Feiya POV
Alasyete na ng gabi at mas pinili kong manatili sa dorm kasama si jade at phoebe.
"Bakit ang tahimik niyong dalawa?" Tanong ko ngunit hindi nila ako sinagot.
"Hayys! Naiintindihan ko ang nararamdaman niyong dalawa, maski ako ay hindi makapaniwalang ginawa yun ni austin" usal ko.
"Please fei, wag muna natin siyang pagusapan?" Ani jade.
Bumuntong hininga ako nanahimik nalang, mukhang masama ang loob nila kay austin.
Tumungo ako sa kusina at nagluto ng hapunan.
Ng matapos akong magluto ay tinulungan nila akong mag prepare ng pagkain.
________
"Feiya!" Nakangiting sambit ni yanah. Nginitian ko rin siya pabalik, i act like everything is alright. Hindi niya pwedeng malaman na alam ko na ang sikreto niya.
"Kamusta kana?" Aniya.
"Hindi ko masasabing okay dahil imposibleng maging okay ako sa lugar na to" anas ko.
"I see, siya nga pala gusto mong sumama saakin?" Tanong niya.
"Saan naman?" Kunot noo kong tanong sakanya.
"Basta!" Aniya sabay hila sa kamay ko. Ngunit bago pa kami makalayo ay biglang may tumawag saakin.
"Feiya!" Rinig kong boses ni wendy.
Nakacross arm ito habang ang kanang kilay niya ay kasing taa ng mga building sa makati.
"Kailangan mong maparusahan!" Galit na sabi ni wendy at hinawakan niya ng sobrang higpit ang braso ko.
"A-aray! Ano ba ang kasalanan ko?" Inis kong sabi.
"Wendy, nasasaktan si feiya!" Usal ni yanah.
"Shut up bitch! Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong paginitan rin kita!" Galit na sambit ni wendy. Mabilis namang naglakad si yanah paalis at ng mawala na si yanah sa paningin namin ay binitawan niya na ang braso ko, napahawak ako sa braso kong magkakaroon pa ata ng pasa.
"What is wrong with you!?" Inis kong tanong.
"Im sorry, planado ko iyon" sabi niya.
"Huh?"- sambit ko.
"Kung hindi ako dumating malamang ay makikita nalang namin ang katawan mong wala ng buhay!" Aniya.
"I understand, thanks by the way" usal ko.
"Anong thanks! Hindi libre yun!" Aniya.
"Ano nanaman ba ang kabayaran ha?" Tanong ko.
"Hmmm pagiisipan ko pa! Anyway hinihintay ka nga pala ni brylle, nasa gymnasium siya ngayon" ani wendy.
"Sige, mauna na ako sayo" anas ko.
Pumunta ako sa gymnasium at nandoon nga siya, seryoso ang mukha niyang nakatingin sa direksyon ko.
"Bakit?" Tanong ko.
"Where did you go last night?" Seryosong tanong nito.
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystery / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...