"MOMMY, puwede po natin puntahan si Daddy?"
Katatapos lang ni Crystal na ikabit ang seatbelt ni Theo. Kasalukuyan silang nasa parking space ng Bright Brigdes School dahil katatapo lang din ng parents' meeting. Hindi naman niya agad napaandar ang sasakyan dahil sa sinabing iyon ng kanyang anak.
Napakurap-kurap muna siya bago nakapagsalita. "Gusto mong makita ang daddy mo?"
Tumango-tango si Theo. "Opo."
Bigla naman siyang nakonsensya sa lungkot na nakikita niya sa abuhing mga mata ng anak. Hindi nakasama si Thyro sa meeting dahil abala ito sa trabaho at hindi magawang lumiban.
"Kahit saglit lang po, Mommy, tapos uuwi rin po tayo," pakiusapa pa ng bata.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at bakas sa kanyang mukha ang alinlangan ngunit hindi naman nita matiim na makitang malungkot ang kanyang anak.
"Sasaglit lang tayo, ah. Medyo busy si Daddy mo kaya hindi natin siya puwedeng guluhin. Pagkatapos, diretso tayo sa DBS. Miss ka na rin nila Tita Katrina at Ninang Rodlyn mo."
Kitang-kita naman niya ang pag-aliwalas ng mukha ni Theo sa kanyang sinabi.
"Yes! Opo, Mommy!" agad na sagot nito.
Hindi naman naging mahirap para kay Crystal na hanapin ang building ng HDR-P sa abalang sentro ng Orchard City. Kahit ngayon lang niya narating ang nasabing kumpanya ay hindi naman naging mahirap para sa kanya ang matunton iyon. Ang anak naman niya'y halatang excited na makita ang ama dahil halos hilahin siya nito papasok ng main lobby. Sinigurado naman niyang hindi makakawala sa pagkakahawak niya si Theo.
"Can I meet Mr. Pacalla?" aniya sa receptionist gunit magbibigay na sana siya ng valid ID sa receptionist nang bigla na lamang bumitaw si Theo sa pagkakahawak niya.
"Daddy!"
Halos isigaw niya ang pangalan nang anak nang lingunin niya ito ay mabilis na tumakbo ito hanggang sa kabilang panig ng main lobby. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang sundan niya ito ng tingin ay nakayakap na ito sa binti ni Thyro. Halos mapasinghap siya nang makita niya ang kunot na kunot na noo nito. Halata ang gulat sa mukha ni Thyro na bigla na lamang makita ang anak.
Halos takasan naman siya ng dugo nang mahalata niyang parang may hinahanap si Thyro sa buong lobby and what makes her more feel feared when their eyes met. At nagtatanong ang mga mata nito kung bakit sila naroon ngayon. At mas lalong siyang binalutan ng kaba nang mapansin niyang halos hindi rin makapaniwala ang ekspresyon ng mukha ng limang lalaking naka-formal suit din na kasama ni Thyro.
Mabilis na humakbang siya palapit sa anak at pilit na hinihila ito palayo sa pagkakayakap nito sa binti ni Thyro.
"T-Theo, let's go. B-Busy si D-Daddy. Sa susunod na lang tayo pumunta," ngarag na saad niya sa anak. Hindi naman nagpapigil ang anak at agad na bumitaw ito sa ama.
Hindi na siya makaundagaga kung paano makakaalis sa lugar na iyon dahil halos nakuha na nila ang atensyon ng lahat ng nasa main lobby. Maging ang mga kasama ni Thyro ay nakatuon na rin ang tingin kay Theo.
"Daddy, I miss you po," biglang saad ni Theo na kinalaki niya ng mga mata. "Hintayin ko po kayo sa bahay."
Pinilit niyang ngumiti sa kabila ang walang ekspresyong mukha ni Thyro sa kanya. Sa anak lang nila ito ngumingiti. And she thinks it's a bad timing. Mukhang nagulo nila ni Theo ang dapat atang lakad ni Thyro kasama ang limang lalaking katabi nito.
Akmang tatalikuran na sana niya ang mga ito habang hila si Theo nang biglang marinig niya ang baritonong boses ni Thyro na nagpanginig sa buo niyang katawan.
"Crystal."
Kagat niya ang pang-ibabang labi habang unti-unting humaharap dito. And she was frozen in a moment when she met Thyro's cold as an ice ash-gray eyes.
"G-Gusto ka kasing makita ni Theo. I can't say no," sinubukan niyang magpaliwanag. "S-Sorry kung bigla kaming pumunta."
"Anata wa musuko, ōji ga imasu ka?" (You have a son, ōji?)
At ang atensyon nila ay napunta sa isa sa mga kasama ni Thyro. Kitang-kita naman niya ang paggalaw ng panga ng huli. Hindi man niya maintindihan ang lengguwahe ay kita naman niya ang pagkataranta sa mukha ni Thyro sa pagkakatitig ng mga ito sa kanilang anak na ngayon ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay.
"Kaigi-ba e dōzo. Watashi wa tsugini kimasu." (Please go ahead at the meeting area. I'll come next.) Narinig niyang saad ni Thyro sa mga kasama nito. Pagkatapos ay agad na umalis ang mga ito.
Ngunit isang matandang lalaki naman ang nagpaiwan. Hindi niya naiwasang sumain ang mukha nito. Nahalata niya ang pagkakahawig nito kay Thyro.
"Magpapaliwanag ka sa akin mamaya. At huwag na huwag mong papaalisin ang mag-ina mo." And in a very commanding voice, the man left them.
Nakagat naman niya ang pang-ibabang labi nang siya naman ang tapunan ng tingin ni Thyro matapos nito ihatid ng tingin ang matanda na sa tingin niya'y ang ama na nga nito.
Hindi niya nagawang salubungin ang mga mata nito. Napasunod na lamang siya ng tingin nang pantayan ni Thyro ang kanilang anak ay walang pasubaling kinarga si Theo.
"Sumunod ka sa'kin." Utos iyon ni Thyro at malayong-malayo sa pakiusap.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito habang karga-karga nito si Theo. Sa ilang sandali lamang matapos nilang lumabas ng elevator ay nakita na lamang ni Crystal ang sarili sa loob ng isang malawak na opisina.
"Tatawagin ko si Thalia at sasabihin kong nandito kayo. Siya na lamang muna ang bahala sa inyo," ani Thyro nang lumapit sa kanya matapos ibaba ang kanilang anak sa sofa. "Just like what you have heard, you need to stay or else mananagot tayo kay Papa."
Napatango na lamang siya sa sinabi ni Thyro. "Galit ba ang Papa mo?" alinlangan niyang tanong.
"Hindi. Nagulat lang iyon," sagot ni Thyro. "Hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanyang nagkita na ulit tayo at nakatira ka sa bahay ko. At mas lalong wala siyang alam na may anak na tayo. Si Thalia lang."
"Galit ka ba?" Hindi niya maitatanggi sa sarili na mas nag-aalala siya sa nararamdaman ni Thyro. Panigurado ay galit ito sa kanya dahil sa biglaan nilang pagpunta.
"Sa tingin mo ba kaya kong magalit sa'yo?"
She could see no trace of madness on his eyes. At ramdam niya ang kasiyahan ng kanyang puso dahil doon.
"Baka hinihintay ka na nila," pag-iiba niya.
Tumango-tango si Thyro. "Hintayin mo ko. Saglit lang naman iyon. Huwag na huwag kayong lalabas kung hindi niyo pa kasama si Thalia."
Tumango-tango siya.
Thyro smiled. And before he left them, he turned on their son and talked to him before going out of the office.
Napangiwi naman siya nang daanan lang siya nito at hindi man lang nagpaalam sa kanya.
Ano pa bang dapat kong asahan? Well, padabog lang namn siyang naupo sa tabi ng kanyang anak at halos minuto ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang galak na galak na si Thalia na makita ang pamangkin nitong si Theo.
BINABASA MO ANG
When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]
Romance3. When You Make My Heart Smile Tonight "Let our heart speaks behind what our acts meant." DS: Feb. 13, 2019 DF: Mar. 22, 2019