"HINDI pa ba nagpaparamdam si Thyro?"
Halos tatlong araw na ang lumipas matapos ang naging announcement ng kanyang asawa sa pagbibitiw nito bilang susunod na Emperor ng Japan sa international television. Hindi naman nakatuon ang kanyang pansin sa harap ng monitor kundi sa cellphone niya na nakapatong sa mesa katabi ng kanyang laptop.
Napailing-iling naman siya bilang sagot sa tanong na iyon ni Katrina sa kanya. "Hindi. Wala pa siyang paramdam matapos iyon."
"Sigurado ka?" paninigurado ni Katrina.
Walang siglang napatango siya. Lumapit naman sa kanya ang kaibigan upang aluin siya. Hindi niya maitatanggi sa sarili na hinahanap-hanap na niya ang asawa. Wala naman siyang maibigay na sagot tuwing hahanapin ni Theo ang ama. Laking pasalamat na lamang niya na naaaliw ang anak nina Thalia at ng kanyang ina upang hindi ito makaramdam ng lungkot tuwing hahanapin si Thyro.
"Huwag ka masyadong paka-stress, makakasama iyan sa bata----." Naputol ang linyang iyon ni Katrina nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
At sabay silang napatingin sa screen ng kanyang cellphone at makita roon na may message na pinadala si Thalia. Nagkatinginan muna silang dalawa ni Katrina bago nagmamadaling kinuha ang kanyang cellphone. Hindi niya malaman kung saan nanggagaling ang kabang kanyang nararamdaman simula nang mabasa ang pangalan ni Thalia.
Thyro is back.
At halos tumaob ang kanyang upuan nang bigla siyang mapatayo nang mabasa ang mesaheng iyon ni Thalia. Halos manubig ang kanyang mga mata niya nang mapalingon siya kay Katrina. Maging ito ay nakangiti sa kanya.
"Sabi ko sa'yo, babalikan ka niya," anito.
Mariin niyang naipangtakip ang palad sa bibig. Sa sobrang sayang nararamdaman ay hindi niya iyon maibigkas. Excited na siyang makitang muli ang asawa. Halos isang buwan na niyang tiniis na hindi ito makasama.
Umiling-iling si Katrina. "Sige, papayagan kitang mag undertime today."
Mabilis na niyakap niya ang kaibigan sa sinabi nito. "Maraming salamat!"
"Asus," anito sabay tapik sa kanyang balikat. "Lakad na, baka naghihintay na rin iyon sa iyo."
At halos kaladkarin niya ang sarili palabas ng opisina ni Katrina at panggigilan ang down button ng elevator. Gustong lumabas ng kanyang puso sa sobrang bilis ng tibok niyon habang nakatingin siya sa numero hanggang sa magsaad ang indicator na nasa ground floor na siya.
Kahit maraming tao ay wala na siyang pake kung pagtinginan siya ng mga ito, ang gusto niya lang ay mabilis na makarating sa kanyang kotse at makauwi na sa bahay kung saan ay sa tingin niyang naghihintay si Thyro.
Mabibilis ang kanyang hakbang hanggang sa halos ay marating niya ang malaking entrada ng DBS building.
"Crystal!"
But she immediately stopped upon hearing that voice. And she couldn't be wrong. Her heart knew that voice. At halos manubig ang kanyang mga mata nang sa kanyang paglingon ay ang lalaking halos isang buwan niyang hinintay ang pagbabalik ang tumambad sa kanyang harapan. Thyro was standing right behind the reception area. Sa sobrang pagmamadali niya ay hindi niya man lang ito napansin.
And Thyro really went there to see her after his flight from Japan?
Her heart felt so happy upon seeing that ash-gray eyes again. At mas lalong nakaramdam iyon ng kasiyahan nang ilahad ni Thyro ang mga bisig na para bang hinihintay ang kanyang yakap. At hindi na niya pinatagal pa ang paghihintay nito. Sinimulan niya sa paglalakad na nauwi sa pagtakbo upang agad na marating ang puwesto nito. At sa isang iglap lang, they found their love in the arms of each other. Mahigpit ang yakap na sinalubong nila sa isa't isa. Isang yakap na nangangahulugang nangulila nila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019