Feiya POV
"Phoebe!papasok na kami"- ani ko. Maiiwan lang kasi dito si phoebe sa dorm dahil hindi pa siya makalakad.
Tumango lang ito bilang tanda ng pag sangayon at tuluyan na kaming lumabas ng dorm, nadatnan naman namin doon si austin at dustin na naghihintay.
"Kamusta na siya?"- tanong ni dustin.
"Okay na siya kailangan lang ng alalay"- ani ko.habang papunta kami sa first class ay bigla kaming napatigil sa paglalakad.
"Who the hell did this!?"- ani austin.
Puno ng saksak ang bangkay ng mga estudyante nakahandusay sa sahig, walang awa ang gumawa sakanila nito.
"Bakit pinababayaan lang nilang mangyari to?"- takot na takot na sambit ni jade.
"Because this is the place where everything is free even killing"- ani ng lalaking hindi marunong mag suklay.
Bakit bigla bigla nalang itong sumusulpot? -_- ano ba siya ninja!?
"Nagtataka kayo kung bakit hinayaan lang nila to? Hmmm..."- ani pa nito.
"Walang pake ang mga tao dito dahil kahit may gawin sila ay hindi na maibabalik pa ang buhay nila"- ani pa nito.
"By the way i am brylle louie and you must remember,*In those innocent eyes there is a demon inside* "- ani nito sabay lakad palayo.
Naiwan kaming apat na nakatayo parin doon.
____
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa math class ito ang second class at magka-kaklase parin kaming apat at kaklase rin namin si brylle.
In those innocent eyes there is a demon inside...
Ayan ang mga katagang pinakawalan niya kanina.
Wala akong maintindihan sa nilelecture ngayon dahil palagi nalang lumilipad ang utak ko palaging iba ang iniintindi ko.
Matatapos ata ang year na to na wala man lang akong naintindihan sa mga diniscuss ng mga subject teacher...
Paano ka ba naman makakapag focus kung ganito ang lugar ng school mo diba ang creepy! May mga namamatay pa! Paano ka makakapag focus kung anu mang oras ay pwede kang mamatay sa lugar na to!
"Hey!fei!,tapos na ang klase!"- ani jade.
Bumalik ako sa realidad ng tapikin ako sa balikat ni austin.
Epekto ng lutang!
Nagtungo kami sa may cafeteria at tila ba ang mya istupidents ay may iniiwasan.
Sino naman kaya?...
"Guys,pansin niyo ang weird ng mga estudyante?bakit takot na takot sila?"- ani jade.
"Malamang matatakot talaga sila maski nga tayo ay natatakot!dito ba naman tayo nakulong sa lugar na to!sino ang hindi matatakot?"- ani dustin.
"That girl... Yan ang kinatatakutan nila"- ani austin.
"Huh?sino?"- kunot noo kong sabi sabay turo sa babaeng nakaupo sa dulo at magisang kumakain.
Ngayon ko lang nakita ang babaeng yan dito, maganda,maputi,singkit ang mga mata nito at mahaba ang buhok.
Sa isang salita!dyosa!
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystery / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...