Feiya POV
Kasama ko ngayon si jade at phoebe, pinayagan kasi ako ni brylle na makipag kita sakanila.
"Saan ka ba nagpupupunta?"- ani jade.
"Wag niyo ng alamin"- anas ko dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang idahilan ko sakanila, dahil madalas ay hindi na ako nakakatulog sa dorm namin.
"May boyfriend kana no!?"- ani phoebe.
"Tongaks wala!"- sagot ko.
"Wehh??"- ani phoebe.
"Baka si brylle yan ah!"- kinikilig na sambit ni jade.
"Bahala na nga kayo!"- iritang sabi ko. Tatangkain ko sanang umalis pero pinigilan nila ako.
"Uy joke lang naman!"- ani phoebe.
"Affected kasi totoo"- ani jade.
"Kokonyatan na talaga kita jade!"- inis kong sabi at nag peace sign naman siya.
"By the way may klase pa kami kaya maiwan kana namin! Dun kana sa brylle mo"- ani ni phoebe at umalis na sila sa cafeteria.
Ilang segundo pa ay naisipan kong umalis na rin sa cafeteria at nagtungo ako sa likod ng academy. Saka ko lang nakita si brylle na nakaupo sa may bench kaya tinabihan ko siya.
Isang ngiti ang binigay nito ng mapansin akong nasa tabi niya.
"Masayang tumambay dito pero hindi mo alam ay mapanganib pala ang lugar na to"- aniya.
"Ilang taon na ang nakalipas ng mangyare ang delubyo na dahilan ng pagkamatay ng maraming estudyante"- ani brylle.
"Anong ibig mong sabihin?"- ani ko.
"Dito nagumpisa ang delubyo noon at kabilang ako sa mga estudyanteng nakipagpatayan para lang mailigtas ko ang sarili ko"- aniya. Lumingon ito saakin na may pagaalala sa mata niya.
"Kahit anong mangyare ingatan mo ang sarili mo, mawala man ako sa tabi mo iligtas mo parin ang sarili mo"- aniya at naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko.
Eto nanaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko, bakit ba sa tuwing kasama ko siya ganito ang nararamdaman ko? Nahuhulog na ba ako sakanya?
"Palubog na ang araw at habang lumulubog ang araw ay mas nagiging mapanganib kaya bumalik na Tayo"- aniya at kinuha ang kamay ko.
Nakaramdam ako ng kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko ng mahigpit niyang hawakan ang kamay ko.
"Brylle... Sana parehas lang tayo ng nararamdaman"
______
Nagising ako mula sa malambot kong kama at malalim na ang gabi naisipan ko ng bumangon at pumunta sa silid ni brylle. Pag pasok ko doon ay wala siya.
Maski ang iba ay wala na rin.
"Ano bayan! Sumali pa ako dito kung hindi rin nila ako isasama!"- sambit ko. Sinuot ko ang itim na coat ko at ang maskara ng cbg.
Madilim na ang paligid mabuti nalang at nagdala ako ng flashlight.
Habang naglalakad ako ay ang naririnig ko lang ang huni ng mga ibon at kwago, hindi ko alam na meron nun dito!
Sa ilang minuto kong paglalakad ay nabigla ako ng biglang may humapit sa bewang ko at kasabay non ang pagdaplis ng pana sa braso niya, tiningala ko kung sino iyon at nagulat ako na si brylle.
BINABASA MO ANG
GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"
Mystery / ThrillerA place where there is no peace,no love and everything is covered with anger. Everything is mysterious and covered with many secrets. Killing is the only way to save yourself. Do not be afraid of death. Do not trust anyone because they might be the...