Feiya POV
Hindi ako makatulog dahil hindi ko maalis sa isipan ko ang giawang pag halik saakin ni brylle, grr! I really hate this feeling! Ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Lumabas ako ng silid ko upang magpahangin nalang muna baka sakaling dalawin ako ng antok kapag nag pahangin ako saglit, paglabas ko ng kuwarto ay halos mapatalon na ako sa gulat.
"Ayy anak ka ng nanay mo!" Gulat kong sabi.
Paano ba naman hindi ako magugulat dahil si brylle ay nakasandal sa tapat ng pinto ng silid ko.
"Kanina ka pa nandyan?" Tanong ko
"It's almost one o'clock am" aniya.
Gosh! Hindi ko namalayan ang oras!
"A-ahh hindi ako makatulog" anas ko.
Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang maskara upang maging takip ng mukha ko at inilagay ko ang patalim sa bewang ko at lumabas na ako.
Magkasama kaming lumabas ng hide out, hanggang sa makita ko na ang iba pang kamyembro ko.
Pumunta si brylle sa unahan at nag umpisa ng magsalita.
"Nais kong ipaalam sainyo na si master kaede ay patay na" banggit niya. Nagulat ako sa sinabi niyang patay na si master kaede, hindi na ako magtataka kung sino ang pumatay sakanya.
"Ilang araw na simula ng magkaroon tayo ng babaeng myembro at siya ang unang babaeng naging myembro ng grupo natin" aniya at nakita kong nagsitinginan sila saakin at nag bow, bakit ba kailangan pa nilang mag bow.
________
Nagising ako mula sa maputing silid kaya inilibot ko ang buong paningin ko.
"Teka, bakit nasa ospital ako? Ano ang ginagawa ko dito?" Tanong ko sa sarili ko.
Napatingon ako sa bumukas na pinto at iniluwal non ang lalaking nakasuot ng pang doktor, lumapit ito saakin.
Sinubukan niyang mag salita ngunit ni isa ay wala akong nariring, hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya.
"Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo" usal ko.
Nagpatuloy lang ito sa pagsasalita pero kahit anong gawin ko ay wala akong maintindihan, hanggang sa maramdaman ko nalang ang panghihina ko at paglabo ng paningin ko.
~~~~~
"Fei, fei wake up" rinig kong boses ni brylle, iminulat ko ang mata ko at tumampad saakin ang mukha ni brylle.
"Waaaahh!! Paano ka nakapasok?" Tanong ko.
"Kanina pa ako nandito, hindi nga ako natulog kakatitig sayo" aniya. Automatikong namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya, seryoso ba siya? Hindi siya natulog!?
Lumapit ito saakin na may bitbit na pagkain.
"Kumain ka muna" aniya at ngumiti ito.
Nginitian ko ito at sinimulan ko na ang pagkain.
"Ikaw ba ang nagluto nito?" Tanong ko. Tumango siya bago muling mag salita "nagustuhan mo ba?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystery / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...