Part 27

1K 30 0
                                    

"SALAMAT."

Agad na tumuloy si Crystal sa ikatlong palapag ng bahay matapos niyang nakipagkuwentuhan sa kanyang ina at maihatid ito sa tinutuluyang kuwarto ni Theo. Gusto raw ng kanyang ina na ito ang unang makita ng apo paggising bukas ng umaga.

Hinanap naman agad ng kanyang mga mata si Thyro nang makapasok siya sa kuwarto. Naabutan niya ito sa sala na nanonood sa T.V. ngunit agad naman nitong pinatay nang maramdaman ang kanyang presensya.

"How's your mom?" tanong nito.

Naupo naman muna siya sa kabilang panig ng sofa. Hindi naman niya alam kung paanong kilos ang gagawin niya ngayong nasa tabi niya ang asawa.

"O-Okay naman. Excited siya na makasamang muli si Theo," sagot niya. "S-Salamat daw sa ginawa mo para makasama namin siya."

Tumango-tango si Thyro.

Nilakasan na niya ang loob at nilingon ang asawa na nakatingin lamang ng diretso sa screen ng T.V. Nahalata niya ang malalim nitong pag-iisip.

"O-Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya dito.

Humalukipkip si Thyro. "Okay lang."

"May problema ba?"

Bigla naman siyang binalot nang kaba nang lingunin siya ni Thyro. "Bakit ang layo mo sa akin? Wala naman akong sakit."

"Ha?" Napakurap-kurap siya sa sinabi nito. Bigla siyang napatingin sa espasyong nasa pagitan nila. Medyo malayo nga ang distansya nila. Hindi naman niya namalayang unti-unti siyang umuusog ng upo palapit sa asawa hanggang sa halos isang dangkal na lamang ang pagitan nila.

Nakagat naman niya ang oang-ibabang labi nang maramdaman niyang isinandal ni Thyro ang ulo sa kanyang balikat at umikot ang braso nito sa katawan niya. Dama niya ang kabog sa kanyang dibdib at alam niyang nararamdaman rin iyon ni Thyro. She's not ready with this Thyro's gestures. Yakap siya nito habang nakapatong sa kanyang balikat ang ulo nito.

"I will leave my world for you. Sana ikaw naman ang tumupad sa pangako. You've promised me that you will live this life with me."

Napalunok siya sa sinabi nito. Hindi naman niya namalayang napahawak na pala siya sa mga kamay ni Thyro na nakapulupot sa kanya.

"A-Anong ibig mong sabihin? A-Anong iiwan mo ang mundo mo?" tanong niya dito.

Pero wala siyang narinig na sagot. Dama niya ang mainit na paghinga ni Thyro sa kanyang leeg nang siniksik nito ang mukha roon.

"Hindi mo ba sasabihin? Hindi ka ba magsasalita?" ulit niya.

"Kapag sinabi ko, pipigilan mo ko. At ayokong pigilan mo ko. Sasama ako sa'yo tulad ng ipinangako ko."

"Hindi ba puwedeng ako ang sumama sa mundo mo?"

Nagtama ang mga paningin nila ni Thyro nang iangat nito ang ulo mula sa pagkakapatong sa kanyang balikat. Mahabang sandali ang lumipas bago ito nagsalita muli.

"Ayokong sumama ka sakin doon. Lalong-lalo nang ayokong mabuhay si Theo sa mundong iyon. Mas mabuti nang sa mundo mo na lang. Walang nangingialam. Walang nag-uutos. Atin ang mundo natin."

"Ganoon ba kapangit sa Japan?" wala sa sariling tanong niya.

Napakurap-kurap naman siya nang tumawa si Thyro ng mahina. "Japan is a beautiful country. But I don't want to be with the people who are waiting for me on that country."

"Sinong naghihintay sa'yo?"

Matagal na tiningnan siya sa mga mata ni Thyro. "Huwag mo nang tanungin. Hindi naman sila importante. Ang mahalaga kasama kita. Kasama ko kayo ni Theo. Buo tayo. At hindi ako papayag na sirain nila ang pamilya natin."

She saw the seriousness on Thyro's eyes. At masaya siyang marinig mula sa asawa ang mga salitang iyon. Parang inalo ang kanyang puso ngayong nakikita niya mula sa mga mata nito ang pagpapahalaga sa pamilyang mayroon sila.

"Salamat," aniya nang bukal sa kanyang puso.

There, she was able to see in the second time around, the sweet smile from Thyro's face.

Napasinghap naman siya nang muling ipulupot ni Thyro ang mga bisig sa kanyang katawan at walang sabi-sabing siniil nito ng halik ang mga labi niya ng mga labi nito. Noong una ay hindi agad siya nakapag-react sa biglaan nitong kilos. Ngunit kalaunan ay nagawa naman niyang ibalik ang mga halik dito hanggang sa namalayan na lamang niyang makapulupot na rin ang mga braso niya sa leeg nito.

The cold weather brought by the wind from the midnight made warmth on every touch of the heat on every tip of their body. And it became more unforgettable when they heard the song of an angel in the evening sky.

Until they lose their sanity on the warm embrace in as one connected bodies.

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon