Chapter 33: MIA'S PAST

742 33 0
                                    

Mia POV

~5 years ago~

"No,please! Pakawalan mo na ako!" Pagmamakaawa ko.

"Hinahanap na ako ng kapatid ko! Let me out of here!" Dagdag ko pa. Kanina pa patak ng patak ang luha ko at dahil may piring ang mata ko ay tanging dilim lang ang nasisilayan ko.

"Tumahimik ka! Kung ayaw mong ihambalos ko sayo itong tubo na hawak ko!" Sigaw nito.

Nanginginig na ako dahil sa takot at tanging paghikbi nalang ang naririnig dahil natatakot na ako.

Mommy, daddy iligtas niyo ko dito!

Lord please help me.

Narinig ko ang yapak nito at pagbukas ng pinto kasabay nito ang malakas na pag sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"Bakit hindi niyo pa pinapatay ang babaeng to!?"  Aniya. Halata sa boses nito na babae siya.

"Ako na ang bahala sakanya!" Sabat naman ng lalaki.

"Are you sure brylle?" Aniya.

Brylle pala ang pangalan ng lalake.

"Leave it to me madam. May tiwala ka naman sakin diba?" Sabi pa nito.

"Osige, do whatever you want!" Ani ng tinatawag niya na madam kasabay nito ang paghakbang niya palayo at pagsara ng pinto.

"Iwan niyo muna kaming dalawa!" Ani ng lalake na nag ngangalang brylle.

Kasunod naman non ang sunod sunod nilang paglabas at ng makalabas ang mga tauhan nito ay inalis niya ang pagkakapiring saakin.

"I'm sorry.. are you okay?" Tanong nito.

Mukha ba akong okay!? Lintek na to oh! Nag tanong pa! Nakita naman niya siguro yung malakas na pagsampal saakin!

Pero dahil I'm a great pretender ay tumango tango lang ako sakanya.

"Welcome to death rith, i am brylle the leader of cbg" aniya.

"Hindi ko tinatanong. Ilabas mo nalang ako dito pwede?" Usal ko. Ngumisi ito saakin bago ako sagutin "There is no return" aniya.

"What?" Kunot noong sabi ko.

"Hindi kana makakaalis dito, dahil wala naman talagang daan palabas dito" aniya.

Nagpapatawa ba siya!? Kung walang daan palabas dito! Edi paano ako napunta dito!?

"Hindi nakakatuwa ang joke mo" aniya.

"I'm not joking! I've been trapped here for almost a year!" Saad pa nito.

"Okay okay! Pero pwede ba pakawalan mo na ako? Please?" Anas ko.

Tumango tango lang siya at inalis ang pagkakatali sa kamay at paa ko.

Tatayo na sana ako ng maalis niya ang lubid na nakatali sa kamay at paa ko pero pinigilan niya ko.

"Ano?" Usal ko.

"Sayo ba ang picture na to?" Aniya.

"Oo, picture ito ng kapatid ko. Actually birthday na niya next week at hindi ko man lang siya makakasama" malungkot kong sabi.

GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon