TINANGGAP ni Crystal ang pakikipagkamay ng principal ng Bright Bridges International School. Maging si Thyro ay kinamayan nito habang hawak nito sa kaliwang kamay ang kanilang anak na si Theo.
"I am so glad that you choose Bright Bridges International School for your son, Mr. and Mrs. Pacalla," nagagalak na saad ng principal.
Ngumiti na lamang siya sa tinawag nito sa kanilang dalawa ni Thyro.
"Thank you," Thyro said. "We are glad to choose your school as you serve quality education."
"I am so happy to hear that from you, Mr. Pacalla," masayang saad ulit ng principal. "By the way, you can now update the list of allowed persons who could fetch your son after school. We understand that sometimes, parents are not able to fetch them for some reasons. That's why we are asking the parents for possible persons that they could allow to fetch their children aside from them."
Napatingin naman siya kay Thyro. Hindi niya alam kung para saan ang tingin niyang iyon pero alam niyang naintindihan nito ang ibig sabihin niyon. She's actually asking him to do the update.
"You can write here, parents, the names of persons that you will allow to fetch your son. They can be your relatives. Parents, sisters, brothers or even friends," the principal said.
Kinuha niya ang inabot nitong papel at napatingin kay Thyro. She was asking the names he wants to include from the list.
"Just don't include Mhike."
Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. Ramdam nia talagang nagseselos pa rin ito sa pagiging close ni Theo at Mhike. Napailing-iling na lamang siya. "Si Rodlyn na lang ang ilalagay ko. Gusto mo ba ilagay ko si Thalia?"
Tumango-tango si Thyro. Matapos niyang maisulat ang dalawang pangalan na iyon ay nagpaalam na sila sa principal at dumiretso sa parking lot ng school. Agad naman siyang sumakay sa passenger's seat saka inabot sa kanya ni Thyro si Theo. Umikot naman ito upamg sumakay sa driver's seat.
"Babalik ka na ba sa trabaho?" tanong niya kay Thyro nang nasa gitna na sila ng biyahe. Hinimas-himas naman niya ang buhok ni Theo na tahimik lang na nakaupo sa kandungan niya.
Umiling-iling si Thyro. "Hindi. Naka-off ako."
Hindi naman siya makapaniwalang napatingin sa lalaki. "Nag-o-off rin pala ang presidente ng kumpanya?"
"Tatakbo ang kumpanya kahit wala ako."
Napatango-tango siya. "Sabagay, nandoon rin naman si Thalia."
"Nasa Japan si Thalia."
Nagulat naman siya sa sinabi nito. "Japan? Anong ginagawa niya dun?"
Hindi sumagot si Thyro at inabala na lamang nito ang sarili sa pagmamaneho. Hindi na naman niya ito kinulit. Nakipagharutan na lamang siya kay Theo na nakayakap sa kanya.
Inihinto naman ni Thyro ang sasakyan sa tapat ng Xaniels Restaurant. Kahit nagulat sa biglang paghinto nito ay napasunod na lamang siya nang bumaba ito ng sasakyan akay-akay niya si Theo. Inabot naman ni Thyro ang kamay ng kanilang anak na agad sumama dito.
Napanguso naman siya nang halos iwan siya ng mag-ama na nauna nang pumasok sa loob ng restaurant. Masama ang kanyang tingin nang sundan niya ang mga ito na naupo sa bakanteng table set malapit sa glasswall ng restaurant.
"Ayaw mong tumabi kay Mommy, Theo?" tanong niya sa anak na nakaupo na sa kandungan ni Thyro.
"Kay Daddy muna ako tabi, Mommy," sagot ni Theo.
Narinig niya ang ipit na tawa ni Thyro. Sinamaan naman niya ito ng tingin. Wala na siyang nagawa kundi panoorin ang mag-ama na masayang nagkukuwentuhan. Hindi naman niya maitatanggi ang tuwang nararamdaman ngayong nasasaksihan niya ang dalawang lalaki sa buhay niya na masayang nag-uusap.
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
عاطفية3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019