Chapter 30: MIA-AVERY

724 36 0
                                    

Axcel POV

"Lintek na cbg yan oh! Nautakan tayo mga animal!" Galit kong sabi.

"Hanapin niyo si brylle! Wag na wag kayong babalik dito kung hindi niyo pa siya nahahanap!" Utos ko.

"Masusunod boss!" Ani ng mga tauhan ko at lumabas na sila ng silid ko.

Ilang segundo pa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwal non si madam, tsk! Hindi ba siya marunong kumatok!?

"Nasaan si yanah!?" Galit nitong sabi.

"Hindi siya pumunta dito" anas ko.

"Siya! Siya ang kumuha ng gamot! Kailangan niyang maparusahan agad! Ipahanap mo siya sa mga tauhan mo!" Utos ni madam. Amp! Kinulang na ba siya sa tauhan at ang mga tauhan ko ang pinapahanap kay keeyanah?

"Si mia? Anong balita sakanya?" Tanong nito.

Ngumisi ako bago siya sagutin "matagal na pala nating nakakasalamuha si mia hindi lang natin alam!" Anas ko. Kumunot naman ang noo nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni madam.

"Si avery diaz at mia ay iisa" seryosong sagot ko. Kita ko sa mata nito ang pagkagulat at ang pagkuyom ng kamao niya.

Feiya POV

"Feiya! Sumama ka sakin!" Ani wendy.

"Teka? Saan tayo pupunta? Paano si avery?" Tanong ko.

"Mamaya kana mag tanong tanong diyan, basta ang mahalaga makaalis na tayo dito!" Ani wendy at hinila ako nito palabas. Halos masubsob na ako dahil sa mabilis itong tumakbo. Hindi ko alam kung saan kami papunta.

"Teka lang! Pwede bang maglakad lang tayo?" Anas ko.

"Wala ng oras fei!" Aniya.

Huminto kami sa may maliit na kubo, pumasok kami doon at ang akala kong maliit na kubo lang ay may roon pala itong hagdan papunta sa ibaba. Bumaba kami doon at tumambad sa paningin ko ang malawak na basement at may mga armas.

"Bakit dito tayo pumunta?" Takang tanong ko.

"Fei... Ligtas tayo dito" aniya.

"Anong ibig mong sabihin? Na ligtas tayo dito?" Kunot noong tanong ko.

"Mabuti pa at sabihin ko na sayo ang mga nalalaman ko" aniya.

"Tungkol sa kapatid mo.. si mia buhay siya fei" aniya.

"Alam ko ng buhay siya pero hindi ko pa siya nakikita" anas ko.

"Si avery... Si avery at mia ay iisa"

Ano daw!? Si avery at si ate mia ay iisa!? Pero p-paanong nangyare yun?

"Paano!? Paano nangyare yun?" Anas ko.

"Ilang taon na ang nakalipas ng iligtas ni brylle si mia. Nakaplano na ang lahat ng yun at isa na don ang pag suicide ni mia dahil sa depression. Pinalabas na depress si mia noon dahilan para mag suicide siya..." Ani wendy.

"si jin ang leader ng death warriors.. kinailangan magpanggap ng tatlong grupo ng gangster na magkakaaway. Hanggang dumating sa punto na kailangang pumatay at dumating ang oras na tinalikuran ni mia si brylle noon at sumapi sa death warriors" ani pa niya.

"Pero bakit?" Takang tanong ko.

"Mahal nila ang isa't isa pero hindi naging sila dahil tinutulan iyon ni madam... Dahil mataas ang tingin ni madam kay brylle at ayaw nitong mahulog si brylle kung kanino man.. wala siyang nagawa kundi talikuran si brylle dahil binantaan siya ni madam na papatayin niya si brylle. Hanggang ngayon ay pala isipan parin saamin kung bakit ayaw ni madam mag mahal si brylle... Dahil oras na malaman ni madam na may napupusuan si brylle ay pinapatay niya ito" ani wendy.

Hindi ko alam yung tungkol dito... Paano nalang ang nararamdaman namin para sa isa't isa? Kaya pala sinabing walang pagmamahalan ang nagtatagal sa lugar na ito dahil kung sino man ang mag mahal ay kailangan ng mamaalam..

At isa pa si brylle at ate may nararamdaman din pala sila para sa isa't isa at ayun ang kinalulungkot ko... Hanggang ngayon kaya may nararamdaman parin sila sa isa't isa?

"May kailangan ka pang malaman yung tungkol sa kaibigan kong si dustin" aniya.

"Ano ang dapat kong malaman?" Takang tanong ko.

"Alam mo ng sinadya iyon. Pero-"

"Andito na pala kayo!" Biglang sabi ni jin.

"Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko ulit.

"Sa ibang araw nalang siguro" seryosong sabi niya . Hindi niya na kasi naituloy ang dapat niyang sasabihin kanina dahil panira itong si jin!

Phoebe POV

Kanina pa ako palakad lakad dito dahil kanina ko pa hinahanap si jade at hindi ko siya makita! Kung saan saan siguro nag pupunta yun kaya napaka hirap hagilapin! Nako! Pag nahanap ko talaga si jade itatali ko yung paa nun para naman pumirmi!

Habang naglalakad ako ay may humawak sa balikat ko kaya nilingon ko iyon at sa hindi inaasahang pangyayari  ay sinugatan ako nito sa tiyan ko at tinakpan ng panyo ang ilong ko.

And everything went black.

______

Nagising nalang ako sa madilim na silid at nararamdaman kong nakatali ang kamay at paa ko.

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pintuan at binuksan nito ang ilaw, nakaramdam na agad ako ng galit ng makita ko kung sino siya.

"Sinasabi ko na hindi ka talaga dapat pagkatiwalaan!" Inis kong sabi.

"Chill phoebe! Wala naman akong gagawing masama sayo e kung mag sasabi ka ng totoo sa itatanong ko sayo"  aniya.

"Wag ka ng madaming satsat! Sabihin mo na kung ano ang itatanong mo!" Usal ko.

"Osige! Tutal nagmamadali ka e! Asan si feiya?!" Aniya.

"Aba malay ko? Mukha ba akong loss and found!?" Usal ko.

"C'mon! Sabihin mo na, nahihiya ka pa e!" Ani keeyanah.

"Mapilit ka rin e no? Sinabi ko ng hindi ko alam e!" Inis na sabi ko.

Isang sampal ang iginanti nito saakin.

"Mag sabi ka ng totoo!" Aniya.

"Sabi ng hindi ko alam! Bakit hindi mo kaya hanapin!?" Anas ko.

Kita ko sa itsura niya ang pagkainis sakin.

"Pahirapan niyo ang babaeng yan! Hanggang sa umamin siya!" Ani niya at lumabas na ng silid. Hinampas naman ako ng tauhan niya sa likod.

To be continued...

Annyeonghaseyo yeorobun! Sana ay nagustuhan niyo ang chapter na ito! Wag ninyong kalimutang mag vote at comment kung nagustuhan ninyo!

ENJOY READING!📖

GOMAWO! SARANGHAE!❤💞💕

GANG WAR : "DEATH RITH ACADEMY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon