"BAKIT kaya may isang ngingiti-ngiti dito sa tabi?"
Tumikhim at pilit pinapakalma ni Crystal ang kanina pa kumakabog na dibdib nang tumabi sa kanya si Katrina. Dama niya ang panunukso nito sa kanya at ang pasimpleng pagkiliti nito sa kanyang tagiliran.
"Tumigil ka na nga, Katrina," pigil niya dito. "Kanina mo pa ko tinutukso."
Nagpamewang naman ito sa harapan niya. "Excuse me? 'Di ba dapat nasa opisina kita at ginagawa ang trabaho mo?"
Pinanlakihan naman niya ng mga mata ang kaibigan. "Grabe ka, Katrina. Ngayon lang!" aniya dito sa mahinang boses.
Isang pilyong ngiti naman ang binalik nito sa kanya. "Pasalamat ka asawa mo ang pinakaimportanteng kliyente natin ngayon."
At isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatuon ang tingin sa gitna ang creative studio ng DBS. Thyro was in the middle and currently having a photoshoot for the magazine cover. Abalang-abala ang buong Creative Department para asikasuhin si Thyro. Halos nagkalat ang kagamitan ng deprlartamento para sa pagkuha ng mga larawan. And indeed, her husband is so handsome in every single angle. Hindi na kailangan pang i-edit. Perfect!
Bigla namang hinanap ng kanyang mga mata ang maliit na version ng asawa.
"Nasaan si Theo? Bakit nga pala pati si Theo ay kasama sa photoshoot na ito?" takang tanong niya sa katabing si Katrina.
Kibit-balikat lamang ang sagot nito sa kanya. "Ayaw mo ba? Malay mo, ma-discover ang anak niyo."
"Baliw," aniya dito. "Pitong taon palang si Theo. Nag-uumpisa palang mag-aral iyon."
"Ano naman? May mga bata ngayon na sa murang edad nakikilala na sa iba't ibang larangan. Malay mo, maging sikat na model ang anak mo."
"Tingnan ko kang kung pumayag si Thyro."
"Bakit parang nakasalalay na kay Thyro ang desisyon mo?"
She looked at Katrina with mischievous smile on her friend's face. "Nand'yan na naman 'yang ngiti mong may kahulugan."
"Bakit nga ba?" anito sabay sundotbsa tagiliran niya.
"Wala!"
"Mukhang nagkakaayos na kayo, ah?"
Hindi nakatakas sa paningin ni Katrina ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Ay sus! Alam ko na 'yang mga ngiting ganyan!" ani Katrina.
Bigla naman niyang tinakpan ang bibug nito. "May makarinig sa'yo! Ang lakas ng boses mo!" mahinang saad niya dito.
Tinabig naman nito ang kanyang kamay. "Hoy, Crystal Galorio Pacalla! Umayos ka! So, ano nga? Okay na kayo?"
"Oo na! Sige na! Okay na kami, okay? Okay ka na?" Hindi na niya nagawa pang itanggi dahil kilala niya ang kaibigan na mas lalo nitong igigiit sa kanya ang gustong malaman.
"Oo, okay na! Paulit-ulit ka!" ani Katrina.
Pinanlakihan niya ng mga mata ang kaibigan. Mabuti na lamang ay medyo malayo sila sa pinagdarausan ng photoshoot at silang dalawa lang ang nakakarinig sa isa't isa.
"Kaya naman pala nagpa-last minute meeting ang asawa mo."
Saglit siyang napatitig sa kaibigan. "Oh, nga pala. Bakit hindi mo ko sinama sa meeting niyo kanina bago mag-umpisa ang photoshoot?"
Iniwasiwas ni Katrina ang kamay sa kanyang harapan. "Hindi puwede malaman."
"Aba, pati ako bawal?"
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019