K 182 124
                                    

Episode 4: Encounter

--
Dont forget to VOTE, COMMENT, and PROMOTE THE STORY ❤️

--

"Hay grabeh! Kung hindi lang nasiraan iyong motor na sinakyan natin papuntang bayan edi sana hindi nananakit ang katawan ko ngayon! Jusko!" si Kathy at napahiga ito sa tabi ko habang tila nag iistretching. "Mabuti na lang talaga andun sila Elliot no? He saved the night!" dagdag niya at umigting lang ang pandinig ko sa narinig kong pangalan na iyon

Nakakagigil, bushak!

"Gusto ko na bumalik ng Manila!" sambit ko na tila ba wala akong naririnig mula kay Kathy kanina.

Napabangon siya at napatingin sa akin. "Eh? Oa 'to! Wala ka na naman ba sa mood? Simula nung sayawan, wala ka nang ginawa kundi bumusangot ah. Si EL na naman ba?! Gigil na gigil, couz?" natawa ito.

Napakunot ang noo ko at nagsalubong lang ang mga kilay ko. Gusto ko sabunutan itong pinsan kong 'to. "Sino namang hindi manggigil?! Ha?! Kathy?! Wala nang magandang ginawa ang buwisit na lalaking iyon sa buhay ko! Sarap pakain sa dinosaur!"

"My ghad Margareth, wala tayong dinosaur! At tsaka, oy correction lang couz ah! Anong walang magandang ginawa si Elliot? Mabuti nga't pinasakay tayo dun sa sasakyan niya kanina eh! Kung hindi, aba'y naglalakad pa tayo hanggang ngayon! Grabeh ka naman kay EL, bukod sa pang-aasar sa'yo, wala naman nang ibang ginawa iyong tao! Oa iyong inis, couz!" At talagang umirap siya.

Napaismid ako. "Mas oa kamo iyang pagtatanggol mo sa ulopong na iyon! My ghad, Kathy! Puwede ba! H'wag mo ngang pinupuri sa harapan ko ang EL na iyon! Nakakairita! Kumukulo lang ang dugo ko!" Sabay bangon ko nang tuluyan at nag bihis na lamang ako ng damit pambahay.

"Sabi mo eh! Kahit wala naman talaga akong nakikitang masama! Nagpapapansin lang sa'yo iyong tao, ang tagal na nung Day care days ha! Kaibigan tingin nun sa'yo, ikaw lang itong hindi maka-move on sa buhay!"

Sinamaan ko na nang tingin si Kathy. "Kathy, puwede ba? Kung ipagtatanggol mo lang ang buwisit na iyon, forget it. Ayaw ko siyang maging topic!"

"Ang arte mo couz!" natawa si Kathy at umirap na lang ako sa kawalan.

"Ewan ko sa'yo, lalabas na ako at tutulungan ko si Manang magluto! Ikaw na bahala sa hugasin mamaya ah! Geh!" sabi ko na lang at agad akong lumabas ng kwarto para nga tulungan si Manang Lourdes sa pagluluto. Alas syete na at hindi pa kami nakakakain.

Habang nililinis ko ang isdang pinamili namin ay naaalala ko bigla ang mukha nung buwisit na iyon!
Nabubuwisit talaga ako sa EL na iyon! Kahit noon pa man, wala nang pinagbago! Puro kahihiyan na lang ang ibinibigay sa akin! Nakakainis na sa hinabahaba ng panahon, pinagtagpo ulit kami at ngayon, ganito pa rin?! Hindi ko siya kailanman mapapatawad! Sa lahat ng pangaasar na ginawa sa akin ng mga kaklase namin sa day care dahil sa pangunguna niya, sa lahat lahat ng mga luha na ibinuhos ko dahil sa pambubully nila at higit sa lahat sa kahihiyang naibigay ng pangaasar nila't naihi ako at napagtawanan ng karamihan at ang nakakaasar pa'y, nakita ako nung crush kong teacher na si Teacher Mark, sa day care na nung nagkita ulit kami ay ang umihi talaga sa klase ang naaalala niya sa akin! Nakakahiya! Nanggigigil ako!

"Hoy Maggie, ano bang nangyayari saiyo at pinagsasasaksak mo ang isda?! Ano gagawin mo diyan, giniling?!"

Naibalik ko ang sarili ko sa ulirat at nagulat ako sa nangyari sa isda, tinadtad ko nang tinadtad!

"H--Hala, sorry po manang! Lulutuin ko na lang po at ipapakain sa aso! Isa lang naman po natodas ko!" natatawa ako nang kaunti. Bushak! Buwisit ni EL iyon, nadamay ko tuloy ang isda.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon