Chapter 16: DEATH

752 48 0
                                    

FEIYA POV

Nakalipas na ang isang araw at hindi parin nagigising si dustin.

"Phoebe?"- tawag ko.

Wala itong imik at hindi rin niya ginagalaw ang pagkain niya, bilang kaibigan niya ay nalulungkot akong nakikita siyang ganito walang gana.

"Phoebe sa tingin mo ba gusto ni dustin na makita kang ganyan?"- ani jade. Hindi siya pinansin ni phoebe bagkus ay wala itong sinabi.

"Hayaan nalang muna natin siya guys"- austin.

Ng matapos kaming kumain sa cafeteria ay pinuntahan nanamin si dustin kasama si phoebe syempre matamlay parin siya.

Pagpasok namin ay nandoon si nurse anne, nakakapagtaka lang dahil nakatitig lang ito kay dustin.

"Nurse anne?"- ani austin.

Humarap ito saamin ng may lungkot sa mga mata nito.

"Bakit po ganyan an itsura niyo?"- anas ni jade.

"Pasensya na kayo kung wala akong nagawa para iligtas siya"- ani nurse anne.

"Ano pong ibig sabihin niyo"- ani ko.

"Hindi ko nagawang iligtas ang kaibigan niyo"- ani nurse anne.

"Huh!?nurse a-anong ibig niyong s-sabihin?"- ani phoebe, sa wakas ay nagsalita na siya pero ng paglingon ko sakanya ay may luhang pumatak mula sa mata niya.

"Mabilis na kumalat ang lason sa katawan niya"- ani nurse anne.

"May lason ang pinangsaksak sakanya!?"- gulat na sambit ni austin, tumango lang si nurse anne.

Napalingon ako kay phoebe na ngayon ay umaagos na ang luha niya,napayakap nalang ako sakanya.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay phoebe at bahagya siyang lumapit kay dustin.

"Dust! I hate you! Bakit? Bakit mo agad kami iniwan!"- ani phoebe at humagulgol ito ng iyak sa pagkakataong ito ay hindi ko na rin napigilan pa ang luha ko dahil kusa nalang itong bumagsak mula sa mata ko.

Hindi ko inaasahang mangyayare ang bagay na ito, masakit para saamin ang mamatayan ng isang matalik na kaibigan. Pero kailangan naming tanggapin na wala na siya.

Lumapit si jade kay phoebe na umiiyak na rin, nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong umiiyak ang mga kaibigan ko pero mas nasasaktan ako ngayon dahil parang kapatid na rin ang turi ko kay dustin.

Napansin kong nawala bigla si austin siguro ay lumanas siya upang magpahangin, naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon namatayan na rin ako ng kapatid.

________

Alaskwatro na ng hapon at andito ako sa gym naglilinis! At sila a
Jade naman ay nasa dorm na.

Sobrang pagod na pagod ako ngayong araw mas gusto ko pa ang humilata maghapon sa higaan.

"Fei? Bakit mo nililinis ang gym?"

"Keeyanah?"- sambit ko sa pangalan niya, boses palang niya ay alam na alam ko na.

"Kamusta kana?"- aniya.

"Medyo okay lang"- anas ko at mapait na ngumiti sakanya.

"Nabalitaan ko ang nangyare sa kaibigan mong si dustin"- ani yanah.

"Iniwan na niya kami e"- anas ko at pilit na ngumiti sa harap niya.

"Masyado kasing pakielamera ang kaibigan mo"- aniya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"- takang tanong ko.

"I mean baka kasi napakaelaman niya ang mga grupo ng gangs at may nalaman siyang hindi dapat malaman ng kung sino man"- ani yanah.

"Diba ganun naman yun?"- sabi pa niya.

"Siguro..."- ani ko pero hindi ako sigurado, dahil si dustin ay hindi gagawa ng ano mang ikakapahamak niya o maski kaming mga kaibigan niya. Ugh! Shit! Gusto ko na talagang malaman ang buong pangyayare! Can please someone tell me the whole story!? Para naman mapanaag na itong utak ko kaiisip!

"Brylle ikaw pala!"- ani yanah at ngumiti ito, saka ko lang namalayan na kaharap pala naming dalawa si brylle.

Matalim ang mga titig ni brylle kay keeyanah at hindi ko alam kung bakit.

"Ah,mabuti pa maiwan ko muna kayong dalawa"- ani yanah at lumabas na ng gym.

"Bakit mo siya kasama?"- seryosong tanong nito.

"Bakit? Bawal ba? Kaibigan ko naman siya ah?"- anas ko.

"Sa tingin mo ba kaibigan din ang turi niya sayo?"- ani brylle. Natahimik nalang ako sa sinabi niya dahil may parte sa loob ko na nagtatanong kung kaibigan nga ba talaga ang turing niya saakin, pero sa tingin ko ay kaibigan rin ang turi niya saakin dahil kaibigan siya ni ate at siya pa nga ang nag sabi saakin kung ano amg nangyare kay ate.

"May tiwala ako sakanya brylle"- anas ko at tinapik ko pa ang balikat niya at pinagpatuloy ko naang ang paglilinis ko. Maya maya pa ay muli siyang nagsalita.

"Anong oras na, wag mo ng tapusin yan"- aniya. At kinuha ang mop na hawak ko.

"Huh? Pero hindi ko pa nalilinisan lahat"- anas ko.

"Gusto ko bang iextend ko pa ng one week?"- anas niya.

"Syempre ayoko! Sino ba naman ang gugustuhing maglinis ng buong gymnasium for one week! Mas gusto ko pang mag pasaksak sa mga demonyo dito no!"- anas ko.

Nagulat ako sa pagkakahila niya sa braso ko ng may diin kaya naman napa daing ako dahil ang higpit ng pagkakahawak niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo!"- aniya, sa itsura niya ngayon ay nanlilisik na ang mata niya na para bang pinapatay na niya ako sa mga titig niya.

"Bakit? Bakit ko babawiin? May nasabi ba akong hindi maganda?"- anas ko. Binitawan niya ako at nalamukos ang mukha niya dahil sa pagkaasar saakin, abnormal na ata ang lalaking to!

Lalapit na sana ako sakanya ng bigla kong makita ang matulis na patalim na hawak niya at nanlilisik ang mata niyang tumitig saakin.

"B-brylle..."- anas ko.

Napaatras ako ng palapit siya ng palapit saakin habang ako naman ay atras ng atras hanggang sa wala na akong maatrasan.

"B-brylle wag ngayon please"- sambit ko, naluluha na ako dahil natatakot na ako sa kinikilos niya, ang masamang titig niya saakin at ang patalim na may bakas pa ng dugo.

Sa oras na to ay hindi ko na napigilan pa ang luha ko dahil kumawala nalang ito basta basta.

"B-brylle ano ba ang nangyayare sayo?"- maluha luha kong sambit at nagulat nalang ako ng bigla niya itong binaon sa gilid ko,malapit ito saakin at buti nalang ay hindi ito direktang bumaon sakin.

"I-im sorry"- aniya at naramdaman ko nalang ang pagyakap niya saakin.

"Sorry..."- anas pa niya.

To be continued...

Hi! Sana ay magustuhan ninyo! Wag ninyong kalimutang mag vote kung nagustuhan niyo!

ENJOY READING!SARANGHAE💞💕

GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon