Feiya POV
Palihim naming minamanmanan si axcel kasama ang iba niyang tauhan, maya maya pa ay may dumating na tatlong babae at ganoon nalang ang gulat ko ng mamukhaan ko sila.
"P-paano nangyare?" Mahina kong sambit.
Napalingon ako sa katabi kong si brylle, naniningkit na ang mga mata niya at kuyom na rin ang kamao niya.
Axcel POV
"Nagawa niyo na ba ang iniutos ko?" Seryosong tanong ni madam.
"Pasensya na, pero nabigo kaming gawin ang inutos niyo" ani keeyanah.
"Ano!?" Inis na sambit ni madam rein.
"Hindi dapat tayo magpadalos dalos sa plano, hindi lahat ng bagay kailangan madaliin" anas ko.
"Isa pa buhay si mia" ani ko.
Kita ko sa itsura nila ang pagkabigla dahil sa sinabi ko.
"Paano nangyare yun!?" Galit na sabi ni madam.
_____
Feiya POV
Tama ba ang narinig ko? Mia? Binanggit niya ang pangalang mia!? Sigurado akong si ate ang tinutukoy nila, ngunit hindi pa nila nasisiguradong buhay nga si ate. At kung mapatunayan man nila yun tiyak akong manganganib ang buhay ni ate. Pero bakit? Ano ang atraso ni ate sakanila?
"Bumalik na tayo, delikado na ang magtagal pa dito" ani brylle, tumango lang ako sakanya tanda ng pag sangayon.
Habang tinatahak namin ang daan pabalik sa hideout ay nakita ko sa hindi kalayuan si thana na papunta sa direksyon namin.
"Lead!" Tawag ni thana kay brylle.
"Si luke! Tulungan mo siya lead" nagmamakaawang sabi ni Thana kay brylle.
Naging seryoso ang mukha ni brylle at nagmadali siyang puntahan si luke.
Brylle POV
"Bitawan mo ang kapatid ko kung ayaw mong ihampas ko sayo ang dospordos na hawak mo!" Sambit ko.
Puno ng galos at pasa ang braso niya.
"Akala mo ba natatakot kami sayo!?" Usal nito, tauhan ito ni axcel at alam kong siya ang nagutos nito.
Masyadong maraming kuda ang lalaking to! Kaya nilabas ko ang baril na nasa tagiliran ko at agad kong tinamaan ang binti nilang tatlo.
Inapakan ko ang binti nila na tinamaan ko at hindi pa ako nakuntento dahil tuluyan ko ng tinapos ang buhay nila.
Inalis ko sa pagkakatali si luke at ngumisi ito ng nakakaloko.
"Kuya, magiingat ka ikaw na ang papatayin nila, alam na rin nilang buhay si mia" ani luke.
"Alam ko ipaalam niyo na agad sakanya" usal ko.
"Thana, manmanan mo ang bawat kilos ni keeyanah. Kailangang makuha natin ang gamot sa kalaban" anas ko pa.
"Gamot?" Tanong ni luke.
Tumango ako sakanya bago muling mag salita "gumawa sila ng gamot na makakapag pagaling ng may malulubhang sakit ngunit maaring mawala rin sila sa katinuan" paliwanag ko.
"Mauna na ako sainyong dalawa" anas ko.
Feiya POV
Nakabalik nalang ako ng hideout at wala parin si brylle, malamang ay nakipag patintero pa yun.
Biglang sumagi sa isip ko ang mga natuklasan ko kanina.
Si axcel, si yanah at si madam magkakasabwat sila? Pero yung isang babae hindi ko kilala, nakataklob ang mukha niya pero kita ko ang mahabang buhok niya mula sa likuran, nakakapag taka lang dahil sino siya? Kasabwat rin kaya siya?
Napadako ang tingin ko sa litratong ibinigay saakin ni austin nung isang araw. Larawan ni ate na may bakas ng dugo.. biglang may sumagi sa isip ko na ikinabigla ko.
"Hindi totoong nag suicide si ate... Sindyang ipapatay si ate! At nagtangkang pumatay kay ate ay si yanah!" Mahina kong sambit.
Kailangan kong makausap si thana, hindi pwedeng mag mukhang tanga ako dito na walang alam sa nangyayare! Gusto ko ng malaman ang lahat! De bale ng mamatay malaman ko lang ang totoo!
Nabalik ako sa realidad ng biglang bumukas ang pintuan ko at iniluwal non si brylle, lumapit ito saakin na may ngiti sa labi niya kaya tipid akong ngumiti sakanya bilang tugon.
"I'm sorry fei kung kailangan mong maransan ang ganito" aniya na hindi man lang nakatingin saakin.
"Nasanay na ako" anas ko.
"Kahit anong mangyare ay hindi kita pababayaan..." Aniya.
"Salamat!" Nakangiti kong sabi habang siya ay nakayuko parin at hindi makatingin saakin.
"Kung kailangan mong mailabas sa lugar na to gagawin ko" aniya.
"Ayoko" sagot ko. Napatingin naman siya sakin dahil sa sinabi ko.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nasabi ko ang salitang ayoko kahit na noon pa ay gusto ko ng makaalis sa lugar na to.
"Ayokong mapahamak ka" aniya.
"Pero paano ka?" Seryoso kong sabi "may tiwala ako sayong hindi mo ako pababayaan at kung sakali mang dumating na ang delubyo ay handa akong lumaban" seryosong sabi ko.
Naramdaman ko nalang ang mahigpit niyang pagyakap saakin kaya tumugon rin ako sa maiinit niyang yakap.
Someone's POV
"Mia alam na nila na buhay ka ano na ang gagawin mo ngayon? Hindi ka pwedeng mapahamak"
"Alam ko, planado ko na ang lahat ng ito at kailangang hindi nila mapatunayan na buhay nga ako dahil pati kapatid ko ay mapapahamak" ani mia.
"Wag mong alalahanin ang kapatid mo hindi siya pababayaan ni brylle"
"Alam ko, may tiwala ako sakanya" ani mia.
"Ibigay mo kay brylle ang mapa na to, dito niya matatagpuan ang opyo. Sabihin mo sakanya na magkita kami sa dulo ng academy pag sumapit na ang ikatlong araw" sabi pa niya.
"Makakaasa ka"
"Wala kang pagsasabihan tungkol sa opyo at sa mapa na ibinigay ko kay brylle dahil oras na magkamali ka, siguraduhin mong hindi ko matatagpuan ang pinagtataguan mo!" Banta niya, pero alam kong seryoso siya..
"Kilala mo ako mia, kailan ba kita binigo? Ilang taon na akong naging tapat sayo"
"Siguraduhin mo lang!" Aniya.
To be continued...
Hello everyone!
Sana ay magustuhan niyo ang chapter na ito! At wag ninyong kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo!
ENJOY READING!📖
GOMAWO! SARANGHAE!❤💕💞
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystère / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...