Medyo mahaba haba ang chapter na ito kaya sana ay tapusin niyo! Para malaman niyo kung may mamatay ba o wala!
Sana mag enjoy kayo!
Wendy POV
Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan si dustin na nilalabas ang mga armas na gagamitin namin.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Flash bomb" nakangiting sabi niya.
"Bakit meron pa niyan?" Tanong ko ulit.
"Just incase, magagamit natin to! This is very useful" nakangising sabi niya.
Tumango tango lang ako sa sinabi niya, napalingon ako ng bumukas ang pinto at iniluwal non si jin at avery. Napayakap ako kay avery at naramdaman ko nalang ang pagtugon niya sa yakap ko. Ilang segundo pa ay kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa't isa, kasunod non ang pagdating ni luke at thana na kasama si BRYLLE!
Feiya POV
Napangisi ako ng makita ko si madam at axcel na galit na galit. Bahagyang lumapit saakin si madam at lumuhod ito sa harap ko upang magkapantay ang mukha namin.
"Ikaw ang gagamitin ko feiya para mapabagsak sila! Hahaha! At kapag nagawa ko iyon ay isusunod ko sa impyerno ang mga taong mahahalaga sayo!" Natatawang sabi nito na sinabayan ko lang rin sa paghalakhak.
"Mapapatay mo nga ako pero hindi ang mga taong pinahahalagahan ko" napangisi ako habang sinasabi ko iyon sa harap niya "baka nga mauna kapang mamatay" sabi ko sabay halakhak na ikinainis niya.
"Magsasama sama kayo sa impyerno feiya! Pero uunahin muna kita!" Aniya.
"Well goodluck!" Nakangising sabi ko.
Maya maya pa ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog na nagmumula sa labas.
"F*ck!" Mahinang sigaw ni axcel ngunit bahid sa tono ng boses niya ang galit.
Kinuha niya ang baril sa tagiliran niya at ganun din si madam at saka sila lumabas.
Lumapit naman saakin ang dalawang tauhan nila at nagmamadaling alisin ang pagkakatali saakin at hawak hawak nila ang magkabilaang braso ko ng lumabas ako sa silid na iyon.
Wala na akong lakas para lumaban pa dahil hinang hina na ang katawan ko kaya hinayaan ko nalang sila sa gusto nila. May tatlong tauhan pa ang nakasunod saamin sa likod habang nasa harap naman si axcel at may dalawa pang tauhan sa gilid niya.
Isang putok ng baril ang kumawala malapit saamin kasabay non ang pag litaw ni brylle na kasama ang mga tauhan niya, muli akong nabuhayan ng muli kong masilayan siya. Isang pilit na ngiti ang kumawala sa aking labi ng mapadako ang tingin niya saakin.
"Kamusta kana insan? Nakikita mo ba ang babaeng nasa likuran ko? Hindi magtatagal at mamamatay na rin itong mahal mo" aniya sabay halakhak nito. Nginisian lang siya ni brylle habang ako naman at nagtataka dahil tinawag ni axcel na insan si brylle. May hindi pa ba ako nalalaman?
"Tss! Ang daldal mo!" Kampanteng sabi ni brylle. Wala kahit anong bakas ng takot o pangamba si brylle bagkus ay aliw na aliw pa ito.
"Chill ka lang! Hindi pa naman namin papatayin si feiya dahil hindi pa sila nag kakausap ng kapatid niya" nakangising sabi ni axcel. Bago pa makapag salita si brylle ay wala na akong maaninag dahil sa kapal ng usok at sunod sunod na putok ng baril. tanging naramdaman ko nalang ang pag hapit saakin ng kung sino sa bewang ko.
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystery / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...