ISANG buntong na hininga ang pinakawalan ni Crystal nang makaupo siya sa kanyang puwesto sa loob ng opisina ni Katrina. Bumukas-sara ang pinto ngunit hindi niya iyon pansin kaya laking gulat niya nang may biglang sumampal sa kanyang pisngi. Halos manlaki ang mga mata niya nang tumambad sa kanya ang nakakunot na noo ni Katrina.
"Kanina pa kita tinatawag," ani Katrina sabay talikod saka bumalik sa puwesto nito. "Lutang ka. Anong nangyari?"
Napailing-iling na lamang siya habang hinihimas ang nasaktan na pisngi. "Wala."
"Wala?" hindi makapaniwalang sambit ni Katrina. "E, parang ang bigat ng dinadala mo. Hindi na maituwid 'yang kunot mong noo."
Napabuntong-hininga na lamang siya saka binaba ang hawak na folder. "Hindi ko na alam ang gagawin ko para maalala ang nangyari, Katrina. I even asked him pero mukhang ayaw niyang magsalita. Ni ayaw niyang magkuwento kung paano kami nauwi sa pagpirma sa marriage contract."
She saw a lopsided smile on Katrina's face. "Baka naman gustong ikaw mismo ang makaalala ng nakaraan."
"How could I do not kung hindi man lang niya ako tutulungan?" inis na tanong niya.
Nagkibit-balikat na lamang si Katrina. "Kumusta naman pala ang pagsasama niyo sa iisang bahay?"
Nawala ang kunot sa kanyang noo. "Okay naman. Natutuwa naman ako at bumabawi siya kay Theo."
"How about being his wife?"
Napatitig siya sa may malisyang ngiti ni Katrina. Napailing-iling na lamang siya sa kaibigan. "Huwag mo umpisahan, Katrina." Alam niyang may pang-asar ang tanong nito.
"What?" painosenteng tanong ni Katrina. "I just want to know how's your adjustment now that your 'husband' is finally back? Gusto ko lang naman kamustahin ang kapwa ko maybahay."
Natawa siya sa sinabi ni Katrina.
"Hindi ko nga alam kung anong tawag sa sitwasyon namin. We are living in a one roof. Pero mukhang dahil lang iyon sa anak namin."
"Siguro naman may ibig sabihin 'yan kay Thyro. Hindi ka niya pipiliting tumira sa bahay niya kung wala siyang nararamdaman para sa iyo. He even waited eight years? Walang ibang naging karelasyon? Hinintay ang pagkikita niyong muli. May ibig sabihin iyon."
Umiling-iling siya. Well, her heart is expecting something like what Katrina said pero ayaw naman niyang umasa masyado baka lalong masaktan ng puso.
"Sira ka talaga. Pinilit lang niya akong tumira sa bahay niya dahil sa anak namin."
Pumalatak si Katrina. "Maniwala ka sa akin. Thyro feels something about you. Hindi maghihintay ng ganoon katagal ang isang lalaki para sa ibang babae kung wala lang."
Maghapon niyang pilit nilalayo sa isip ang sinabing iyon ni Katrina sa kanya. At maghapon rin nagtatatalon ang puso niya sa kaba tuwing sumasagi sa isip niya ang guwapong mukha ni Thyro. And why the hell she's been thinking of him the whole day? And she even questioned herself more why she felt so excited going home? Well, she's living in Thyro's house.
Tinutulungan niya si Ms. Lilia sa paghahanda ng hapunan. Nalaman naman niya mula dito ang ilang hilig na pagkain ni Thyro. Laking pagtataka pa niya kung bakit maraming stock ng fresh fish and meat sa fridge.
"Laging nagawa si Sir Thyro ng sushi. Kapag napagtripan niyang kumain, nangingialam na lamang iyon sa pagluluto ko dito sa kusina," paliwanag ni Ms. Lilia.
And before she could forget, Thyro is a half-blood Japanese. At kung paano niya nalaman? Nishikawa is a Japanese surname, right?
"Alas-otso ang oras ng hapunan. Bago makauwi si Sir Thyro ay dapat nakapagluto na kami," ani Ms. Lilia.
"Tutulong na po ako. Abala pa naman po si Theo sa paggawa ng homework niya. Ayaw naman pong magpatulong at kaya na raw niya. Ipapakita niya raw iyon sa Daddy niya mamaya pag-uwi."
"Manang-mana talaga si Theo sa ama niya. Gusto niyang patunayan lagi na kaya niyang gawin ang isang bagay kahit hindi tumanggap ng tulong ng iba," puna ni Ms. Lilia.
Natawa naman siya sa sinabi ng matanda. "Mukha nga po. May pinagmanahan ang batang iyon."
Kasalukuyan niyang tinitikman ang pinakuluang sabaw ni Ms. Lilia nang marinig nila ang tunog ng pagbukas-sara ng main door. Nagkatinginan pa sila ng matanda sabay tingin naman ng huli sa orasan sa pader.
"Wala pang alas siyete? Nakauwi na agad si Sir Thyro?" pagtataka ni Ms. Lilia.
Kumunot ang noo niya. "Anong oras po ba ang uwi 'nun?"
"Kadalasan ay pasado alas siyete na iyon nakakauwi," sagot ni Ms. Lilia. Nagpunas naman ito ng kamay saka lumabas ng kusina. Nakasunod naman niya rito.
Naunang makarating ng sala si Ms. Lilia. Nang silipin naman niya ang baging dating ay kumunot ang noo niya nang maabutan nila roon ang isang lalaki. Kasing taas ito ni Thyro at mukhang may maipagmamalaki rin ang kasikigan nito pero mas hawak na guwapo ang kanyang asawa kaysa dito.
Crystal?! kutya niya sa sarili.
"Attorney? Napaaga po ata ang pagdating niyo?"
Gulat na napalingon naman siya sa katabing si Ms. Lilia. Kilala pala nito ang kanilang bisita. Binalik naman niya ang tingin sa lalaki ngunit laking gulat niya nang halos makalapit na pala ito sa kanila.
"Well, look who's here?" ani ng lalaki na halos isang metro na lang ang layo sa kanila.
Napakapit naman siya sa braso ni Ms. Lilia nang mahalata niya ang titig nito sa kanyang parang gusto nitong lamunin ng buhay. Napalunok siya at pilit hinahagilap ang lakas ng loob para salubungin ang mga mata nito.
"Bumalik ka na pala talaga? Akalain mo iyon? Eight years?" the man chuckled. "Muli pa rin palang magkukrus ang landas niyo ni Thyro. What a great play of destiny?"
"S-Sino ka?" kabadong tanong niya. Hindi naman niya maanigan kung natutuwa ba ito o naiinis na makita siya.
The man smiled at him. Pero alam niyang may inis sa ngiti nito. And while she was staring at him. Nakita niya ang pagkakahawig nito kay Thyro.
"I'm Aldrin. Nice to meet you again, Crystal. Long time no see. Ilang taon na nga ulit iyon?" May pangungutya sa tanong ng lalaki. Napahawak pa ito sa noo na parang nag-iisip. "Oo nga pala. Eight years na, no? Eight years na noong takasan mo si Thyro on your first day as husband and wife."
Halos manlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Aldrin. Ni hindi niya inaaasahan na alam nito ang nangyari sa kanila ni Thyro eight years ago.
And who's really this man infront of him?! Bakit alam nito ang lahat sa kanila?!
"Siya si Atty. Aldrin Angeles," pakilala ni Ms. Lilia sa kanilang bisita sa kanya. "Pinsan siya ni Sir Thyro."
She looked at him again. Naaalala na niya. That name is the same name written on the letter she received when Thyro filed an annulment!
Magpinsan sila ni Thyro?! And what he's actually doing here? May balak ba taaga si Thyro na ituloy ang annulment?!
No! Sigaw ng kanyang isip.
"I-Ikaw ang personal lawyer ni Thyro?" wala sa sariling tanong niya. "And you are actually his cousin?"
Tumango-tango ang lalaki. "And do you know what makes it more interesting?"
"A-Anong ibig mong sabihin?" kabadong tanong niya sa lalaki.
Aldrin grinned at her with twinkling eyes. "Ako nga rin pala 'yung nag-asikaso ng marriage contract niyo ni Thyro. Na mukhang mag-aasikaso rin ng annulment niyo. "
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019