Chapter 28: BRYLLE

767 41 0
                                    

Feiya POV

Nagising ako ng masakit ang buong pangangatawan ko, sumasakit din ang ulo ko. Aigoo! Ano na ba ang nangyayari saakin? Ang labo rin ng paningin ko. Kaya saglit akong pumikit at idinilat ko rin ang mata ko, bumalik naman iyon naging malinaw na rin ang paningin ko.

"Gising kana pala" aniya, sa umpisa ay hindi ko siya nakilala pero ng lumapit pa siya saakin ay halos lumuwa na ang mata ko sa babaeng kaharap ko. Inilibot ko tuloy ang paningin ko at ngayon ko lang nalaman na wala pala ako sa kuwarto ko.

"Wag kang magalala wala akong gagawing masama sayo, tinulungan ka ni jin" nakangiti niyang sambit. Hayys ano ba tong pakiramdam ko, napapagaan ang loob ko kapag nakita ko siyang ngumiti! Hindi ko sinasabing natomboy ako ah!

"A-ano ba ang nangyare? Bakit ba ako napunta dito? Wala kasi akong maalala" anas ko at umiwas ako ng tingin sakanya.

"Iniligtas ka ni jin sa kapahamakan, wag mong masyadong alalahanin yun atsaka dito ka muna wala ka pa kasing lakas at hindi pa galing ang mga sugat mo" ani nito.

"Siya nga pala dalawang araw kang walang malay" nakangiting sabi nito at lumabas na ng silid.

Ano daw?! Dalawang araw akong walang malay!??!

Gosh! Si brylle? Baka nag aalala na yun sakin. Pinilit kong tumayo sa higaan ko kahit na ang sakit pa ng binti ko, langya ngayon ko lang napansin na may benda yung binti ko! Nakakainis! Wala naman kasi akong maalala sa nangyari!

Ng makalabas ako ay hinanap ko kung saan ang pinto palabas kaya ng mahanap ko iyon ay agad ko iyong nilapitan.

"Hep! Hep! Teka lang! Hindi kapa galing, may mga tauhan si madam na nakabantay sa labas" ani avery. Hayys! Naupo ako sa upuan. No choice ako kundi mag stay dito!

"Oh eto kumain ka muna,kailangan mong magpalakas" ani avery.

"Salamat!" Ani ko.

"Ayy teka lang ah! May napulot kasi si jin nung niligtas ka niya e, ang sabi niya baka iyo daw ito" ani avery at may binigay siya saking larawan. Kinuha ko naman iyon, nadala ko pala iyon!

"Kamukha mo yung nasa litrato" aniya. Malamang kamukha ko talaga siya! Kapatid ko yun e! Pero mas maganda nga lang ako ng ten percent kay ate.

"Kapatid ko ang nasa picture" aniya, para naman siyang nagulat sa sinabi ko. Siguro ay hindi siya makapaniwala dahil para kaming kambal nun ni ate.

"Ano palang pangalan niya?" Tanong nito.

"Mia monreal" sagot ko. Tumango tango muna ito at hindi na niya ako sinagot.

Habang kumakain ako ay hindi mawala sa isip ko si brylle. Alam kaya niyang niligtas ako ni jin? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nagaalala kaya siya sakin?

______

Naramdaman kong may umupo sa higaan ko kaya iminulat ko ang mata ko hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil masyadong madilim dito sa loob.

Hinawakan niya ang kamay ko, napangiti nalang ako ng maramdaman ko ang malambot niyang kamay. Hindi ako pwedeng magkamali dahil siya to.

"Brylle.." sambit ko sa pangalan niya.

"Shhh, magpahinga ka fei. Magpagaling ka ayokong pinagaalala mo ko" mahinang sabi niya pero mababakas mo sa boses niya ang pag aalala.

GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon