Chapter 31: PHOEBE

718 39 0
                                    

Feiya POV

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi parin nakakabalik si brylle.

At kahapon lang ng malaman kong may gusto sa isa't isa si ate at brylle noon pero hanggang ngayon kaya may feelings parin kaya sila para sa isa't isa? Bukod doon alam kong may mga bagay na hindi pa ako nalalaman pero ilang beses ko ng pinilit si wendy pero ang sabi niya ay hanggang doon lang ang kaya niyang sabihin sakin.

"Feiya kumain ka muna at magpalakas ka dahil may ensayo tayo mamaya" ani wendy. Siya nga pala simula kahapon ay nagsasanay na kami sobrang sakit na nga ng katawan ko e.

Tumango lang ako sakanya at kinain ko na ang binigay niyang pagkain sakin.

"Wendy bakit nga pala wala parin si avery este ate mia hanggang ngayon?" Tanong ko.

"Wag mo siyang alalahanin fei, wag kang magalala dahil hindi siya pababayaan ni jin" ani wendy.

Hindi na ako muling nagsalita bagkus ay tinuon ko ang atensyon ko sa pagkain. May namamagitan kaya kay ate at jin? Gusto kong mag tanong kay wendy kung may namamagitan ba sakanilang dalawa at kung may feelings pa ba si ate kay brylle kaso nga lang ay pinangunahan ako ng hiya at kaba.

Biglang bumukas ang pintuan kaya napalingon ako sa taong nag bukas ng pinto.

Tauhan iyon ni wendy, lumapit iyon sakanya at may binulong ito. Gusto kong mag tanong pero mukhang masyado naman akong ususera kapag ganun?

Biglang sumeryoso ang mukha ni wendy at napansin ko ang pag titiis nito ng galit. Yung mga titig niyang matalim at ang pag tangis ng bagang niya pati na rin ang pag kuyom ng kamao niya ay tanda na galit siya pero bakit? Anong dahilan?

"Mabilis lang ako at wag na wag kang aalis dito. At kapag sumuway ka sa bilin ko hindi ako magdadalawang isip na patayin ka" aniya. Tumango lang ako sakanya dahil ang kaninang ngiti niya ay biglang napawi, gusto ko mang itanong sakanya kung may problema ba pero baka saakin niya ibuntong ang galit niya.

_______

Palubog na ang araw at hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik si wendy, nagaalala na nga ako baka kung ano na ang nangyare sakanila.

"Nice to see you again feiya"

Nilingon ko ang nag salita at ganon na lamang ang gulat ko ng makita ko si axcel. Malapad ang mga ngiti nito at ang mga mata niyang nag aapoy sa galit.

Bahagya akong umatras ng onti upang lumayo sakanya.

"Tignan mo nga naman oh iniwan kang mag isa dito tsk! Tsk!" Nakangising sabi niya habang pinaglalaruan niya ang hawak niyang patalim.

"Ano bang kailangan mo?" Anas ko.

"Ikaw lang naman ang kailangan ko" aniya habang matalim ang mga titig nito sakin.

Hindi ko magawang magsalita.

"Akalain mo yun? Parehas pa kayo ng minahal" alam kong tinutukoy niya kaming dalawa ni ate.

"Ano bang pake mo!?" Usal ko.

Hindi ito kumibo bagkus ay bahagya itong lumapit saakin habang ako naman ay paatras ng paatras.

"Sa oras na to tiyak akong pinapahirapan na nila ang kapatid mo feiya" natatawang sabi niya.

Nakaramdam ako ng pagkainis dahil sa sinabi niya kaya buong pwersa ko siyang tinulak at pinilipit ang braso nito.

"Arayyy!!" Daing niya.

Dapat lang sayo yan! Punyeta ka!

Kinuha ko ang baril na pag aari ni wendy at walang katakot takot ko iyong pinatamaan sa binti niya.

"Walang hiya ka!" Sigaw nito. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang pagpukpok sa ulo ko kasabay nito ang pag dilim ng paningin ko.

Phoebe POV

Dalawang araw na ako nandito at sobrang nanghihina na rin ako. Kagagawan ito ng mga lintek na tauhan ni keeyanah! Pinipilit niya akong sabihin kung nasaan si feiya pero sadyang bobo siya para makaintindi!

"Pakawalan niyo na nga ako dito!" Usal ko.

"Pang ilang ulit mo na ba nasabi yan!?" Inis na sabi ng lalaking tauhan ni keeyanah.

"Wala ka namang mapapala dahil kahit anong gawin mo hindi ka namin pakakawalan!" Aniya.

"Eh bakit hindi niyo nalang kaya ako patayin ng diretso?!" Inis kong sabi.

"Kung yan ang gusto mo sige kahit ako na ang papatay sayo pero pahihirapan muna kita" natatawang sabi niya. Tss may nakakatawa ba dun? Pwera nalang kung may sayad na siya!

"Papahirapan niyo pa ko e mamatay rin naman ako" seryosong sabi ko.

"Chill masyado kang excited mamatay! Baka gusto mong malaman muna ang buong nangyare sa kaibigan mong si dustin?" Nakangising sabi niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang siya ay nakangisi.

"Ganito kasi yun ha? Makinig ka. Sumali ang kaibigan mong si austin at dustin sa death warriors, maganda ang pakikitungo sakanila ni jin, tuwing alasdos ng gabi ay palihim silang lumalabas ng dorm nila, okay na sana kaso nga lang nakialam pa sila kaya ayun pinatay namin siya!" Sabi niya sabay halakhak niya.

"Walang hiya ka keeyanah!" Galit kong sabi.

"Teka lang hindi pa doon nag tatapos! Alam mo ba kung bakit namin siya pinatay? Alam mo kasi may mga bagay na hindi dapat pinapakialaman dito sa academy lalong lalo na ang mya sikretong dapat nililihim! Alam mo bang siya ang unang nakaalam sa opyo? Sinubukan niyang kuhanin iyon ng hindi namin nalalaman kaso nga lang masyadong tanga ang kaibigan mo! Atsaka eto pa ang opyo ay isang uri ng gamot na kayang makapag pagaling ng malubhang sakit pero pwedeng ikasira ng kalusugan mo. Pwedeng mawala ka sa katinuan" aniya.

"Ano bang binabalak niyo ha!?" Sabi ko.

"Balak namin kayong lasunin! Kung pwede nga lang noon pa pinatay na namin kayo" aniya.

"Napaka sama mo! Hindi ka dapat pinagkatiwalaan ni feiya!" Usal ko.

"Ohhh ganun ba? Alam mo kasi ang dali niyang utuin e! Nageenjoy nga akong paglaruan siya! Dapat nga inuna ko na siyang patayin kaso nga lang malakas ang kapit niya sa cbg at lalo na myembro pala siya ng cbg" nakangising sabi niya.

Ano daw!? Myembro si feiya ng cbg!? Totoo ba to?

"Wag kong sirain ang tiwala ko sa kaibigan ko! Hindi niya magagawang umanib sa cbg dahil una palang ay tutol na siya sa mga gangster dito!" Anas ko.

"Okay! Sabi mo e nagsasabi lang naman ako ng totoo" aniya.

Matalim ko siyang tinitigan. Nako! Kung hindi lang nakatali itong kamay at paa ko baka kanina ko pa nilampaso ang pagmumukha niya!

To be continued...

Hi! Everyone! Sana ay nagustuhan niyo ang chapter na ito! At wag ninyong kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo!

Atsaka i-unpublish ko po muna yung ghost section at ipapakit ko ang love & war! Kwento po iyon ng anak ni lee mae shin at skyler park ng ang girlfriend kong bitter at suplada!

ENJOY READING!📖

GOMAWO! SARANGHAE!💗💕💝

GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon