Part 6

1K 39 0
                                    

"ARE you okay?"

Alam ni Crystal na nahalata ng mga kasama niya ang pagiging balisa niya sa buong conference meeting kanina. Lutang ang kanyang isip hanggang sa makapasok siya ng opisina ni Katrina. Mabuti na lamang ay wala pa ang kanyang kaibigan sa loob. Gulat na napalingon naman siya sa pinto nang marinig niya ang boses ni Rodlyn.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Umiling-iling siya sa pinsan. "Palpak. Alam kong galit sa akin si Katrina. Medyo nauutal ako kanina. Nakalimutan ko lahat ng naisip kong paraan para mapamangha ang client nila."

Lumapit sa kanya si Rodlyn at niyakap siya. "You did your best. I know." Bumitaw ito at tumingin sa kanyang mg mata. "Tama na 'yan. Halatang natataranta ka pa rin."

"Rod," tawag niya dito. "Hindi niya ako nakikilala? Buong meeting, wala akong nakitang emosyon sa mukha niya. Parang ngayon niya lang ako nakita. Parang hindi na niya ako natatandaan. Bakit ganun?"

"Umaasa ka ba na makikilala ka niya?"

"Rod," may lungkot sa boses niya. "Iniisip ko si Theo. Kung hindi na niya ako nakikilala, may chance na hindi niya rin kilalanin si Theo." Pilit niyang pinipigilan ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. "Paano si Theo? Paano ang anak namin?"

"Tama na 'yan. Puwede iyang pag-isipan sa mga susunod na araw. Hindi ka makakapag-isip ng maayos ngayong natataranta ka. Hindi pa naman tayo sigurado kung hindi ka talaga niya nakikilala," pang-aalo sa kanya ni Rodlyn. "Alam ko na magpapagaan ng loob mo," nakangiting saad naman nito. "Tapos na naman ang meeting niyo. Baka nakaalis na iyon. Gusto mo bang sunduin ko muna si Theo? Sinilip ko siya sa kid's playroom. Iniwan ata roon ni Mhike bago mag-umpisa ang meeting niyo."

Pakiramdam niya ay lumuwag ang paghinga niya nang marinig niya ang pangalan ng anak. "Sige, Rod. Salamat."

"Wait for your little happiness. Susunduin ko lang si Theo." Agad na tumalikod si Rodlyn at lumabas ng opisina.

At kesa isipin ang nangyaring kapalpakan kanina, mas tinuunan niya ng pansin ang mga mas importanteng report na kailangan niyang matapos. Agad siyang lumapit sa filing cabinet at kinuha doon ang ilang makakapal na folders. Pinatong niya iyon sa mesa ni Katrina at inisa-isa ang mga laman niyon.

She was in the middle of scanning the papers in those thick folders when she heard the door opened.

"Ang bilis mo naman makabalik, Rod---." And she was not able to finish what she was trying to say when she turned around and met those pair of ash-gray eyes, not owned by her son, but owned by the man that Theo inherited from.

Thyro looked around the whole Katrina's office like he was looking for something. And that makes her heart beats faster.

"M-Mr. P-Pacalla?" Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang pagkakautal niya sa harapan nito. At ang kabang naramdaman kanina ay bumalik ng mas doble. "M-May kailangan po ba kayo? H-Hindi pa bumabalik si Mrs. Saavedra. B-Baka po nasa opisina pa ni Mr. Saavedra."

And when Thyro turned back his eyes on her, her soul suddenly leave her own body.

"Hindi naman siya ang hinahanap ko."

Even his voice got even deeper from the very first and last time she heard it eight years ago.

"A-Ano po bang kailangan niyo sa opisina ni Mrs. Saavedra? M-May nakalimutan po ba kayo?" Pilit niyang pinapanormal ang nagiging usapan nilang dalawa. At hanggat maaari ay pinapakalma na niya ang mga daga sa kanyang dibdib.

"Oo," sagot ni Thyro. The way he looked at her, she felt something worth more pain would eventually come out from his mouth. "May nakalimutan akong sabihin."

"A-Ano po?" aniya. Hindi naman niya naiwasang mapalunok sa kakaibang titig na binibigay nito sa kanya. Titig na may halong galit.

"I want an annulment."

Ang kabang kanina pa nagwawala sa kanyang dibdib ay unti-unting kumalat at bumalot sa kanyang pagkatao, nakarating sa kanyang mga kamay na nagmanhid at ang mga hawak na folder ay bumagsak sa sahig at ang mga papel na laman niyon ay kumalat sa kanilang paligid.

And one thing she realized that moment.

Thyro knows her. Very well.

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon