Avery/Mia POV
"Akalain mo yun hanggang ngayon buhay ka parin?" Ani madam.
"Malamang mauuna kang mamatay bago ako" nakangising sambit ko.
"Hahaha! Alam mo wala kang pinagbago matapang ka parin hanggang ngayon" aniya pero kita ko sa mata niya ang galit.
"Matapang ako kahit wala akong kapit, e ikaw? Tapang tapangan porkit may mga alipores ka" usal ko. Nabigla ako ng sampalin niya ako.
"Yan lang ba ang kaya mo? Sa bagay mas mataas ang posisyon mo saamin mas makapangyarihan ka kumpara saamin pero akalain mo yun mauutakan namin ang mas nakakataas pa samin" nakangising sabi ko. Kita ko ang pag kuyom ng kamao niya at ang pag tangis ng bagang nito sa galit.
"Tignan natin kung matapang ka parin pag kapatid mo na ang sinunod ko" nakangising sabi niya.
"Don't you dare hurt my sister bitch! Sa oras na malaman kong sinaktan mo ang kapatid ko hindi ko na hahayaang mabuhay ka pa!" Inis kong sabi.
"Is thata threat?" Aniya.
"I'm telling the truth! Kilala mo ako rein, don't mess with me!" Gigil kong sambit.
"Oh well I don't even care!" Aniya.
"Sa bagay malakas ang kapit ng kapatid mo sa cbg? Hindi ba? At balita ko may gusto sila sa isa't isa?" Aniya.
What!? Hindi pwede to!
"Hindi totoo yang sinasabi mo" anas ko. Umiwas ako ng tingin sakanya.
"Oh come on MIA! alam kong alam mo yun! Did it hurts you?" Aniya.
"Of course not!" Anas ko.
"Hahaha! It's okay mia truth hurts!" Usal pa nito.
"Shut up! Kung ayaw mong putulan kita ng dila!" Inis kong sabi.
Muling sumeryoso naman ang mukha nito.
"Kayo na muna ang bahala sa babaeng to! Wag ninyong patatakasin yan!" Aniya at lumabas na ng silid.
______
Habang pinagmamasdan ko ang paligid ko ay muling naagaw ang atensyon ko sa pagbukas ng pinto at iniluwal noon ang tauhan ni madam na hawak hawak ni keeyanah.
Tsk! Akalain mo nga naman! Naloko namin sila!
Sira na ang plano nila at mas lalong masisira pa ang plano nila dahil ang magkakakampi ay magiging magkaaway.
"Woaah? Andito ka rin pala yanah? Namiss mo ba ako?" Nakangising sabi ko sakanya habang siya ay matalim na nakatitig sa akin.
"Bakit nabuhay ka pa!?" Usal nito.
"Syempre mauuna muna kayo bago ako" anas ko sabay halakhak.
"Hindi mo ba alam na... Na sa kamay na ni axcel ang kapatid mo? Malamang pinahihirapan na siya ngayon" nakangising sabi nito. Walang emosyon akong tumingin sakanya.
Alam ko naman kasing hindi magagawa iyon ni axcel, kilala ko siya hindi niya gugustuhing makalaban ang cbg.
At si luke at thana nga pala ay nagpapanggap na isang tauhan sa grupo ni axcel. Ang galing nga e hanggang ngayon ay hindi parin sila nabubuking.
"Anong nginingiti mo diyan? Masaya ka pa bang nasa panganib na ang kapatid mo?" Aniya.
"Wala akong pake! Atsaka kung tutuusin ay ikaw dapat ang matakot dahil bilang nalang ang buhay mo" nakangiting sabi ko.
"Tsk! Paano ka nakakasigurado?" Nakangising sabi niya.
"Isa kana sa mga kalaban ni madam, kaya mag relax ka lang diyan at sinisigurado kong sa impyerno na ang bagsak mo" usal ko at ngumiti sakanya ng nakakaloko. Tss! Akala niya ba hindi kami gagawa ng plano na ikasisira ng tiwala ni madam sakanila!
Phoene POV
Ako nalang ang mag isa sa silid na ito dahil lumabas ang mga tauhan ni yanah.
"Nasaan na kaya yung bruhang yun?" Mahina kong sabi.
"Psst! Psst!" Lumingon lingon ako dahil parang may tao.
"May tao ba dito?" Usal ko.
Ilang segundo pa ay may nakatayo na sa harap kong lalaki, natatakpan ang mukha niya ng maskara.
"Sino ka?" Tanong ko.
"Wag ka ng mag tanong andito ako para iligtas ka" anas niya.
Tinanggal niya sa pagkakatali ang kamay at paa ko.
"Salamat" anas ko. Ngunit hindi niya ako sinagot bagkus ay hinila niya ang braso ko.
"Teka saan mo ako dadalhin?" Tanong ko.
"Sabi ko wag ka ng maraming tanong" kampanteng sagot niya. Tumahimik nalang ako at sumunod sakanya.
Palubog na ang araw at mukhang wala pa kami sa dapat naming puntahan. Nalilito na nga ako dahil ang daming pasikot sikot dito.
Habang naglalakad kami sa madamo at mapunong daan ay may nahagip ang mata ko na pamilyar.
Teka... Si brylle yun ah!
"Brylle!" Tawag ko ngunit bigla siyang nawala.
"Brylle?" Tanong ng kasama ko.
"A-ahh wala!" Anas ko. Siya nga pala hindi ko pa natatanong ang pangalan niya.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko sakanya.
"David.." tipid niyang sagot.
"Ahh... Ako nga pala si phoebe" usal ko.
"Alam ko" sagot niya.
"Huh? Paano mo naman nalaman?" Usal ko.
"Madalas ka kasing ikwento sakin ng boss ko" aniya.
"Boss? Sino yung boss mo?" Tanong ko.
"Wag mo ng alamin, baka magalit siya. Kasama pa naman natin siya" aniya.
Ano daw? Kasama namin yung boss niya pero kami lang naman dalawa ah? Bukod samin wala na! Hala? Ang creepy niya!
"A-ahh mabuti pa nga!" Usal ko.
Medyo na weirdohan ako sakanya dahil sa sinabi niya. Baka palihim kaming sinusundan ng boss niya?
To be continued...
Hello everyone! Sana ay magustuhan niyo ang chapter na ito! At wag ninyong kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo!
ENJOY READING!📖
GOMAWO! SARANGHAE!💗💞💝
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystery / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...