Part 2

1.4K 32 0
                                    

"NAKAKATUWA naman na magkasama na kayong mag-ina. Masaya ako para sa'yo."

Nginitian niya si Katrina nang makapasok siya ng opisina nito at binati agad siya sa pagkakapasa ng study permit ni Theo at ngayon nga'y magkasama na silang mag-ina.

"Maraming salamat, Katrina. Kundi rin naman dahil sa tulong niyo sa akin ay hindi maaaprubahan ang study permit niya," aniya dito.

"You deserve to be with your son," ani Katrina.

"Gustong-gusto ko na talaga siyang makasama. Ayon nga lang, iniwan ko muna sa playroom for kids ng DBS. Ie-enrol ko na siya next week para sa susunod na school year ay makapasok na siya."

"Sana kasama ko rin ang anak ko ngayon," biglang lumungkot ang boses ng kaibigan.

Hinawakan niya ito sa balikat. "I know Daniel is happy to see his parents are now okay. Panahon na rin naman magkaroon ng kapatid si Daniel."

"Baliw ka na," natatawang sagot ni Katrina. "Pero sinusubukan na namin ni Lyndon."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Katrina. "Kaya pala may kakaiba na sa iyo. Baka naman may laman na 'yan?" tuya niya dito.

Napapailing si Katrina habang naupo sa swivel chair nito. "Sana nga'y magdilang anghel ka, Crystal."

"May makakalaro na si Theo," aniya.

"Well, tingnan natin," may pilyong ngiti si Katrina.

Umupo na siya sa kanyang puwesto matapos niyang matimplahan ng kape ang kaibigan. Inayos na niya ang mga reporr na kailangan niyang matapos at mapirmahan na ni Katrina.

Sa sobrang pagkaabala sa ginagawa ay hindi niya napansing tumayo si Katrina at lumapit sa kanyang puwesto.

"This will be presented tomorrow to our client. Most important project of DBS for 2019," ani Katrina nang ilapag ang isang folder sa ibabaw ng kanyang mesa. "Puwede bang ikaw na lang ang mag-present nito bukas sa conference meeting with our client? Kailangan ko pa kasing ihanda ang proposed magazine output. Minamadali ko na nga rin si Xaniel para sa proposed layout at 'yung articles kay Mhike."

Agad siyang tumango. "Oo naman. Okay lang. Handa na rin ba ang presentation?"

"Oo. Nakahanda na. Nagawa ko na. Isesend ko na lang sa e-mail mo maybe later para ma-review mo."

"Sige."

"Salamat, Crystal. Medyo haggard lang talaga tayo for this project. Malaking proyekto ito. This is the biggest issue for DBS Men. Minsan lang pumayag ng client na ito to be featured in magazine."

Napa-'wow' naman ang isip niya sa sinabing iyon ni Katrina. "Sige. I'll do my best to present this and make him sign the agreement."

Natawa naman sa kanya si Katrina. "Alam kong magagawa mo 'yan."

"Na-flattered naman ako sa sinabi mo," tuya niya dito.

"Para ganahan ka," balik ni Katrina.

Napailing-iling na lamang siya sa ginagawang pangbobola sa kanya ni Katrina.  Akmang babalik na sana sa puwesto nito si Katrina nang makarinig sila ng sigaw mula sa labas ng opisina ni Katrina.

Nagkatingin pa sila ni Katrina at alam nilang pareho sila ng iniisip kung kaninong boses na iyon.

Napapailing na lamang siya nang tumayo siya. Nakasunod niya si Katrina.

"Hindi naman po ikaw ang daddy ko."

Halos manlaki ang mga mata niya nang tumambad sa harapan niya ang kanyang anak na si Theo. Katabi nito si Rodlyn. At ang walanghiya nilang kaibigang si Mhike ay nakaluhod upang pantayan ang kanyang anak.

"Ayaw mo ba akong maging daddy? Ako kaya ang best daddy in the world!" nakangusong saad ni Mhike kay Theo.

And her world suddenly went upside down with Mhike's words.

"Anong ginagawa mo?!" singhal niya sa kaibigan nilang sintu-sinto.

"Sinundo ko si Theo sa playroom para puntahan ka kaso nakasalubong namin ni Mhike. Kanina pa niya sinusubukang mapapayag si Theo na tawagin siyang daddy," sabat ni Rodlyn. "Nababaliw na ata kaibigan niyo. Pinagtitripan si Theo."

"Huwag mong pagtripan ang anak ko, Mhike! Baka masapak kita!" pagbabanta niya dito.

Pero ang walanghiya nilang kaibigan nginisian lang siya. Binalik nito ang tingin kay Theo. "Ayaw mo ba akong maging daddy? I can be your daddy if you want. I'll give you chocolates. Or everything you want?"

Napahawak na lamang siya sa kanyang noo sa ginagawang panunuhol ni Mhike kay Theo.

"Pero hindi naman po ikaw ang tunay kong daddy. Hindi pa po dumarating ang tunay kong daddy," tanggi ni Theo.

Bigla naman siyang nakaramdam ng lungkot para sa anak sa sinabi nito. Alam niyang hinihintay pa rin nito ang pagdating ng tunay nitong ama kahit hindi nito binabanggit sa kanya. Alam niyang may pagkukulang siya para sa anak pero sa tingin niya'y mas mabuti na rin iyon. Baka hindi pa tamang oras para malaman nito ang totoo.

"E'di habang wala pa ang tunay mong daddy, ako na lang muna. Sa totoo nga niyan, marami kang puwedeng maging daddy dito. Kaibigan kami ng mommy mo. At dahil anak ka ni Crystal na friend namin, anak ka na rin  namin. Kaya puwede mo kaming maging daddy. Ako puwede mong tawaging Daddy Mhike. Mayroon ka pang Daddy Lyndon at Daddy Xaniel. Puwede mo rin maging mommy sina Mommy Katrina at Mommy Rodlyn. Kase mahal ka namin." Nginitian ni Mhike si Theo saka ginulo-gulo ang buhok nito.

Napatingin sa kanya ang kanyang anak. Wari'y nagtatanong ito sa kanya kung puwede na kanya namang sinagot ng tango. Nakaramdam naman siya ng pasasalamat sa sinabing iyon ni Mhike. Alam niyang lahat ng kasama niya ay tinuturing na kanila rin si Theo. Hindi man siya tinatanong mga kaibigan tungkol sa nangyari, ramdam niya ang respeto ng mga ito sa kanyang desisyon na hindi muna magkuwento.

Tumango-tango si Theo. "Okay po. Daddy Mhike."

Kitang-kita niya ang malawak na ngiti ni Theo at Mhike sa isa't isa.

"Yes! Napapayag rin kita. Kanina pa kita kinukulit. Akala ko matatalo ako sa'yo!" biglang hiyaw ni Mhike. Nagulat naman siya nang bigla nitong kargahin ang anak niya. "So, let's play? Doon tayo sa kid's playroom."

"Yehey! May makakalaro na ako!" hiyaw rin naman ni Theo.

"Sama rin ako!" habol ni Rodlyn.

Napapailing na lamang siya habang tinatanaw ang papalayong sina Mhike, Theo at Rodlyn.

"Teka!" sigaw ni Katrina. "Baka nakakalimutan niyong may mga trabaho kayo!"

Natawa naman siya sa sinigaw ng kaibigan. "Pasensya na. Naagaw ata sila ni Theo."

"Gumana lang talaga ang pagiging isip-bata ni Mhike. Na-excite makakita ng bata dito sa DBS."

"Siguro nga."

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon