Chapter 9: BLOODY VALENTINE

859 59 0
                                    

Feiya POV

Hindi gaano karami ang mga estudyante ngayon dahil ang iba ay nasa dorm nila,sino ba naman kasi ang gugustuhing magkaroon ng bloody valentine? Tss! Valentines na nga gagawin pang patayan! Nasisiraan na yata talaga sila madam rein cruz!

"Oh!bakit may dala kang kutsilyo?"- takang tanong ni jade kay austin.

"Para kapag may nagtangka satin"- ani austin.

"Hindi ko alam kung bakit may pa bloody valentine pa sila! Imbes na romantic ginawa namang patayan!"- iritang sagot ni Phoebe.

"Anong oras na guys,pupunta pa tayo sa gym"- anas ni dustin.

Oo nga pala lahat kasi ng estudyante ay pinapapunta sa gymnasium dahil doon daw gaganapin ang sinasabi nilang bloody valentine!,kahit ayaw namin umattend ay no choice kami dahil may parusa ang hindi makikiisa.

May mga estudyante na roon ng makarating kami sa gym.

"Good afternoon students! Today i am happy to announce you na magkakaroon tayo ng bloody game!"- ani mrs cruz.

"May malaking kahon na kung saan nakalagay doon ang mga pangalan niyo, bubunot kayo doon at kung sinong pangalan ang mabunot niyo ay mayroon lamang kayong ilang oras para mahanap at patayin iyon... At kung wala namang pangalang nakasulat ay goodluck!"- nakangising sambit ni madam cruz.

This is a very bad idea! Kinakabahan ako!. Isa isa kaming bumunot at ng makabunot ako ay hindi ko muna iyon binuksan...

Nilapitan ko ang mga kaibigan ko upang alamin kung sino ang mga nabunot nila.

"S-sino ang n-nabunot mo phoebe?"- nauutal kong sambit.

Agad niyang tiniklop iyon at tinago sa bag niya.

"H-huh?wala!"- ani phoebe.

Kinakabahan ako,sino ang nakabunot sa pangalan ko...

Lumabas ako ng gym at saka ko binuklat ang papel upang malaman ko kung sino ang nabunot ko, pero...pero walang nakasulat doon!

DOOMSDAY!katapusan ko na!hindi ko alam kung sino ang papatay saakin.

"Hi feiya!"- nakangiting sambit nito,hindi ko siya kilala isang babae maikli ang buhok nito at payat.

"S-sino ka?"- anas ko.

"Ako lang naman ang taong pa-"- hindi niya naaituloy ang sasabihin niya ng bigla nalang itong mapahiga.

S-si brylle sinaksak niya ito sa likod...

"B-bakit mo siya pinatay?"- ani ko.

"Kung pinapakita mong natatakot ka,paano ka tatagal sa lugar na to?"- seryosong sambit niya,hindi na ako nakapagsalita pa dahil umalis na siya.

Nakita ko ang papel na nasa kamay pa ng babae kaya dinampot ko iyon.

Feiya raye monreal

"Siya?siya ang dapat na papatay sakin!"- mahina kong sambit.

Mabuti nalang at ligtas ako, nagpapasalamat ako kay brylle. Pumunta ako sa cr upang maghugas ng kamay.

"Aaaahhh!!!" Rinig kong sigaw na nagmula sa cr ng babae.

Agad ko iyong tinakbo at ng makita ko iyon ay babaeng nakabigti at may nakatarak na kutsilyo sa dibdib nito, hindi ko ito kayang tignan.

GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon