Sa malaking silid, lahat ng kapitan nakaupo sa harap ng mahabang mesa. Lahat nakatuon ang tingin sa taong nasa trono, ang Pirate King. Suot niya ang pulang roba na may disenyong gawa sa ginto at ang kumikinang niyang korona. Walang emosyon niyang nilibot ang tingin sa lahat ng kapitan na inimbitahan niya para sa isang pribadong pagpupulong habang hawak ang tabako.
Imbes na kabahan ang lahat ng pirata na nasa loob ay makikita ang mga ngiti nila at halatang sabik na sabik sa balitang sasabihin ng Pirate King. May nakalatag na mga pagkain at inumin sa mesa at hindi mawawala ang serbesa.
"Panahon na," bigla niyang anunsyo at nilagok ang isang baso ng alak.
Mas lalong lumaki ang kanilang mga ngiti.
"Dapat ko na siyang kunin."
"Sigurado po ba kayo? Paano nalang ang Mainland?" tanong ng kaisa-isang babae na kapitan. Lahat napatingin ng masama sa direksyon niya.
"Dapat akong magmadali bago nila ako maunahan." Malalim siyang bumuntonghininga bago humithit naman sa tabako na hawak.
"Ano po ang nais niyong gawin namin?"
"May aatasan ako, isa sa inyo ang siyang kukuha sa kaniya. Dapat natin siyang makuha bago pa man kumilos ang Mainland."
Nagkaroon ng bulungan at lahat nais na gustong maatasan sa misyon. Ang kanilang ngiti ay naglaho at pinakiramdaman ang isa't-isa. Ang mapipili ay napakalaking karangalan at makakakuha ng malaking bayad.
"Ayaw kong mawala siya sa'kin, hindi ko kakayanin." Naging malambot ang tingin ng lahat sa kanilang pinuno.
"Sino po sa'min?"
Nilibot ng Pirate King ang tingin sa bawat piratang kasama niya. Binusisi niya ang bawat isa hanggang dumapo ang kaniyang tingin sa lalakeng tahimik lang na nakaupo sa gilid habang nilalaro ang compass na hawak.
"Siya." Walang pagdadalawang-isip na tinuro ang lalake.
Lahat napalingon at dismayado sa desisyon ng kanilang Hari.
"Per-"
Aangal pa sana ngunit pinigilan sila mismo ng Pirate King. "Hindi na magbabago ang desisyon ko."
Lahat napatitig sa lalake.
"Payag ka ba sa nais ko?"
Lumingon siya nang marinig ang tanong ng pinuno. Mahina siyang tumango at walang paalam na umalis. Hindi man lang yumuko bago lumisan.
"King, tama po ba ang taong pinili niyo? Napakalamig niya at maaaring hindi niya tratuhin ng maayos."
"Malaki ang tiwala ko sa kaniya, dadalhin niya siya rito ng ligtas."
Lahat napayuko sa sinabi ng kanilang Hari, walang ni isang nagtangka pang-umangal. Kilalang-kilala nila ang Pirate King, sa oras na gumawa siya ng desisyon hindi ito marunong bumawi o umurong.
"Nasasabik na akong makasama siya, makasama nating lahat."
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
November 2019
![](https://img.wattpad.com/cover/178342061-288-k444838.jpg)
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...