Feiya POV
Tsk!nakakainis talaga ang dalawang yon!bakit hindi nila ako ginising!?
Agad agad akong nagtungo sa banyo upang maligo... Medyo masama pa ang pakiramdam ko pero ayokong umabsent dahil may activity kami sa science! dalawang subject na ang hindi ko na attenand.
Pumunta nako sa english class may anim na minuto pa naman bago mag simula ang lecture.
Habang tinatahak ko ang daan ay nakita ko si brylle na papalapit... Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko gusto kong kumaripas ng takbo dahil n-natatakot ako sakanya? Eh!
Huminto siya sa harap ko ng wala lang mang makikitang emosyon sa mukha niya.
"Bakit ganyan ang itsura mo?"- kunot noong tanong nito.
"Ha?anong ibig mong sabihin?"- naguguluhang tanong ko.
"Tsk!slow"- bulong nito pero narinig ko.
"Bakit nakasimangot ka!"- ani nito pero ang tono ng boses niya ay parang naiinis.
"Alangan namang ngumiti ako?e wala namang masaya sa araw ko!"- irita kong sagot.
O-ohh naningkit na ang mata niya at seryoso na siya... Ang kausap ko ngayon ay isang brylle louie freyer ang leader ng cbg hindi na siya ang dating nerd brylle na kilala ko...
"Natatakot kaba sakin?"- nakangising tanong nito.
"A-ano bang tanong yan?"- anas ko.
"Answer me!"- seryosong sambit nito.
"H-hindi kaya!atsaka bakit ako matatakot sayo?"- palusot ko pero ang totoo ay natatakot nga ako dahil hindi ko kilala ang totoong brylle luoie freyer...
"Really?"- anas nito at lumapit saakin, napaatras naman ako habang siya ay lapit ng lapit.
"A-ahh, malelate nako sa klase babye!"- anas ko sabay takbo.
Sinipat ko ang wrist watch ko... Shit! Late nako!letcheng brylle talaga pahamak!
Pumasok na ako at buti nalang ay hindi ako sinita ng prof... Tumabi ako kila phoebe at jade at nasa likuran naman namin si dustin at austin.
"Okay kana ba?"- tanong ni jade.
"Medyo masama pa ang pakiramdam ko"- anas ko.
"Dapat nag pahinga ka muna"- ani phoebe.
"Kaya ko naman"- tipid kong sagot.
Hindi na nila ako muling sinagot dahil nakinig nalang kami... Sa wakas natapos na ang discussion! At lumabas na ang prof ganun din kami.
Pumunta kami sa cafeteria pero hindi pa kami nakakapasok doon ay rinig na namin ang malakas na sigaw ng nagmula sa cafeteria...
Napalingon naman ako kay Phoebe at jade ganun din sila kaya dali dali kaming pumunta doon.
Nabungaran namin ang mga estudyante na nakatayo lang at ang isang istudyanteng lalaki na nakahandusay na sa sahig at ang isang lalaki naman ay natali sa upuan at pinaghahampas nila ng tubo... Puro dugo na ang damit nito at puno ng sugat ang katawan.
Hindi ko kayang tignan...wala silang awa! Bakit?bakit ba nila ginagawa ang bagay na ito.
Nilingon ko si jade na halatang takot na takot na dahil sa nakikita niya at pumapatak na ang mga luha nito mula sa kanyang mga mata...
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystery / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...