Idinilat ng dalaga ang kanyang mata at tumampad sakanya ang puting silid. Ilang minuto pa ay mayroong mag-asawang pumasok kasama nito ang nurse na nagaasikaso kay feiya.
"Oh dear! Mabuti naman at gising kana" alalang sabi ng kanyang ina. Inayos niya ang pagkakaupo sa hospital bed at hinarap nito ang magulang niyang puno ng pagaalala para sakanya.
"Mommy... Daddy, ano po ba ang nangyari?" Kunot noong tanong ni feiya. Napahawak ito sakanyang sintido ng maramdaman niya ang pananakit ng ulo.
"Anak ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ng kanyang ama.
"Dad, sumasakit po ang ulo ko" aniya.
I miss you damn so much fei...
Just stay at my back and hold my hands...
Ako ang bahala sayo...
Paulit ulit na pumapasok sa kanyang isipan ang mga katagang iyan.
Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya na parang may kulang at hindi rin niya alam kung bakit nalulungkot siya. Pakiramdam niya ay parang unti unting dinudurog ang ang puso niya.
"Anak, wag mong pwersahing maalala ang mga bagay na nakalimutan mo, makakasama lang saiyo." Sabi ng kanyang ina.
"Ma ano ba talaga ang nangyari?" Tanong nito.
"Isang linggo kang tulog fei. May mga pulis na nakapag sabi saamin na nakita ka nilang walang malay sa gubat" paliwanag nito.
Mayroong gumugulo sa isipan niya na hindi niya kayang maipaliwanag.
Feiya POV
Ikaw palang naman ang nakapag patawa at ngiti saakin...
Please dito ka muna, samahan mo muna ako dito...
Paano kung iniingatan kita dahil may iba pang dahilan?
Paano kung sabihin kong iniingatan kita dahil mahalaga ka? Paano kung sabihin kong iniingatan kita dahil mahal na kita? Maniniwala ka ba?
Brylle... Gusto rin kita, hindi ko alam kung paano nangyare pero isa lang ang masisiguro ko sa nararamdaman ko para sayo. I also felt the same feelings as yours...
_______
Bigla akong nagising dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagising akong napakabilis ng kalabog ng dibdib ko.
"Ano ba to! Panaginip lang yun pero yung puso ko parang nag mamarathon dahil sa bilis ng tibok nito!" Mahinang sambit ko. Ngunit hindi lang iyon parang isang ordinaryonbg panaginip, feeling ko ay totoo ang lahat ng yun at ang mukha ng nag ngangalang brylle sa panaginip ko ay hindi ko makita ang mukha niya.
"Did brylle really exist? Kung totoo ka man gusto kitang makita at itanong sayo kung bakit ba madalas kitang makasama sa panaginip ko" sabi ko sa sarili.
~~~~~~~
Brylle...
Brylle...
Brylle...
Napahawak ako sa sintido ko dahil naguumpisa nanamang kumirot iyon.
"Ahhh!" Daing ko. Pabagsak akong naupo sa mahabang sofa namin sa living room.
"Ano ba ang buong pangalan ng brylle na yun?" Mahina kong sambit. Ni relax ko ang sarili ko at nag focus baka sakaling may maala ako! Pero ugh! Kahit isa ay wala akong maalala!
Sa tuwing iniisip ko ang mapanaginipan ko kanina ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Marahil ay kilala siya ng puso ko ngunit hindi ang isipan ko.
"Brylle...Nakalimutan ka man ng isip ko pero hindi ang puso ko" sambit ko sa kawalan.
~WAKAS!~
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystery / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...