Part 22

1K 34 0
                                    

"HINDI ka naman siguro lumagpas sa dapat mo lang sabihin kay Crystal?"

Seeing his cousin talking to his wife makes his heart beat a little bit faster upon opening the main door. Mabilis niyang hinila ang braso ni Aldrin at dinala ito sa kanyang opisina. And what makes him more irritated when his bastard cousin laughed at him upon closing the office door.

Aldrin wiped his tears due to too much laughter. "Don't worry, man. I think I haven't yet reach the limit." Umakto pa itong sinasara ng zipper ang mga labi.

Sinamaan niya ng tingin ang pinsan. "Siguraduhin mo lang kundi mawawala sa iyo ang gustong-gusto mong makuha sa akin."

Aldrin walked towards him. Hinampas-hampas pa nito ang kanyang balikat. "Well, my cousin, eight years ago, you already gave up on it. And it's already on the way to me. Thanks to you."

Inalis niya ang kamay nito sa kanyang balikat saka dumiretso sa kanyang swivel chair. "Anong balita?"

Preteng umupo naman si Aldrin sa visitor's chair ng kanyang opisina. "Malamang, pinapahanap ka pa rin ni Auntie."

Hinilot-hilot niya ang kanyang sentido. Mukhang sasakit na naman ang ulo niya sa mga walanghiyang lalaki na gustong-gusto siyang dukutin.

"Tatlong bansa lang naman ang alam nilang puwede mong pagtaguan. Kung kamuntikan ka na nilang makuha noong nasa Pilipinas ka, malamang sa malamang, sunod nilang susugurin itong Singapore. That's why if I were you, mag-iingat na ako. Ngayon pa na bumalik na si Crystal." Aldrin leaned towards his table. "At mas lalo na ngayon na may Theo sa buhay mo. Mas lalong manggigigil si Auntie na makuha ka at ang anak mo kapag nalaman niyang lalaki ang anak mo."

Naikuyom niya ang mga kamao na nasa ibabaw ng kanyang table. "Mom wouldn't get any chance to get my son. Hindi ko hahayaang idamay niya ang anak ko sa pansarili niyang kagustuhan."

Hinilot-hilot ni Aldrin ang noo saka sumandal sa headrest ng upuan. "Bakit ba kasi una kang pinanganak sa akin? Bagal kasi nila Mama at Papa."

He smirked. "Bakit ba kasi hindi ka nga talaga nauna para hindi ako namomroblema ng ganito? Ikaw itong willing to do it pero ako itong pilit ginugulo ng mga iyon."

"Family hierarchy sucks. Hindi ba talaga puwedeng kung sino na lang ang may gusto?" Umupo ng maayos si Aldrin saka tumingin sa kanya. "By the way, itutuloy mo ba talaga 'yung annulment? Kasi nabanggit ko siya kay Crystal kanina."

Halos mabato niya lahat ng nakapatong sa kanyang table sa walanghiya niyang pinsan!

"Akala ko ba hindi ka lumagpas sa limit mo kung ano lang puwede mong sabihin sa kanya?!" bulyaw niya dito.

Napailag naman sa kanyang binatong folder si Aldrin. "Akala ko puwede iyon sabihin."

Napahilamos siya sa kanyang mukha. "Paano ako bibitaw para maibigay ko iyon sa iyo kung mawawalan naman ako ng dahilan para bitawan iyon?!"

Iwinasiwas ni Aldrin ang mga daliri. "As if itutuloy mo talaga iyon, no? Kilala kita. If you fall in love, hard and deep. Iyong tipong hindi ka na makakabangon. Ganoon ka in love sa Crystal na iyon na hindi ka papayag na ma-annul ang kasal niyo."

Napabuntong-hininga siya ng malalim sa pang-aalong sinabi ni Aldrin. "Kapag talaga inisip ni Crystal na itutulog ko ang annulment, ipapapatay kita."

Aldrin smirked. "Kapat pinapatay mo ko, wala ka ng magaling na abogado para ipaglaban ka sa korte."

Napailing-iling na lamang siya sa lakas ng hangin sa loob ng kanyang opisina.

Kinuha naman ni Aldrin ang isang ballpen sa ibabaw ng kanyang table at pinaikot-ikot iyon sa hangin. "Tapos na akong agawin ang puwesto mo. Pumayag ka na. Nagkasundo na tayo. Isa na lang ang kulang. I need to find a woman who's willing to enter my new world."

Inayos niya ang mga nagulong papel at folder sa ibabaw ng kanyang table. "Good luck for searching to a woman who's willing to sacrifice and enter your world."

Tinigil ni Aldrin ang pag-ikot sa kamay ng hawak na ballpen. "Willing ba si Crystal na samahan ka sa mundo mo kung sakaling pumayag ka sa gusto ni Auntie?"

Napatigil siya sa tanong na iyon ni Aldrin.

"Nakalimutan ko nga palang tanungin nang gabing iyon kung paano mo siya napapayag na magpakasal sa iyo. Ni kung paano ka nag-propose ay hindi mo pa naikukuwento."

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon