Part 1

1.8K 37 0
                                    

"CRYSTAL, hindi natin kailangan magmadali. Hindi aalis ang Changi Airport sa puwesto niya."

Napabuntong-hininga na lamang siya habang pinagmamasdan ang mag-asawang Moratalla na parang hindi kayang maintindihan ang excitement na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. In three more hours, she would finally be with the most important person in her life now.

"Kailangang nandoon na ako bago bumaba ang eroplano ni Theo," aniya sabay hablot sa shoulder bag niyang nakapatong sa kanyang sofa. "Sabi niyo sasamahan niyo akong sunduin siya pero parang hindi kayo excited makita siya."

"Of course, I'm so excited," bawi ni Rodlyn sabay hawak sa kanyang kamay. "Pero kumalma ka. Natataranta ka."

Bumuga siya ng malalim na paghinga. Pigil niya ang halam na luha na bumagsak sa kanyang pisngi. "Gustong-gusto ko nang makita si Theo. Excited na akong makasama siya. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na makakasama ko na siya dito sa Singapore matapos ang pitong taon."

"Alam ko," ani Rodlyn na may ngiti sa labi. "Even me, I'm too excited to see that big guy."

She smiled. Rodlyn knows how important and how much she loves Theo. And finally, makakasama na niya ito. Hindi na nila kailangang magkahiwalay pa ulit ng mahabang panahon.

"Let's go? Bago pa kayo mag-iyakan d'yan?"

Sinamaan niya ng tingin ang asawa ng kanyang pinsan. Kahit kailan talaga, panira ng moment niya si Xaniel.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita na lamang niyang tinatahak na nila ang Pan Island Expressway patungo sa Changi Airport.

"Finally, na-approved ang visa ni Theo para dito mag-aral. Natutuwa ako na magkakasama na kayo," komento ni Rodlyn. Nilingon siya nito habang nakasakay ito sa passenger's seat habang si Xaniel ang driver at siya naman ay sa backseat pumwesto.

Tumango-tango naman siya sa sinabi nito. "Onga. Matagal rin naming hinintay ito ni Nanay. Ilang buwan rin ang hihintayin namin para sa resulta ng visa naman ni Nanay para siya naman ang sumunod sa amin dito."

"Excited na rin ako makita si Tita Cris," masayang pahayag ni Rodlyn. Samantalang ang asawa naman nito ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang magpinsan.

Isang oras pa ang hihintayin nila bago ang estimated time arrival ng eroplanong sinakyan ni Theo kaya nagmiryenda muna sila sa malapit na cafè na nakita nila. Si Xaniel ang umorder ng kanilang pagkain na abala sa pagpila sa counter.

"Halatang excited ka na talaga. Kanina pa pabalik-balik ang tingin mo sa monitor," nakangiting saad ni Rodlyn na umagaw ng atensyon niya.

She smiled. "Ganito pala ang pakiramdam kapag gustong-gusto mo nang makita ang taong halos hindi mo nakita ng matagal na panahon. Excited na akong asikasuhin tuwing umaga si Theo. Excited na akong paghandaan siya. Excited na akong makita at masaksihan ang paglaki niya. Pitong taon ko rin siyang hindi nakita ng personal. Nakikita ko man siya sa video calls namin iba pa rin 'yung nasasaksihan mo ang paglaki ng sarili mong anak. Malaki ang utang na loob ko kay Nanay. Kaya gusto ko rin siyang mapapunta dito. Sisiguraduhin kong maa-approved rin ang visa niya para mag-stay siya dito kasama namin ni Theo."

"Excited na rin ako makita si Tita. Gusto ko na rin siyang mayakap. At gusto kong makilala niya si Xaniel. Kayo na lang ni Tita ang nagbantay at gumabay sa akin noong mamatay sila Papa at Mama. Kaya si Tita na ang naging pangalawang Nanay ko kaya bilang isang anak gusto kong makilala niya ang naging asawa ko," ani Rodlyn.

Ngumiti siya rito. "Matutuwa si Nanay makita si Xaniel. Panigurado tatadtarin niya si Xaniel ng mga paalala."

"Naririnig ko na nga ang boses niya, ah."

Sabay silang tumawa nang biglang dumating si Xaniel dala ang pagkain nila.

"Parang tuwang-tuwa kayong pag-usapan ako, ah. Narinig ko pangalan ko," komento ni Xaniel nang maupo na ito katabi ni Rodlyn.

"Wala," aniya. "Kumain na tayo at gusto ko nang abangan si Theo sa arrival."

Halos minuto lang ang lumipas nang tapusin ni Crystal ang pagkain niya. Nagmamadali at halos takbuhin niya ang arrival. Ilang minuto na lang ang hihintayin nila bago lumapag ang eroplano kung saan sakay si Theo. And when the monitor says that the flight KM1234 arrived already, her heart almost skipped a beat. Napalingon pa siya sa mag-asawang kasama niya at kita niya rin ang excitement sa mga mukha nito.

Pinipigilan niya ang mga pagkakahalam ng kanyang mga mata. Pero parang ganoon talaga ang pakiramdam na sa wakas makikita na niya at makakasama na ang kanyang anak.

"Mommy!"

At halos nag-unahan ang mga luha niya nang muli niyang narinig ang maliit na boses na iyon. Ang boses na sa video call niya lang naririnig noon, pero ngayon ay naririnig na niya habang nasa kanyang harapan ang may-ari. Halos lumuhod siya upang salubungin ang mainit na yakap na sinalubong sa kanya ni Theo. And when she felt Theo's embrace, she felt contented and happy to be with him now. Binigay niya ng mas dobleng higpit ang yakap sa kanyang anak. Nag-uumapaw ang sayang nararamdaman niya ngayong kasama na niya ang kanyang anak.

"Good morning, Ma'am," bati ng isa sa dalawang flight attendant na kasama kanina ng kanyang anak. "Kailangan niyo pong pirmahan itong waver na katunayang nahatid po namin sa inyo ang inyong anak ng maayos at ligtas."

Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at tumayo. Hawak niya sa kaliwang kamay ang anak saka kinuha ang ballpen na hawak ng flight attendant saka pinirmahan ng waver na hawak nito.

"Maraming salamat," aniya sa mga guide ni Theo.

Tumango ang mga ito sa kanila. "Welcome, Ma'am. Happy to serve you. Mauna na po kami."

Sinundan niya ng tingin ng mga flight attendant na nagbantay sa kanyang anak habang nasa biyahe.

"Hello, big guy!" Narinig niyang bati ni Rodlyn sa kanyang anak.

"Ninang Rod!" tawag naman ni Theo sa huli. "Na-miss po kita!"

"Aw! Ako rin! Sa wakas makakasama mo na ang Mommy mo," ani Rodlyn sa bata.

Nakita naman niyang ginulo ni Xaniel abg buhok ni Theo.

"Hello po," bati ni Theo kay Xaniel.

"Hello, big boy. I'm Tito Xaniel. Your Ninang Rod's husband," pakilala ni Xaniel sa bata.

Kitang-kita naman niya ang pamimilog ng mga mata ni Theo sa sinabi ni Xaniel na kinatawa nila.

"May asawa ka na, Ninang?" tanong ni Theo. "Hindi ako naging ringbearer?"

Nginusuan ni Rodlyn si Theo. "Sorry. Next time, kukunin na kitang ringbearer."

"Papakasal ulit kayo ni Tito Xaniel?" manghang tanong ni Theo.

Natawa naman siya sa tanong ng anak. "Mamaya na iyan. Umuwi na tayo. Panigurado pagod ang baby boy ko. Napagod ka ba sa biyahe?" Kinarga niya ang anak. Kahit na medyo malaki na ito ay hindi niya iyon ramdam sa sobrang excitement na makita ang anak.

Umiling-iling si Theo. "Hindi po. Natulog po ako sa biyahe tapos po minsan ginigising nila ako para kumain."

Tumango-tango siya. Bakas naman ang tuwa sa mga mukha nila dahil sa sobrang daming kuwento ng kanyang anak simula nang magcheck in ito sa Ninoy International Airport hanggang sa makababa ito sa Changi Airport. Hindi nila namalayang nakarating na sila sa sasakyan nila. At mukhang napagod nga ang bata dahil nakatulog ito sa biyahe.

Samantalang siya ay hindi man lang dinapuan ng hikab. Dahil ang puso niya'y nagagalak na ngayon ay yakap na niya ang anak.

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon