Part 13

1K 36 0
                                    

MAS pinili ni Crystal na maglakad-lakad muna sa kahabaan ng Esplanade. Ni hindi niya pansin ang maiingay at maliliwanag na ilaw na hatid ng kabi-kabilang kainan sa gilid ng daan. Napukaw naman siya ng tunog ng kanyang cellphone kaya tumigil muna siya at pinagmasdan ang tahimik na tubig ng Marina Bay.

"Crystal! Nasaan ka na ba?! Nakatulog na si Theo kakahintay sa'yo. Akala ko susunduin mo siya dito?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang ibahin ang takbo ng kanyang isip. Tumikhim siya bago sinagot ang nag-aalburoto na niyang pinsan.

"Rod," tawag niya dito. "D'yan na lang muna sa inyo si Theo. Susunduin ko siya bukas ng umaga. Medyo na-late lang kami ng tapos mag-usap ni Thalia. Hindi ko napansin ang oras."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Rodlyn. "Halos tumagal ng apat na oras pag-uusap niyo? Alas diyes na, gabi na. Mag-ingat ka pag-uwi, ah. Ako na bahala kay Theo. Tulog na naman 'yung bata. Medyo hinanap ka lang kanina. Sinabi ko na lang susunduin mo siya. Siguraduhin mo bukas dadaanan mo siya."

"Oo. Salamat."

"O, sige. Mag-ingat ka. Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na. Hinihintay ko pa naman si Xaniel matapos ang ginagawa niya. Baka gising pa ako kapag nakauwi ka na."

"Sige. Sige."

"Bye," paalam ng kanyang pinsan.

Napabuntong-hininga siya pagbalik ng kanyang cellphone sa bulsa. Halos nakalimutan niya pala na susunduin niya ang anak sa sobrang lutang ng kanyang isip. Walang ngiti sa kanyang labi. Namumungay ng kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang tubig ng Marina Bay sa kanyang harapan.

How cruel she has been to do such thing to Thyro?

Hindi niya alam na ganoon pala katindi ang epekto kay Thyro ng pagtakas niya ng araw na iyon. And to think that Thyro waited for her to come back? Pero hindi siya bumalik. Walong taon ang lumipas pero hindi siya bumalik? Gaano siya naging sakim? After she knew about her pregnancy, she stopped looking for him. Binuhos niya ang buong buhay niya kay Theo. Masama ba iyon? Masama bang tinutok niya ang sarili sa anak? Masama bang magtrabaho sa ibang bansa para sa anak? Kahit na aminadong nakalimutan na niyang hanapin talaga ang ama nito. Binuhos niya ang oras sa pagtatrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang anak. Hindi naman siguro ganoon kasama ang nagawa niya, no?

"May hinihintay ka?"

Her heart suddenly beats a little bit faster upon hearing that deep baritone voice. How she could forget that voice when upon hearing it, her body chills in nervous.

Tumikhim siya wari'y may bumara sa kanyang lalamunan at ayaw maalis. "W-Wala." Pinipilit niyanng sarili na huwag itong lingunin matapos nitong tumabi sa gilid niya at kitang-kita niya sa gilid ng kanyang mga mata na nakatanaw rin ito sa Marina Bay.

"Ako ba hindi mo tatanungin kung may hinihintay ako?"

"M-May hinihintay ka?" Hindi niya alam kung bakit niya pinatulan ang tanong nito pero sa isang parte ng kanyang isip ang gustong magtanong kung hinihintay pa rin siya nito.

"Meron," sagot ni Thyro. "Ikaw."

Ang kabang nararamdaman sa kanyang puso ay bumalot sa buo niyang katawan sa sinabing iyon ni Thyro. At ang mukha niya'y kanyang naiangat at hindi na napigilang lumingon sa lalaki na sa hindi man lang lilingon sa kanya at diretso pa rin ang tingin.

"I've been looking for you for eight years." Thyro made a lopsided smile. "But we wet again in unexpected time. In unexpected situation. And in unexpected truth."

Hindi niya alam kung bakit lagi siyang nauubusan ng salita sa harapan ni Thyro samantalang kilala niya ng sariling matapang sa lahat ng sitwasyon. Nagawa niyang harapin ang lahat ng problemang dumarating sa buhay niya. Nagawa niyang harapin ang biglaang pagbubuntis niya kay Theo. Nagawa niyang tulungan si Roldyn nang mamatay ang mga magulang nito sa parehong taon. Nagawa niyang ibalik ang lahat ng hirap ng magulang niya para pag-aralin siya. Nagawa niyang harapin ang lungkot nang mapilitan siyang iwan si Theo sa Nanay niya upang magtrabaho sa Singapore. Pero bakit pagdating kay Thyro, nawawalan siya ng tapang?

Thyro looked at again at the Marina Bay. "You promised me that night that you would stay but you left me as soon as the next morning."

Nasapo niyanang bibig gamit ang palad at pilit pinipigilan ang hikbi na umalpas mula sa kanyang bibig. Halos sabay namang tumakas ang butil ng luha sa magkabila niyang mga mata. Dama niya ng sakit na naramdaman ni Theo sa bawat salitang binibitawan nito.

"Then, after eight years, I would just meet you again in the arm of other man. More of it, you have a son. Habang kasal ka sa akin." Narinig niya ang pagak na tawa ni Thyro. "Pinatay mo na lang sana ako noon."

Gulat na napalingon siya kay Thyro sa sinabi nito. Tulad ng inaasahan niya, aakalain ni Thyro na anak nila ni Mhike si Theo.

"Wala kaming relasyon ni Mhike," agad niyang anunsyo. "Theo just used to call him Daddy pero hindi sila mag-ama." Maybe, it's now or never. Ayaw na niyang patagalin ito. Ayaw na niyang palalain pa maigi ang galit ni Thyro sa kanya.

Pero tinawanan lang siya ni Thyro. Ano bang inaasahan niya? Syempre, hindi agad siya paniniwalaan nito.

"Make me believe your words." Thyro looked at him with furious eyes. "How could you make me believe that that kid is not Mhike's son?! Hindi naman ako bulag para hindi mapansing isa kayong masayang pamilya, no? You were too happy that time! Karga-karga pa niya ang bata! At kapit na kapit pa ito sa leeg niya! Everyone would think that they are father and son!"

"Ginawa lang ni Mhike iyon para pagselosin ka! Gusto niyang mainggit ka sa tawag sa kanya ni Theo!"

"Bakit naman niya ako pagseselosin gamit ang batang iyon?! Sino ba ang batang 'yon?!"

She looked at him intently. Wala na siyang ibang pagkakataon. Hindi na niya sasayangin pa ang oras na iyon. There, she answered it, truthfully. "Anak mo."

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon