Part 29

1K 30 0
                                    

"SUSUNDUIN ka ba ulit ni Thyro?"

Nililigpit na ni Crystal ang kanyang mga gamit nang lumapit sa kanya si Katrina. Nginitian niya ito habang inaayos ang mga gamit sa kanyang mesa.

"Hindi," sagot niya. "Pinayagan na niya ako ulit gamitin 'yung sasakyan ko. Tagal na kasi 'nun nakaparada sa parking lot ng DBS. Iuuwi ko na. Nakakahiya na kasi."

Narinig niya ang maliit na tawa ni Katrina. "Baliw. Bakit ka naman mahihiya? Dito ka naman nagtatrabaho?"

Nahawa naman siya sa tawa nito. "Baka hindi na gumana iyon sa sobrang tagal hindi nagamit."

"Oo nga," anito. "O, siya. Mauna na kami ni Lyndon. Mag-ingat ka sa pagda-drive."

"Yes, boss."

"Baliw."

Hindi niya maitago ang tuwa nang marating niya ang parking lot at makitang muli ang kanyang sasakyang ilang buwang hindi nagamit matapos nilang tumira ni Theo sa bahay ni Thyro. Simula 'nun ay naging hatid-sundo na sila ng huli. Laking pasalamat na lamang niya nang pumayag ito na umuwi siya mag-isa. Mabuti na rin daw na sa bahay nakatigil ang kanyang sasakyan.

"I miss you, my baby. Uuwi na tayo," aniya pagkapasok ng driver's seat. Pinaandar na niya ang sasakyan at nilabas ng parking lot ng DBS.

Kalukuyan niyang tinatahak ang Pan Island Expressway nang may mapansin siya sa rear view mirror ng kanyang sasakyan. Ayaw naman niyang takutin ang sarili pero parang kanina pa niya pansin na sinusundan siya ng isang itim na kotse. Hindi na lamang niya iyon pinansin bagkus ay mas pinabilis niya ang pagpapatakbo ng sasakyan ngunit laking gulat niya nang bumilis rin ang takbo ng itim na kotse. Doon na nagsimulang umangat ang takot sa kanyang katawan. Humigpit ang pagkakahawka niya sa manibela at maya't maya ang tingin niya sa rear view mirror.

And in just a second, she prayed that Thyro was there to protect her.

Tinuon niya ang tingin sa unahan at pilit inuunahan ang sasakyan ngunit laking gulat niya nang sabayan siya ng itim na kotse.

"My god!" hiyaw niya. "Ano bang kailangan niyo?!"

And her heart raced in nervous when the black car overtakes and suddenly stops just right in front of her car. Isang malakas na preno ang namayani sa kanyang sasakyan na halos nagpabingi sa kanya. Takot ang namayani sa kanya. Ang tibok ng puso niya'y halos mabilis at walang balak tumigil. Napa-sign of the cross na siya nang biglang bumukas ang pinto ng driver's at passenger's seat ng itim na kotse. Mabilis naman na ni-lock niya ang pinto ng kanyang sasakyan. Halos mataranta naman siya habang hinahalungkat ang kanyang bag. Her phone suddenly disppeared out of nowhere.

"Thyro, please!" aniya habang halam na ang mga luha. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinahanap ang knyang cellphone sa kanyang bag at nang mahawakan na niya iyon ay agad niyang hinanap ang numero ni Thyro sa kanyang contacts.

"Thyro, sagutin mo, please!" aniya. Unti-unti nang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

At halos manlaki ang mga mata niya nang makita niyang sa direksyon ng kanyang sasakyan ang tungo ng dalawang lalaki.

"Thyro, my god!" tawag niya sa asawa. Agad niyang pinindot ang call button ng kanyang cellphone nang makita niya ang numero ng lalaki. "Answer the phone, please!" maluha-luha niyang sabi.

But what makes her more feel nervous when the call dropped.

"My god, Thyro, nasaan ka ba?!"

Napatingin siya sa paligid. "Shit!" Nasisigurado niyang planado ng dalawang lalaki na harangin siya sa gitnang bahagi ng Pan Island Expressway. Wala nang masyadong sasakyan na dumadaan at halos matataas na puno pa ang nasa paligid nila.

And she was ready to cry out when the first man was already in front of her car, knocking on the passenger's seat window. Pilit pa rin niyang tinatawagan ang numero ni Thyro nang bigla siyang makarinig ng malakas na pagpreno ng sasakyan. And her heart skipped a beat when she saw a dark gray-colored car suddenly bumped the other second man out of nowhere.

Halos mapasinghap siya nang makita niyang tumilapon ang lalaki. Gulat naman ang mababasa sa mukha ng isa pa at hindi na nagawang kumatok pa ulit sa kotse niya dahil agad nitong dinaluhan ang kasama.

And her eyes opened widely when she saw the man escaped from the ash gray-colored car. It's none other than her husband, Thyro. At mas lalo siyang nagulat nang makitang lumabas rin mula sa passenger's seat ang pinsan nitong si Aldrin.

Halos mapasigaw naman siya nang bigla na lamang suntukin ni Thyro ang dalawang lalaking nangharang sa kanya. Nakita niyang may sinabi si Thyro sa dalawa ngunit dahil nasa loob siya ng kanyang kotse ay hindi niya iyon maintindihan. Pansin naman niyang hindi gumaganti ang dalawang lalaki kay Thyro. Hinahayaan lamang ng mga ito na kwelyuhan sila nina Thyro at Aldrin. Thyro was saying something to them but she couldn't hear what was that.

Akmang bababa sana siya ng kanyang sasakyan nang makaramdam naman siya ng kirot sa kanyang sentido. And it feels like she was having a damn headache.

And in a flash of a light, a not so unfamiliar scene striked her mind.

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon