He was expecting an elegant, sophisticated and glamorous restaurant but this fair young woman brought him in a sidewalk with a lots of foodcarts with different species, ay, he means 'he doesn't know what are those foods', that vendors are selling.
"Sigurado ka ba dito?" bulong niya sa babae.
But the woman is already busy picking up those orange-colored balls. Mukhang wala na rin itong balak na pansinin siya dahil halos hindi ito mapigil sa pagsubo ng mga maliliit na pagkain sa mainit at malaking kawali ng tindero.
"We can eat in a restaurant," paanyaya niya ulit dito pero wala pa ring epekto. Mukhang nasa ibang mundo na ang babae at hindi na siya nakikita.
"Try mo kaya. Masarap naman. Arte ne'to. Ayoko sa restaurant. Hindi ko nakikita pano nila niluluto ang mga pagkain," aniya ng babae matapos makasubo nb ilang pirasong kwek-kwek.
Kinunotan naman niya ito ng noo. "And this is what you mean of a clean food?" Pinandilatan niya ang babae at sinigurado naman niya na ito lang ang makakarinig ng sinabi niya.
"Nakikita ko kung paano niluluto ito ni kuyang tindero. Bakit ba? Malinis naman ang foodcart ni kuya," pinandilatan naman siya nito pabalik.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Lagi nga palang may palusot ang babaeng ito sa kanya.
"Bilisan mo. Mamaya makita tayo nung tatlong lalaki dito. Public place ito," pagmamadali niya dito.
"Chilax, ayan lang police station, oh," anito sabay turo sa bandang likuran nila.
"Even the police couldn't do anything it they get me, okay? Kaya bilisan mo na d'yan."
"Bayaran mo na."
"Ano?"
"Sabi mo ililibre mo ko? Bayaran mo na. Fifty pesos."
Halos mapailing-iling siya sa pag-uutos ng babae sa kanya. Agad niyang kinuha ang kanyang wallet sa bulsa at humugot doon ng isangdaan at inabot sa tindero.
"Keep the change," aniya sabay hila sa pulsuhan ng babae at mabilis na naglakad palayo sa sidewalk.
"Saan tayo pupunta?"
Napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa babae. And he got mesmerized of what he just realized this time. The woman was wearing a silk pink cocktail dress and a three-inch heels. Her hair was long that it could already reach her waist.
"Ikaw?" balik niya dito. "Saan ka ba dapat pupunta? Para kang a-attend ng party."
"Umattend nga ako ng party, duh?" maarteng saad nito. "Ulyanin ka na? Kasasabi ko lang kanina."
Gusto niyang ihilamos ang mga palad sa mukha pero pinigilan niyang mapakita ang inis dito. "Umuwi ka na." Napatingin siya sa kanyang relo. "It's already ten in the evening."
Napanguso naman ang babae sa kanya. "Sige, umuwi ka na. Maggagala na lang muna ako. Buhay naman ang Makati sa gabi. Ingat ka. Baka makita ka ulit nila. Bye!"
"Teka lang!" Hindi niya akalain na tatalikuran siya ng ganoon lang ng babae. And she doesn't obey his words! Damn it! She will really do what she wanted.
Napalingon naman pabalik sa kanya ang babae na halos ilang metro na ang layo sa kanya. "Bakit?"
Halos malalaki ang hakbang niya palapit dito. "Wala ka bang balak umuwi? Delikado para sa'yo kung magpapagala-gala ka sa gabi lalo na't babae ka pa."
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019