Someone's POV
Walang awa nilang pinarurusahan ang babaeng nakatali sa upuan, nanghihina na ang buong katawan nito.
Ilang segundo pa ang nakalipas ay may biglang lakaking dumating at pinagbabaril niya ang mga ito at itinanggal niya ang lubid na nakatali sa kamay at paa ng babae at binuhat niya ito na para bang bagong kasal.
Feiya POV
Ayokong pumasok ngayon dahil ito na ang huling pag dedesisyon ko, pero wala akong magagawa kung hindi ang maging kabilang ng cbg.
"Jade! Anong nangyare sa mukha mo!?"- rinig kong sambit ni phoebe mula sa labas ng kwarto ko kaya naman napabalikwas ako ng bangon upang makita si jade.
"Omg! Jade sino ang may gawa sayo nito!?"- alalang tanong ko.
"A-ahh napaaway ako"- aniya.
"Huh? At bakit!?"- ani phoebe.
"Alam mo bang nagaalal kami sayo ha!?"- anas ko.
"Pwede ba pagpahingahin niyo muna ako!?"- aniya at pumasok sa loob ng kwarto niya nilock niya ang pinto niya.
______
"Fei!"
"T-thana.."- sambit ko nasa harapan ko siya ngayon.
"Ano? Oo o hindi?"- aniya. Hayys! Ano pa nga ba?
"Oo"- ani ko na ikinangiti niya.
"Good, magkita nalang tayo mamaya sa likod ng academy"- anas nito at naglakad na palayo.
Ngayon ko lang napansin na kasunod niya lang pala si brylle at wala kang makikitang kahit anong reaksyon sa mukha niya dahil napaka seryoso niya.
Pumunta ako ng library dahil ilang araw na akong hindi nakakapag focus sa discussions dahil puro problema nalang ang binibigay saakin sa araw araw!
________
Alastres na ng hapon at dumiretso ako sa likod ng academy, pagdating ko roon ay naroon na si thana.
"Kilala mo naman na siguro ang leader ng cbg"- ani thana ng makalapit ako sakanya.
"Sino ba namam ang hindi makakakilala sakanya no?"- anas ko
Napangisi ito bago muling mag salita "ikaw palang ang babaeng magiging myembro ng cbg"- ani thana.
"Huh!?"- gulat kong sambit.
"Tara na?"- aniya at tumango lang ako sakanya.
Mapuno ang dinadaanan namin ngayon at palubog na rin ang araw, marahil ay sa hideout kami ng cbg magtutungo.
Sa ilang minuto naming paglalakad ay sa wakas nakarating na rin kami, medyo malaki ang hide out na ito kumpara sa naiisip ko at sa labas nito ay may mga nakabantay.
Pumasok kami sa loob at lahat ng madadaanan naming mga myembro ng cbg ay binbati kami. Pumasok na kami sa isang silid, pag pasok namin dito ay tumampad agad saakin ang napakalawak na silid at may iba't ibang sandata at maskara na sa pagkakaalam ko ay ang maskara na iyon ay para sa mga myembro ng cbg at sa dingding naman ay mayroong nakapinta na itak.
Pamilyar saakin ang simbolo na iyon at ang maskara.
Mula sa gitna ay nakita ko ang isang lalaking naka upo sa swivel chair at nakaharap ito sa likod at nakatanaw sa malaking bintana.
"Ehem!"- tumikhim si thana na dahilan ng paglingon nito saamin at nakita ko si brylle na seryosong nakatingin saakin kaya napayuko ako dahil hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko.
"Siya na ba?"- tanong nito.
Nakaramdam ako ng panghihina, hindi ko alam ang gagawin ko shit! Hindi ako kumportble sa lugar na to!
"Kaya niya bang pumatay"- dugtong pa nito at napalingon ako sakanya na may gulat sa itsura ko. Nakita ko ang pag ngisi ngisi niya at ang nakakalokong tingin niya saakin. Tsk! Nanadya ba siya!? Alam niyang hindi ko kaya ang pumatay!
"Lead, wag mo masyadong pahirapan ang bago mong tauhan"- ani thana. Ano daw? Lead? Bakit lead?
"I see... Pero sa grupo namin ay walang madali, lahat mahirap. Kung kaya niya ang misyong ipagagawa ko sakanya ay masaya akong magtatagumpay siya pero kung hindi wala na siyang lugar para dito... Hindi ito ang lugar para sa mga mahihinang katulad niya"- kampanteng sambit nito, jeez! Nanggigil ako sa lalaking to! Ang liit naman ng tingin niya sakin!
"Naninibago pa siya sa ngayon, pero alam kaya niya iyon"- ani thana.
"Maraming salamat lead maiwan ko na siya sayo"- dugtong pa nito at lumabas na ng pinto.
Tumayo ito at lumapit saakin.
"Ano ang dahilan at sumali ka dito?"- seryosong tanong nito.
"Hindi ko to ginusto, napilitan lang ako"- anas ko, bigla itong natawa sa sinabi ko kahit wala naman talagang nakakatawa!
"Ano ba ang nakakatawa?"- anas ko.
"Ikaw!"- patawa tawa niyang sabi.
"Ako?! Tss"- usal ko.
"Kaya mo ba ang misyong ipagagawa ko sayo?"- anas nito.
"Dipende..."- seryoso kong sagot.
Natawa nanaman ito sa sinabi ko, grr! Abnormal na ata talaga ang lalaking to!
"Paano kung pagpatay ang pinagawa ko sayo?"- anas nito.
Wala akong nasabi bagkus ay natahimik ako, hindi ko alam kung kakayanin ko ba o hindi.
"Kung sakaling hindi mo nagawa ang misyon mo ay pwede kang maparusahan ng kamatayan"- seryosong sambit niya.
"Edi mamatay ako, ayus na ang mapadali ang buhay ko para wala ng problema"- anas ko.
"Susuko ka nalang ba? Sapat na ba sayo ang malamang wala na ang kapatid mo? Paano kung hindi pa pala?"- aniya. Napalingon ako sakanya at seryoso lang din itong nakatingin saakin.
"Naniniwala kaba sa sinasabi ko?"- anas niya pa.
"H-hindi ko alam... Patay na si ate, kaibigan niya mismo ang nagsabi saakin"- anas ko.
"Minsan ang mga kaibigan ang dahilan ng pagkatalo natin...dahil hindi lahat ng kaibigan pinagkakatiwalaan"- aniya.
Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? May alam ba siya tungkol kay ate? Mayroon ba akong hindi alam na alam niya?
"A-ano ba ang ibig mong sabihin?"- anas ko.
"Piliin mo ang mga pinagkakatiwalaan mo, dahil madalas kung sino pa ang nagsasabi ng katotohanan ay hindi pinaniniwalaan at kung ano pa ang kasinungalingan ay siya pang madalas paniwalaan"- seryosong sambit ni brylle.
To be continued...
Hi everyone! Sana ay magustuhan niyo ang chapter na to! Wag ninyong kalimutang mag vote kung nagustuhan ninyo!
ENJOY READING!SARANGHAE💞💕
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystery / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...