SI Thyro ang nagda-drive ng kanyang sasakyan at naka-convoy sa kanila si Aldrin na siyang nagda-drive ng kotse ng una. Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi habang nakatitig sa magkasaklob niyang mga kamao. She was still speechless for what had happened earlier. But what makes her more speechless when the memory of that night finally came back. From the very start when she found Thyro being cornered by those three Japanese goons until he proposed to her but at the end, she rejected him.
"Bakit ang tahimik mo? Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?"
Taranta namang napalingon siya kay Thyro at mabilis na umiling-iling. "H-Hindi! H-Hindi naman nila ako nasaktan."
While looking at him, she realized something. Those goons who cornered her in the Pan Island Expressway are the same goons she saw when they cornered Thyro eight years ago in the lonely-dark street of Makati.
"B-Bakit hanggang ngayon hinahabol ka pa rin nila?"
And there, she found how shocked Thyro was upon hearing her question. Bigla nitong naipreno ang sasakyan at gulat na napatitig sa kanya. Bumuka ang bibig nito ngunit walang anumang salita na lumabas mula roon.
She saw how Thyro gulped in nervous.
"N-Naaalala mo na?"
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari habang nakikita kitang sinusugod 'yung dalawang lalaki kanina."
Saglit na natulala sa kanya si Thyro bago ulit ito nakapagsalita. "H-Hanggang saan?"
Hindi niya naintindihan ang tanong nito kaya napatitig siya sa mukha nito. "Anong ibig mong sabihin?"
"Hanggang saan ang naaalala mo?"
Bigla siyang napaisip sa tanong nito. Nakaramdam naman siya ng pag-aalala. Hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin iyon.
"Hanggang saan ang naaalala mo, Crystal?" ulit ni Thyro.
Kitang-kita naman niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela na mas lalong kinabahala niya. "N-Noong n-ni-reject ko ang offer mong k-kasal."
"Those bullshits!" inis na saad ni Thyro sabay hampas sa manibela.
Bigla namang nagrambulan ang mga daga sa dibdib niya sa nakikitang galit sa mukha ni Thyro. And that was the first time she saw how angry Thyro might be. It was more than what she saw when they were in Katrina's office.
Magtatanong pa sana siya nang bigla na lang pinaandar ni Thyro ang sasakyan. Abot-langit naman ang dasal niya sa mabilis na pagpapatakbo ni Thyro sa kotse. Halos paliparin nito ang sasakyan hanggang sa makarating sa bahay.
"Bakit ang tagal niyo? Nauna pa ko," bungad sa kanila ni Aldrin pagpasok nila ng bahay ngunit hindi ito pinansin ni Thyro at nagtuloy lang ang huli hanggang sa pangalawa palapag ng bahay. Napatingin naman sa kanya si Aldrin. "Anong nangyari d'un?"
Hindi siya nakasagot. Mukhang naintindihan naman nito ang ginawa niyang pagtungo.
Iiling-iling sa kanya si Aldrin. "This is a problem. Hilingin mong hindi tumawag si Thyro sa Japan."
Naiangat niya bigla ang mukha sa lalaki. "Bakit tatawag si Thyro sa Japan?"
"Dinamay ka na nila. At hindi iyon palalagpasin ni Thyro. Tinakot ka nila. Isang babala iyon sa kanya. And the least thing he would do is to give them a call. Sampung taon ng hindi kumokontak si Thyro sa Japan."
Mas lalong nagulo ang isip niya. Pakiramdam niya ay sasabog ang utak niya kakaisip. At mas lalong nadagdagan iyon dahil alam niyang kahit ilang beses siyang magtanong, hinding-hindi magsasalita si Thyro.
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019