Episode 2

2K 204 96
                                    

Episode 2: Childhood

(Don't forget to vote, drop it some comments, and promote the story! Thank you!)

----

"Hi EL, napagod ka ba? Eto oh, towel tsaka pampalamig na rin!" sabi ng isang babae nang lumapit ito sa akin pagkatapos namin maglaro ng basketball. Yup, basketball ang naging libangan ko dito sa probinsya. Masaya naman!

"Nag-abala ka naman, okay lang ako! Pero sige, salamat!" sabi ko sabay abot ng mga binibigay niya..

Nakailang araw na ako dito at marami na rin akong nakikilala! Well, oo, babae. Pero syempre, wala pa naman akong jinojowa dito dahil sa wala lang, ayaw ko lang. Mediyo hanep din naman kasi itong mga babae dito at baka masabit ako! Sabi nga ni Nanay, h'wag akong gagawa ng mga bagay na sasakit lang ang ulo ni Nana kaya momol lang, walang jowa-jowa!

Naman.

"Aattend ka ba mamaya sa sayawan?" she asked. Actually, matagal na itong nagpakilala sa akin kaso hindi ko matandaan ang pangalan niya. Ano nga kaya ulit iyon?

"Siguro? Hindi ko pa alam!" sabi ko kasi totoo naman, hindi pa ako nagpapaalam kay Nana at baka alam niyo na, mag-alala lang iyon sa mga bagay bagay na syempre ayaw kong mangyari dahil baka alam niyo na, matanda na siya. Responsable din naman ako sa bagay na iyon.

Alam niyo iyon, madalas namimisinterpret ako dahil sa mediyo kalog na ugali at babaero daw ako. Akala ng lahat puro pagpapasaway na lang ang hatid ko sa NayTay kaso hindi. Ang totoo niyan, hindi naman! Oo, madalas akong nasa gimik pero kapag responsibilidad naman ang pinag-uusapan aba'y nasa akin din naman ang lahat. I felt as if the weight of  the responsibilities are too heavy dahil syempre, imbis na si Kuya, ako ang sumalo sa lahat. Sa akin iniiwan ng NayTay ang lahat lalo na kapag lahat ng atensyon nila naka'y Kuya. Hayahay ang buhay nun, samantalang ako, takbuhan ng mga kung anu-ano at madalas napapagalitan pa. Well, hindi naman ako nagrereklamo ako at naiinis sa set up! Naiintindihan ko na may sakit si Kuya at hindi ito basta-bastang sakit lang kaya seryoso, okay lang naman sa akin na mas ako pa ang pinaka-kuya sa amin lahat.

"Pre, seryoso ba? Hindi ka aattend ng sayawan mamaya? Maraming pupuntang dilag galing ibang purok, kaya maraming isdang mahuhuli! Sama kana!"

"Hindi nga ako sigurado! Magpapaalam ako kay Nana, kung hindi papayag edi ipagbalot niyo na lang ako ng isda! Iyong fresh!" natawa ako sa hirit ko.

"Sayang naman kung hindi ka pumunta, El! Masaya ang sayawan at mas masaya iyon kapag andun ka! Gusto kitang makasama dun!" sabi nung babae.

"Hoy Helena! Tigilan mo nga kakalandi kay EL! Babaeng 'to! May jowa kana nga! Baka malaman ni Alfred iyan!"

"Hoy ka rin Yongskie! Break na kami ni Alfred no! Puwede ba! Tsaka, single ako, sinisigurado ko iyan kay El!"

Mga babae talaga.

"Ano namang pake sa'yo ni El? Diba pre, sa isang probinsyanang katulad nitong Helena na 'to versus sa mga magagandang dilag dun sa Manila, aba! Syempre naman dun siya sa mga branded! Magising ka nga Helena!"

"EL oh! Inaaway nila ako!" si Helena na agad lumambitin sa akin at talagang yumakap sa akin ng mahigpit.

Hay!

"Osya, alis na ako at hapon na! Hinahanap na ako ni Nana! Text ko na lang kayo kapag pinayagan ako! Kung wala, edi bukas na lang ulit dito!" sabi ko at umalis na ako. Tangna, lagkit na lagkit ang pakiramdam ko gusto ko na maligo, makayapos pa sa akin nun, aba.

Prince 2: Love Waits (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon