"TODAY is the release date for our July issue for DBS Men."
Nawala ang pokus niya sa ginagawang presentation sa sinabing iyon ni Katrina. Iniangat niya ang mukha sa kaibigan. Hindi niya napansing nakalapit na pala ito sa kanya.
"Talaga?" aniya ngunit walang sigla ang kanyang boses.
"Halatang hindi ka naman excited," napuna naman iyon ni Katrina. Bumalik ito sa mesa nito at may kinuha mula sa drawer niyon. "Halos isang buwan na simula noong umalis si Thyro. Kailan ba siya babalik?"
"Hindi ko alam," sagot niya. "Wala siyang sinabi."
Halos isang buwan na silang naghihintay ni Theo sa pagbabalik ni Thyro. Natuloy nga ito sa pagpunta ng Japan. Kasama nito si Aldrin kaya kampante siyang walang nangyaring masama dito. Mahigpit naman ang pagkakabilin ni Thyro kay Thalia upang bantayan sila. Maging ito ay tumutuloy na rin sa bahay ni Thyro upang matingnan sila. Kahit na ilang beses sinabi ni Thyro na huwag siyang mag-aalala ay hindi niya magawa gayong halos wala silang komunikasyon. Ni hindi niya alam kung ano na ang ginagawa nito. Lagi naman siyang kinakausap ni Thalia at sinasabihang huwag mag-aalala at babalik rin ang kapatid nito. Sa pagkakataong iyon ay ang maniwala na lamang na babalikan sila ni Thyro ang gusto niyang panghawakan.
Thyro wouldn't do the same thing she did to him eight years ago. Naniniwala siyang tumutupad sa pangako ang kanyang asawa. He promised that he would come back. Tatapusin lang nito ang kailangang tapusin sa Japan.
"Kumain ka na nga muna. Bigla ka na lang natutulala d'yan."
But when Katrina put a plate with some fish dish on her table, her stomach groaned and her nose itched on its smell.
"My god, Katrina!" hiyaw niya dito. "Ano ba namang pagkain 'yan! Ang baho!" Pakiramdam niya ay isusuka niya ang lahat ng inalmusal niya kanina sa amoy na nalanghap ng kanyang ilong. And it's too strong that it could make her stand and walk towards the comfort room. Doon ay naduwal siya at pilit nilalabas ang pakiramdam na anumang oras ay isusuka niya ang lahat ng kinain ngunit tanging laway lamang ang kanyang isinuka sa kabila ng pag-aalburoto ng kanyang tiyan.
"Fish fillet sandwich lang 'yung binigay ko, Crystal. Ang OA ng reaction mo, ah."
"Ang baho kaya!" angal niya sabay pahid sa gilid ng labi. "Saan mo ba nakuha 'yan?"
But she got no answer from Katrina but instead she gave her a very intent look.
"Bakit?" takang tanong niya dito. Hindi niya gusto ang klase ng pagkakatitig nito sa kanya na para bang sinusuri ang buo niyang pagkatao.
"Sabihin mo sa akin ang totoo, Crystal." Katrina was not begging but commanding her. "Kailan ang huling dalaw mo?"
"Noong isang buwan----." Ngunit hindi na niya natapos ang sasabihin nang may ma-realize sa tanong ni Katrina. And in that realization, she immediately cupped her mouth with her palm. Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa huli.
"Well, mukhang alam ko na ang sagot kung bakit ka nagkakaganyan," agad na saad ni Katrina. "Hanep, sinabayan mo talaga ako?" Napalitan ang mapanuring tingin ni Katrina ng isang matamis na ngiti. "And now, I want a double baby shower!"
"Oh, my god, Katrina!" tangi niyang naihiyaw.
"Kuya na si Theo!"
And with Katrina's words, her world went upside down. Basta ang huli niyang narinig ay ang pagtawag ni Katrina sa pangalan niya bago siya mawalan ng malay sa banyo.
AGAD na nasapo ni Crystal ang ulo sa sakit na naramdaman. Pakiramdam niya ay nabagok siya at ganoon na lamang ang sakit na kanyang nararamdaman. Nang iminulat naman niya ang mg mata ay natagpuan niya ang sarili sa isang kuwarto habang nakahiga sa isang malambot na kama. She knew that room. It was the room in Katrina's office. Habang bumabangon ay biglang bumalik sa kanyang balintataw ang huling nangyari bago niya natagpuan ang sarili sa kuwartong iyon.
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019