Chapter 29: Missing

744 39 0
                                    

Feiya POV

Nakapalumbaba lang ako habang nakatitig sa kawalan.

"Feiya raye ayus ka lang ba?" Tanong ni austin, hayys! Ano bayan! Nakalimutan kong nandito pala si austin! Kainis si brylle kasi e! Walang oras na hindi ko siya inisio walang oras na hindinko siya hinintay! Putspa naman oh! Tinamaan na talaga ako sa lalaking yun!

"Ayus lang ako" ani ko.

"Weeh di nga?" Aniya.

"Ang kulit mo! Sabing okay lang ako e! Isang tanong pa nako masasapak talaga kita!" Inis kong sabi.

"Chill ka lang! Masyado kang high blood e!" Ani austin, tinarayan ko lang siya.

______

Maghapon akong hindi lumabas at kulong dito, wala na atang mas boboring pa sa araw na to!

Maya maya ay bigla kong naisip si luke.

Waaaahh! Baka alam niya kung nasan si brylle? Mabuti pa at tanungin ko siya.

Lumabas ako ng kwarto at kinuha ko ang jacket na pinahiram saakin ni avery, mabuti nalang at mabait si avery.

Naka hood ako at dapat walang makakita sakin pinagbawalan kasi ako ni avery na pumunta sa academy.

Hindi na ako nagpaalam kay austin o kay avery dahil dire diretso ako sa labas.

Habang naglalakad lakad ako ay parang may nakasunod saakin kaya hindi ko maiwasang hindi lumingin lingon, para na nga akong tanga kakalingon e. Ng mahagip ko si luke na may hawak hawak na libro ay agad ko siyang nilapitan.

"Luke!" Tawag ko sa pangalan niya.

"Waeyo?" [Why?]

"Alam mo ba kung saan pumunta si brylle?" Tanong ko.

"Hindi e" aniya at umalis na siya.

Hayys! Nasaan kaya pumunta yung lalaking yun! Bigla namang sumagi sa isip ko

Hindi ko pa pala nabubuksan yung dilaw na box.

Agad akong bumalik doon. Ng makarating ako doon ay pumasok agad akosa kwarto at kinuha ko sa drawer yung maliit na kahon.

Pag bukas ko ay may papel na nakatupi doon kaya tinignan ko muna kung ano yung nakasulat.

To: feiya

Alam kong mababasa mo rin ito kaso nga lang wala na ako kapag nabasa mo ito. Pero sana ay magustuhan mo ang regalo ko sayo, alam kong malapit na ang birthday mo. Habang wala ako wag mong pabayaan ang sarili mo, wag kang magalala babalik ako babalik ako para sayo.

From: brylle

Tumampad saakin ang napaka gandang kwintas, hmm wala namang mall dito? Saan niya kaya binili to?

"Feiya?" Rinig kong tawag sa pangalan ko.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si avery.

"May pupuntahan lang muna ako, pwede bang wag kang umalis hangga't hindi ako nakakabalik?" Aniya. Ano daw? May pupuntahan siya? Saan naman kaya?

"Sige" anas ko dumating naman si austin.

"Ako ng bahala kay fei, avery. Matigas kasi ang ulo niyan kaya kahit bilinan mo yan hindi parin yan susunod" ani austin, tsk! Edi siya na!

GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon