Feiya POV
Kasama ko ngayon si master kaede at ngayon ko gagawin ang unang misyon ko. Hawak hawak ko ang mapa na ibinigay saakin ni brylle.
Habang tinatahak namin ang daan ay nagiging alerto ako.
"Teka lang"- biglang sambit ni master kaede.
Nilingon ko si master at nakatitig lang ito saakin kaya nilapitan ko siya.
"Master may problema po ba?"- tanong ko.
Nakatitig lang ito at nagulat ako ng bigla itong humakbang palapit saakin kaya naman napaatras nako dahil baka isang hakbang niya nalang ay maglalapit na ang labi naming dalawa.
At nakita ko ang pag ngisi ngisi nito.
"Master an-"- hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko ng bigla ako nitong halikan na para bang uhaw na uhaw, sinubukan kong kumawala pero sadyang napaka lakas niya para itulak ko siya. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay nito sa likod ko pababa agad ko iyong inalis at itinulak, may luhang pumatak sa mga mata ko dahil ang mga titig nito saakin ay matalim.
Hinawakan nito ang magkabilaang braso ko at pilit ko itong tinutulak.
"Ano ba! Bitawan mo ako!"- sabi ko.
Hindi ako nito pinansin bagkus patuloy lang ito sa ginagawa niya, maya maya pa ay nagulat ako ng biglang masubsob si master kaede at nakita ko si brylle na nanlilisik dahil sa galit.
"B-brylle, please help me"- sambit ko. Niyakap ako nito at inilagay saakin ang coat na kanina ay suot suot niya
"Shh don't cry, hindi ko papalampasin ang ginawa niya sayo"- aniya.
Binaling nito ang atensyon kay master kaede na ngayon ay nakatayo na mula sa pagkasubsob nito.
"F*ck you kaede! Hindi ko pa nga nahahalikan ang babaeng yan inunahan mo nako!!"- galit na gakit na sambit ni brylle at isang suntok ang pinakawalan nito halos tumalsik na si master kaede sa lakas ng suntok ni brylle. Lumapit ito kay master kaede at kinuwelyuhan mayroon siyang patalim na inilabas at tatangkain niya itong patayin pero pinigilan ko.
"Brylle w-wag"- sabi ko at tumitig ito saakin na puno ng galit ang mata niya.
Agad niyang binitawan si master kaede na ngayon ay walang malay.
"Hindi ko na hahayaang mangyare ulit sayo ang nangyare ngayon"- seryosong sambit niya at nagulat ako ng bigla ako nitong buhatin na para bang bagong kasal.
"Maraming salamat"- sambit ko at isang ngiti lang ang itinugon nito.
______
Nakabalik na kami sa hideout at ganoon parin ang pagkakabuhat niya sakin.
Inilapag niya ako mula sa malambot na higaan at saka ko lang namalayan na wala ako sa silid ko.
"T-teka, hindi naman ito ang kwarto ko"- ani ko.
"Dito ka muna magpahinga sa kwarto ko"- sabi niya.
Ngumiti ako sakanya bago muling mag salita "maraming salamat"- sambit ko lalabas na sana ito ng bigla ko ulit siyang tawagin.
"Ahh.. paano pala ang pinapagawa mo sakin?"- tanong ko sakanya dahil hindi naman pwedeng si master kaede.
"Sa lahat ng ipagagawa ko sayong misyon ako na ang makakasama mo"- sagot nito sa tanong ko at tuluyan na itong lumabas. Humiga ako at ipinikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystery / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...