Part 18

1K 39 16
                                    

"SAAN ka galing?! Bakit hindi ikaw ang kasama ni Theo?!"

Halos mabingi si Crystal sa bungad na iyon ni Katrina sa kanya pagpasok niya ng opisina nito. Magsasalita pa sana ito nang mahalata niya ang gulat sa mukha nito at mukhang nakita na nito ang kasama niya na alam niyang nakasunod lamang sa kanyang likuran.

Pinanlakihan naman siya ng mga mata ni Katrina nang makalapit siya dito. Ang mga mata nito'y nagtatanong kung bakit kasama niya si Thyro pero isnag ngiti lang ang sinagot niya dito.

"Nakapasok na ba si Rodlyn? Kasama ba niya si Theo?" tanong niya sa kaibigan.

Katrina's eyes are still asking but she has no time to answer it.

"Oo. Kanina pa. Late ka na nga, e. Saan ka galing?" Natawa naman siya sa pagpaparinig na ginawa ni Katrina. "Iniwan ata ni Rodlyn sa kid's playroom. Kanina ka pa hinahanap ng anak mo."

Naramdaman naman niya ang paglapit ni Thyro sa kanila. Binati naman nito si Katrina na ginawa rin ng huli.

"Ako na lang ang susundo kay Theo," pangunguna niya kay Thyro.

"Sasama ako."

Umiling-iling siya. "Hintayin mo na lang kami dito."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Katrina sa kanilang dalawa ni Thyro at sa pagkakatibgin nito sa kanya, mukhang nahalata na nito na may alam na si Thyro tungkol kay Theo.

"Sasama ako, Crystal," pagdidiin ni Thyro.

She looked at his eyes. "Hindi ako tatakas. Hindi ko itatakas si Theo. Hintayin mo ko dito. At nasisigurado kong kasama ko na ang anak natin pagbalik."

She saw how Katrina widen her eyes upon hearing her words.

Tumango-tango naman si Katrina. "Walang ibang pupuntahan si Crystal kundi dito lang. Hintayin mo na siya dito, Mr. Pacalla. Kasama na niya ang anak niyo pagbalik niya."

Mukhang nakumbinsi naman ni Katrina si Thyro at naupo na lamang ito sa sofa. "Bilisan mo."

She smiled. "Okay."

She was few meters away from the kid's playroom when she saw Mhike who's also heading towards the same place.

"Oh, nandito ka na pala. Sabi ni Xaniel sa kanila natulog si Theo kagabi. Saan ka galing?" bungad nito sa kanya pagkalapit nila sa kid's playroom.

Ngumiti siya sa kaibigan. "Kina Thyro."

Mhike's smile suddenly disappeared. "Kina Thyro?"

Tumango-tango siya. "Saka ko na lang ikukwento. Susunduin ko si Theo."

Hawak na niya ang doorknob ng kid's playroom nang pigilan siya ni Mhike. "Sinabi mo na?"

Napakagat-labi siya sa tanong nito. "He needs to know, Mhike. Ama siya ni Theo. I did something wrong to him. Hindi ko na kayang dagdagan pa iyon ng isa pang kasalanan. Kailangan niyang malaman ang tungkol kay Theo."

"How about the annulment? Akala ko ba makikipaghiwalay na siya sa'yo? 'Di ba, nagsampa na siya ng petition for annulment sa Pilipinas?"

Dumaloy ang kaba mula sa dulo ng kanyang mga daliri na nakahawak sa malamig na doorknob hanggang sa kaibuturan ng kanyang dibdib. And she forgot about it!

"No," aniya. "Hindi na niya iyon itutuloy." Kung pagbabasehan ang nangyari kaninang umaga, naniniwala siya. Umaasa siyang hindi na iyon itutuloy ni Thyro. Hindi na. Sana nga.

"Paano ka nakakasigurado?"

She knitted. "Mhike! Huwag mo nang pigilan ang desisyon ko. Gusto kong makilala ni Theo ang tunay niyang ama. Please, I know how you've been closed to my son. And I thank you for that. But Theo deserves to recognize him. At naramdaman kong masaya si Thyro nang sabihin ko sa kanya ang tungkol kay Theo."

When You Make My Heart Smile Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon