Chapter 14: BLOOD

777 48 0
                                    

Feiya POV

Isang linggo na ang nakalilipas at unti unti ng gumagaling ang sugat ko sa binti at braso.

"JADE!!!"- Rinig kong sigaw ni phoebe.

"ANO!??,BAKIT KA SUMISIGAW?"- Sigaw naman ni  jade.

"Ano bayan!? Bakit ba nagsisigawan kayo!?"- inis kong tanong sakanila, dahil nakakarindi ang sigawan nilang dalawa.

"Kase naman bakit may dugo dito sa banyo!?"- iritang sabi ni phoebe.

"Ano?"- takang sambit ko.

At tinignan ko ang dugong nasa sahig.

"Sino ang may gawa niyan!?"- inis kong sambit.

"Hindi namin alam kaya nga nagtatanong e"- singit naman ni jade.

Imposible namang may nakapasok na ibang tao dito?

"Tayong tatlo lang naman ang nandidito ah? Atsaka laging nakasara ang bintana at pinto natin kaya sino ang makakapasok dito?"- takang tanong ko.

"Hala! Paano kung may multo pala dito?"- takot na sambit ni phoebe.

"Idiot! Demonyo lang ang mga tao dito pero hindi multo!"- pag tataray ni jade.

"Baka naman isa sainyo may period ngayon?"- anas ko. Ang non sense naman ng sinabi ko!

"Isa ka pa fei!,nagagawa mo pang mag biro!"- ani jade.

Nag peace sign naman ako sakanya dahil mainit na agad ang ulo niya.

Napukaw ang atensyon ko sa maliit na bintana mula sa taas ng banyo, nakabukas iyon kahit na palaging nakasara ang bintana na yon.

Imposible paring ay makapasok dito dahil hindi rin pwedeng makapasok sa maliit na bintana.

_____

Nagising ako ng makadama ako ng pagkauhaw kaya bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig. Paglabas ko ng kwarto ay nabungaran kong naka bukas ang bintana.

Isasara ko na sana iyon ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya agad akong napalingon.

Itinulak ko siya ng dahilan ng pag atras niya at nabitawan nito ang kutsilyong hawak niya at nakita ko ang pag ngisi niya, ngising nakakaloko.

"Who are you?"- tanong ko. Ngunit ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko.

"Ako ang tatapos sa buhay mo"- nakangisi niyang sambit. Pamilyar ang boses niya ngunit hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya dahil bibig lang ang nakikita ko.

Nakaramdam ako bigla ng pananakit ng tagiliran ko kaya hinawakan ko iyon at nakita ko ang dugong kumalat sa kamay ko, napalingon ako sakanya at saka ko lang namalayan na hawak hawak niya na muli ang kutsilyong nabitawan niya.

At kasabay non ang unti unting paglabo ng paningin ko....

_____

Nagising ako na nasa semento nalang ako at inilibot ko ang paningin ko nasa likod ako ng academy.

Puno ng dugo ang damit ko at ramdam ko parin ang hapdi sa tagilirang tiyan ko.

Hindi ako pwedeng bumalik sa dorm na ganito ang itsura ko kaya naman ay tumayo ako at pumunta sa clinic.

Pinalinis ko ang sugat ko kay nurse anne kaya ng malinis niya ito ay tinapalan niya ito.

Pagkatapos malinis ang sugat ko ay nagpaalam na ako kay nurse anne at nagtungo na sa dorm

Pag pasok ko doon ay mabuti nalang ay wala na si phoebe at jade, agad akong pumasok sa kwarto at agad na pinalitan ang suot kong damit.

Nagtungo ako sa cafeteria upang doon tumambay,wala ng mga estudyante doon dahil tapos na ang break time.

Sino ang taong yun? Bakit niya ako gustong patayin?

At isa pa si thana alam kong may nalalaman siya pero ayaw niyang sabihin saakin ang tungkol kay ate. Ayoko namang umasa na buhay pa siya, dahil mismong kaibigan na ni ate ang nagsabi saakin na patay na siya at si keeyanah yon.

Ilang araw na rin pala simula ng madalas ko ng hindi makita si yanah.

"Ehem!" Napatingin ako kung sino iyon, si luke...

"Can i sit beside you?"- ani niya. Tumango lalng ako sakanya bilang pag sang ayon.

"Mukang malalim ang iniisip mo ah?"- aniya.

"Luke... Paano mo natitiis ang lugar na ito?"- ani ko.

"Dahil ako, parang gusto ko nalang mamatay kung magtatagal rin lang ako dito"- ani ko pa.

"There is a reason kung bakit ka nandito, malay mo dito nandito lang pala ang magiging forever mo"- sambit niya. Napangiqi ako sa salitang forever, dahil para saakin forever doesn't exist.

"Psh! Malabong dito ko makilala ang mamahalin ko dahil para sakin ay demonyo ang mga nandidito"- anas ko.

"Hindi lahat ng nandito ay ugaling demonyo, tandaan mo ang mata ay pwedeng mabulag sa katotohanan"- sambit niya.

Napangiti ako dahil kahit papaano ay maayos naman kausap itong si luke.

"Sa tingin mo ay posibleng makalaya pa tayo dito?"- anas ko sakanya.

Tumango tango siya "kung gusto mong makalaya ay lumaban ka"- anas niya.

"Wag mong pairalin ang kahinaan mo, dahil walang lugar ang mga mahihina dito dahil kung mahina ka tiyak akong matatalo ka"- anas niya at saka tumayo at naglakad palabas ng cafeteria. Napaka seryoso niyang tao para siyang si brylle...

_____

Alasingko na ng hapon kaya naisipan kong bumalik na sa dorm dahil sigurado akong nakabalik na ng dorm sila jade at phoebe.

Pag puntanko sa dorm ay nadatnan kong nagbabasa ng libro si jade at si phoebe naman ay natutulog.

"Kaninang umaga ka pa wala? Saan ka galing?"- anas ni jade na hindi man lang ako nagawang tapunan ng tingin.

"Nagpahangin lang"- tipid kong sagot.

"Wag mo nga akong niloloko fei! Saan ka nga galing?"- paguulit niya.

"Sa cafeteria! Kasama si luke kanina! Okay naba!?"- inis kong sagot.

Tumango lang ito at ako naman ay nag tungo sa kwarto upang mag pahinga dahil kulang na kulang ang tulog ko.

Someone's POV

"Nagawa mo na ba ang inutos ko?"- anas ko.

"Opo!"- tipid niyang sagot.

"Magaling!, Patuloy mong pahirapan ang babaeng yon!"- anas ko pa.

"Masusunod!"- sagot niya at saka lumabas na siya ng silid.

To be continued...

Hi everyone! Sana ay magustuhan niyo ang chapter na ito!wag niyon kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo!

ENJOY READING! SARANGHAE!💕

GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon