Jade POV
Madilim na ang paligid at wala kaming ilaw upang maging gabay namin, hindi rin namin alam ang tamang daan pabalik.
"Mag stay muna kaya tayo dito?"- ani fei.
"Gutom nako!"- ani phoebe, bumalik na ulit sa dati si phoebe siya na ulit ang kaibigan naming palangiti inshort abnormal!
"Wag kang magalala nagugutom na rin kami!"- ani ko.
Umupo kami sa tabi ng malaking puno at isinandal ang likod namin.
"Sana naman may makakita saatin dito at ituro satin ang daan pabalik!"- ani ko.
"Nako kung sino man iyang magligtas satin dito! I love you na sakanya!"- ani fei.
Nilalamig na ako dahil sa malakas na simoy ng hangin.
_____
Thana POV
"Kailangan mo ng mapalapit kay feiya monreal yanah! Kailangan mo siyang mapatay!"- ani madam cruz.
Isang katanungan parin saakin hanggang ngayon ay ang pagkasabik nilang mapatay si feiya, ano ba ang nangyare at gusto nilang mapatay siya.
Palihim akong nakikinig sa sinasabi nilang dalawa, malalim na ang gabi at sa gabing ito ay pangigurado akong nasa panganib si feiya, kailangan ko na itong masabi kay brylle pero kailangan ko munang malaman ang pinaguusapan nila.
"Ang gamot na ibibigay ko sayo ay pwedeng makasira ng kalusugan at maaring mamatay ang kung sino man ang makakainom nito"- ani madam cruz, mabuti nalang at may maliit na siwang mula sa pinto kaya makikita ko kung ano ang itsura noon, tiyak akong ipaiinom nila ito kay feiya at hindi ko iyon hahayaang mangyare.
"Makakaasa ka"- nakangitin sambit ni keeyanah at ahad akong nagtago n lumabas na ito.
Tatlong oras nalang ang natitira at hindi magtatagal ay parating na ang panganib na bumabalot sa death rith gabi gabi.
"Thana?"
"W-wendy"- gulat kong sambit sa pangalan niya.
"Ano ang ginagawa mo dito sa labas?"- ani wendy.
"Pahiram muna ako ng maskara mo"- ani ko.
"Teka nga! Ano ba kasi ang dahilan at nandito kapa?!"- usal niya.
"May kailangan lang akong hanapin"- ani ko.
"Kung ganon sasamahan na kita"- aniya.
"Sigurado ka?"- anas ko.
"Oo, hindi ko hahayaang magisa lang ang kaibigan ko"- ani wendy, napangiti nalang ako sakanya dahil hindi parin siya nagbabago at may kabaitan parin siya, ang akala ng iba ay demonyo ang ugali niya pero kung makikilala mo ito ay may kabaitang nagkukubli sakanya.
"Salamat"- anas ko at isang ngiti lang ang itinugon nito.
_____
Malayo na kami pero nasa loob parin kami ng death rith, malalim na ang gabi at habang lumalalim ang gabi ay mad lalong mapanganib.
"Wendy naamoy ba yun?"- ani ko at halos hindi ko na magawamg huminga dahil napaka baho talaga.
"Yup! Ganito talaga sa lugar na to! Maraming naiwan na bangkay dito na dahilan ng grupo ni axcel"- ani wendy.
"Kahit sino naman kasi ay pinapatay niya kahit inosente, ganun talaga siya dahil gusto niyang manguna sa rango at mapabagsak ang cbg"- dugtong pa nito.
Maya maya pa ay may naririnig akong nagbabangayan kaya nakilala ko na agad mung kaninong mga boses iyon.
"Paano na tayo makakabalik!?"
"Lintek naman oh! Gutom na gutom nako! Ako yata ang susunod na mamatay!"- rinig kong boses ni feiya. Kahit kailan talaga ang babaeng yun!
Nasilayan ko na sila feiya ng lumapit ako doon halos mahimatay na nga sila sa gulat dahil daig pa nila ang nakakita ng multo.
"Thana!?"- ani jade. Ngumiti lang ako dito.
"Sila ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nasa labas ka pa?"- ani wendy, tumango ako sakanya bilang sagot ko sa tanong niya.
"They look familiar"- ani pa ni Wendy.
"Yah! Nameet mo na sila somewhere inside here in death rith!"- anas ko.
______
Feiya POV
Pabalik na kami at maraming salamat nalang kay thana kung hindi dahil sakanya ay baka abutin pa kami ng bukas at hindi pa kami nakakabalik, medyo kumportble nga lang ako dahil kasama namin ang leader ng death goddesses na si wendy, likas na maganda matalino siya.
Ng matanaw ko na ang academy ay huminto kami sa may tapat ng building ng mga dorms.
Nauna ng pumasok sina jade at phoebe dahil ako ay nagpaiwan muna.
"Salamat sa tulong mo thana"- nakangiting sambit ko.
"Uy! Hindi libre yun ah! May kapalit yun pero sige welcome na rin"- aniya, kumunot naman ang noo ko dahil nagtataka ako kung ang kapalit ng pag tulong niya.
"Sasali ka sa craving blood gang"- nakangising sambit nito at napanganga nalang ako dahil hindi ko alam kung papayag ba ako o tatanggihan ko.
"Kilala mo ba itong nasa tabi ko? Kayang kaya niyang tapusin ang buhay mo ngayon kaya kung tatanggi ko, pasensya na kailangan mo ng magpaalam"- ani thana, biglang tumaas ang balahibo ko sa sinabi ni thana, seryoso ba siya!?
"Pwede bang bigyan mo akong ng oras pata makapag isip?"- ani ko.
"Osige! Since nabigla kita at kailangan nito ng maayos at seryosong pag dedesisyon ay binibigyan lamang kita ng tatlong araw upang makapag desisyon"- ani thana at umalis na ito.
Bagsak ang balikat kong pumasok sa loob ng kuwarto at pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama.
Araw araw ay maraming nangyayareng hindi mo inaasahan... At sa oras na to ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin kung ano dapat kong unahin... Maraming gumugulo sa isip ko na hindi ko man lang malaman ang sagot sa mga ito, at ngayon may tatlong araw ako upang makapag desisyon kung sasama ba ako bilang isang myembro ng cbg o tatanggihan ko ito pero ang kapalit nito ay kamatayan ko? Wala akong choice kung hindi ang maging kabilang sa craving blood gang dahil mahal ko pa ang buhay ko. Marami pang gumugulo sa isip ko na hanggang ngayon ay hindi ko malaman ang kasagutan nito.
Hindi magtatagal ay kailangan ko ng pumatay upang mailigtas ko ang sarili ko...
_____
Hindi ko kasamang pumasok ang mga kaibigan ko dahil gusto kong mapagisa, gusto kong pumunta sa tahimik na lugar kung saan walang nakakakilala saakin at wala akong mababalitaang gulo na dadagdag pa sa mga problema ko.
Kung hindi ba ako pumasok dito ay hindi ko ba mararanasan ang mga to? Kung hindi ba ako pumasok dito ay umaasa parin ba akong buhay si ate hanggang ngayon? Hindi ko napigilan ang luha ko at pumatak na ito, siguro nga ay ito ang pinakamatinding hamon na haharapin ko siguro ay ito talaga ang kapalaran ko...
To be continued...
Hi all! Sana ay magustuhan niyo ang chapter na to! Wag ninyong kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo!
ENJOY READING!SARANGHAE!💞
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystery / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...